Chapter 1 : Zyre

21 2 0
                                    

PART 1

Ako po si Zyre. Noon, mayroong babae na matagal ko na talaga gusto. Si Nyrene. Sa loob ng sobrang tatlong taon,hindi niya ako pinapansin. Iniiwasan niya ako lagi at para bang pinandidirian niya ako. Dumating ang panahon na unti-unti nang nawala ang pagkagusto ko sa kanya.

Mas nawala pa ito ng nakilala ko si Erika.

Nakilala ko si Erika sa isang social net working site. Hindi ko inakala na magkapareho pala kami ng paaralan. Sa school, mas lalo ko pang nakilala si Erika. Hindi ko maitatangging maganda siya at matalino. Mabait siya pero minsan naman eh masungit siya. Hindi niya ako pinapansin sa personal, sa text at sa chat ko lang siya madalas na nakakausap. Kaya naman eh lagi akong nagpapaload at nag-iinternet. hehe xD

Isang hapon, may nakapagsabi sa akin na may ligawan daw na mangyayari sa field ng school namin. Bilang wala naman akong ginagawa,nagpunta ako.

Nagulat at nasaktan ako nang nakita ko na si Erika pala yung babaeng nililigawan. :((( nalungkot ako noon. Yung babaeng gusto ko ay may manliligaw na pala. Ansakit isipin na may naunang gumawa ng kung anuman ang dapat matagal ko nang ginawa. :(

Noong hapong iyon,wala na akong nagawa.

Zyre: Hay!!!! Ano ba naman to??? :( makapag-internet na nga lang.

Habang online ako, napansin ko na online si Gab.

She's the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon