Chapter 2: My Angels

31 0 0
                                    

Dedicated to: Laniesague

OMG! Global Warming na talaga sa Pinas!

Kalalabas ko pa man din mula sa banyo at magshower ay heto maiinit na man. Malakas na yung buga ng aircon sa loob ng kwarto namin ni kuya pero heto naiinitan parin ako.

Kinuha ko na yung isa kong dark colored shorts at saka yung white na statement t-shirt ko. Naisipan kong ito yung isusuot ko ngayong araw. Matapos magbihis ay as usual, sinumulan ko na ang aking daily ritual na pagpapaganda.

Naglagay ako deodorant.

Sunod ay yung whitening lotion kong SPF 20.

Nagpahid ng face cream para matakman yung mga unwanted dark spots ko.

Nag-spray ng kunting body cologne, teka wala na palang laman. Naku naman!

At panghuli ay yung hair cream sa buhok para di siya magulo, medyo Korean cut style kasi yung buhok ko gaya ng napapanood ko sa TV saka internet.

Malamang inabot rin ako ng 15 min. para matapos ang daily ritual ko bago bumaba.

Pumunta na ko ng kusina. Naabutan kong abala yung evil little sister ko slash mukhang tarsier.

Bumati pa ito sa akin. "Hello kuya! sa wakas, your finally done, breakfast is ready! Let's eat" maarte talaga ito kung magsalita. Yan yung napapala niya sa kapapanood ng mga Next Top Model na series.

"Aba...so si Nora Aunor yung peg?"

"Kuya? Nora Aunor ka d'yan?" irita nitong sabi tila di nito nakuha yung sinabi ko sa kanya.

"Nora Aunor..as in..may Himala! Himala yatang nag prepare ka ng food natin ha, evil sister?" kasi naman, dito sa bahay, kundi si mader ay ako yung laging naghahanda ng pagkain namin kaya nakapagtataka namang mag-abala itong bruhang to sa akin.

"Hehehe.." pakiming ngumiti ito sa akin. Pinagsalin pa ko ng orange juice sa baso.

Naku! Parang gets ko na yung mga ngiti at pakiming galaw nito sa akin. Alam kong may hihingiin itong pabor sa akin.

"Sus, alam ko na yan.. yang mga ngiting mong yan.." pinagdilatan ko siya ng tingin.

Kumuha na ko ng chorizo saka scrambled egg. Nakakagutom rin pala yung panaginip na yun.

"So you like the food kuya?" nakangisi parin ito sa akin.

Pinapauto na naman ako ng bruhang to.

Ngumiti ako ng hilaw sa kanya. "So whats your favor ha evil sister?" Nababasa ko na yung nasa isip nitong bruhang kapatid ko.

"Your so talino t'lga kuya Prince, eh kasi may research project kami sa science, pwede bang paki-research mo ko nito...please!" nagtwinkle-twinkle pa yung mala-tarsier nitong mukha saka iniabot nito sa akin yung notes niya.

Kinuha ko at binasa. Easy as 1 to 3 lang pala tong research project niya.

"Eh, ang dali lang naman nito ah..ba't di na lang ikaw yung mag-research nito ha?"

"Eh kasi, pupunta kami ni Johanna sa Mall mamaya, may bibilhin daw siya, nagpapasama sa akin!"

Palusot pa nito sa akin. Akala niya siguro mauuto na naman niya ako.

"If I know, manonood lang kayo ng sine, alam ko kayang ngayon yung showing ng movie nina John Loyd at Sarah! Palusot ka pa d'yan!"

"Hehehe..." napangiti lang ito sa akin. Wala itong lusot pagdating sa akin.

Princess na Si Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon