Chapter 3: F5 (Forces of 5)

44 0 0
                                    

Dedicated to: Ma'amLor

"Whoaa...!"

"Yeah!"

Ilang metro pa lang yung layo ko mula sa aking kinatatayuan ay rinig na rinig ko na yung nakabibinging sigawan ng mga nanonood sa loob ng covered court. Pagdating ko ay nagsisimula na pala yung practice game nila ng basketball team namin ng skul. Punong-puno pa ang boung court. 

Saka sino tong mga kalaban nilang player. Siguro'y taga ibang skul toh. Sa dami ng mga taong nanonood at yung mga sigawan nila parang di iyon isang practice game lang. Sa bagay, di ko sila masisi, napakagaling naman talaga ng team namin kahit practice lang yun ay kitang-kita na ganado at seryoso sila sa laro.

Sa wakas, nakahanap na rin ako ng upuan.

"Whoaa...!" Heto katabi ko pa tong si kuya na ewan din, lakas ng tama kung maka cheer.

Natawa na lang ako.

OMG! Si papa JD pala yung may kontrol sa bola ngayon. Dalawa na yung nagbabantay sa kanya pero sa grabe nito kung magdribol hayun di parin umubra yung dalawa at nalusutan niya. Super galing talaga niya. Best forward player t'laga niya.

Pinasa niya iyon kay papa Nikko na humanap pa ng space na malulusutan sa mga nakabantay sa kanya pero teka sino tong sumusugod kay Nikko. Naka jersey no. 2 ito, teka familiar siya ha. Ipinasa sa kanya yung bola, sakto at walang nagbabantay sa kanya hayun, pumuwesto ito sa labas ng 2 points circle, itinira niya yung bola at naka 3 point shot siya. Napatingin siya sa direksyon namin ng court.

OMG! Siya nga yun! Di ako nagkakamali.

Si Benjamin Gio Chan a.k.a Bench, ang team captain ng skul, sobrang gwapo niya talaga lalo na kapag pinapawisan. Siya yung pinakamatangkad Sumusunod lang yung bagsak na hair niya.

Naghiyawaan na naman yung mga tao pagkatapos nung 3 point shot niyang iyon.

"OMG!" Pati ako napasigaw narin.

Napatingin tuloy sa akin yung katabi kong ale. Parang nagtataka siya kung tama ba yung pagsigaw ko. Patay malisya na lang akong ngumiti sa kanya.

Nagtapos yung 1st quarter ng game ng, 45-30, lamang yung skul namin.

Wala t'lagang panama yung kalaban pag andyan na at buo yung Forces of 5 o kilala bilang F5, ang tawag sa sikat na limang super handsome, super rich and hot guys sa school namin na sobra ding matinik pagdating sa basketball. Kinabibilangan ito nina;

Jersey no. 2 Team Captain, Benjamin Gio Chan, "Bench"

Jersey no. 14 Forward, Jefferson Dy, "JD"

Jersey no. 7 Mike Lee Chua "Mikee"

Jersey no. 15 Nicholas Lou Park "Nikko"

O diba, memorize yung peg!

Teka! Apat lang? F5 nga diba, Teka ba't parang kulang yata sila? Bigla akong may hinanap sa kanila.

Nasaan siya?

Palingon-lingon pa ako. Hayun may tumayo. Di kaya siya na yun?

Lalong lumakas yung tilian ng mga babaing naroon.

Ay naku! Mga Haliparot talaga!

Biglang may tumayo doon sa upuan ng team. Pagtayo niya. Nakilala ko kaagad siya.

Anu pa't siya yung ULTIMATE CRUSH ko, at panghuling angel sa buhay ko.

Ang huling myembro ng F5 (Forces of 5)

Princess na Si Prince CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon