Chapter 1: Log in

499 21 2
                                    

Medyo madilim na ang paligid.
05:47 PM na at ngayon palang ako Naglalakad pauwi. Galing akong school,wala namang magandang nangyari ngayong araw.

Naglalakad ako sa walking way sa tabing kalsada at paminsan-minsan ay nadadaanan ko ang mga tindahan ng mga pag-kain at street food. Marami rin akong mga nakakasalubong sa daanan,mga estudyanteng kagaya ko,mga ordinaryong magpapamilya at may mga magkasintahan.

"Hmm~"Dito palang sa daan mga 5-6 meters ang layo sa tindahan ni aleng nena ay amoy na amoy ko na ang kanilang lugaw. Madalas ko na ito ang aking kinakain.

Binilisan ko na ang aking paglalakad at ilang saglit pa ay narating ko na ang aming bahay.

"Andito na po ako"Pagkapasok ko sa loob nang bahay.

"Oh apo,ginabi ka yata?"Sabi ni Lola.

"Ah,opo"Sabi ko at tumingin-tingin sa paligid. Hinahanap ko si mama.

"Oo nga pala,wala ngayon ang iyong mama. Gagabihin daw siya"Marahil ay napansin ni Lola na hinahanap ko si mama kaya't sinabi niya ito.

"Ah,OK Oo"Sagot ko na medyo disappointed. Mga ganitong oras kasi talaga dapat umouwi si mama maliban nalang kapag mga ganitong may sudden day off. Gusto ko pa naman sanang kumain nang luto niya.

Tatlo lang kaming nakatira sa bahay dahil nasa abroad si papa at kapag holiday lang sya nakaka-uwi. Umakyat na ako nang kwarto. Nasa taas kasi ang kwarto ko.

"Hay~"Naginat-inat ako at tinignan ang paligid. Wala namang nagbago. Naka-ayos parin ang patas nang mga libro at manga ko sa 2 book shelf's ko. Yung mga CD's,Yung PS3,yung PC at yung mga iba ko pang gamit. Minsan kasi ay nagli-linis dito si lola at naiiba ang mga patas kaya medyo naiinis ako.

Humiga ako sa kama ko na may balot nang paborito kong anime. Kulay blue ang pintura nang kwarto ko at may mga posters at stickers nang anime na nakadikit. Pero hindi yung kung saan saan nalang,syempre naka-patas.

Tumingin ako sa ceiling fan na mabilis na umiikot at lumilikha nang mahinang tunog.

Iniisip ko si mama at papa. Kung kelan kaya ulet kami magka-kasama.

Oo nga pala,bago ko pa makalimutan,ako si Xander Kortis, 16 years old. Only son ni Samuel at Alexandra Kortis. Graduating na ako ngayong taon. Ako ay may medium length hair na black,brown eyes,maputing balat at 5'9'' tall. Hindi naman ako payatot hindi rin mataba,maganda nga ang hugis nang katawan ko mana ako kay papa.

"Sigh~"Bumaling ako sa kanan at niyapos ang hotdog na unan kung tawagin.

Sa pagbaling ko ay may nakita akong sticky note na nakadikit sa picture frame kung nasaan ang favorite family picture namin.

"Anak,I'm going to be late tonight,don't wait for me and sleep early. Bukas may surprise ako sayo!!

Love~
Mama"

Pagkabasa ko noon ay na-curious ako kung ano iyung surprise na iyon. Maaga pa naman kaya't marami pang oras.

Nagbasa nalang ako nang mga manga ko hangang sa tinawag na ako ni Lola para mag-hapunan at pagkatapos ay natulog na ako.

^Morning^

Sumisikat na ang araw. Habang unti-unti nang nababalot ng liwanag ang aking kwarto ay dahan-dahan ko ring iminulat ang aking mga mata dahil sa liwanag na nakakasilaw.

"Good morning anak!"Masiglang bati sa akin nang isang pamilyar na bose.
Kahit medyo pikit at nanlalabo pa ang mata ko ay agad kong nakita si mama.

"Good morning mama"Sabi ko at niyakap sya. Napansin ko na may tao pala sa likod ni mama. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko para makita kung sino ito. May hinala na ako kung Sino ito at hindi nga ako nagkamali!

Battle World Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon