Chapter 5: Rival with Mari-chan?!

177 4 0
                                    

A/N: Sorry, i suck at titling chapters ;-;


Kotoko's Point of View


"Naoki-san!! Naoki-san, Kotoko-san!! Nandito kami!!! Nagpareserve na kami ng upuan nyo!" malakas na sigaw ng babaeng yun. Hmp!


Naoki-san, Naoki-san, hmp! Akala mo kung sino, inuulit-ulit nya pa yung pangalan nya! Feeling nya mag-syota sila! HMP!


"Naoki-san, dito oh! Nagpareserve kami ng upuan nyo, ta-daaa!" sabi nya atsaka tinuro yung mga upuan.


"Hi," sabi naman ni Takumi-kun.


"Mamaya tayo uminom sa tabi ng pool, ha? Naoki-san, tara mag-order!" sabi nya tsaka hinila si Irie-kun. Aba't talagang-!!


"A-ah, ako nalang--"


"Sige." Nagulat ako. P-pumayag si Irie-kun!? Pinanood ko nalang sila na maglakad habang hinihila-hila ni Mari-chan si Irie-kun. Aaaaahhh!! Nakakaimbyerna talaga yung babaeng yun!!!


Haaaay. Napalapit nalang tuloy ako kay Takumi-kun. "Pagpasensyahan nyo na si Mari, siguro gustong-gusto nya lang talaga si Naoki.." sabi nya sakin at nag-bow.


Napatingin ako sa kanya. Aba! Mali yung sinasabi nya! Marahas kong ibinaba yung bag ko at tumingin sa kanya. "TAKUMI-SAN! Tama ba yan!? Anong klaseng disiplina ang binibigay mo sa asawa mo?!" sabi ko with matching actions pa. O-ha!


"A-ano?" tanong nya sakin. Aba!


"Kung alam mo kung ano yung nangyayari, pigilan mo sya! Diba asawa mo sya?!" sermon ko sakanya tsaka yinugyog yung balikat nya.


"Oo nga, pero yung pagmamahal ko sa kanya ay one-sided lang ng naaaaapakatagal, eh.." hinawakan nya yung braso ko. "hindi ko nga alam kung mahal nya ba talaga ako...." dagdag nya. Nakakapang-init ng bumbunan 'to ah!


Pinalo ko ng malakas yung kabilang braso nya, "Bakit ka ba kinakabahan?! Kasal na kayo diba nakalimutan mo na ba?!" Pumunta ako sa kabilang side nya. "Vice-versa na rin yun!!" sabi ko with matching actions pa. Ginaya naman ako ni Takumi-kun.


Para kang t*nga, Kotoko. Nakakatawa kang tignan kapag ginagawa mo yan.


"H-huh?" Napatingin ako sa kaliwa at kanan. Bakit parang narinig ko yung boses ni Yuki? Ang nakita ko lang naman ay isang batang babae na kumakain ng lollipop. Ang weird...



Narrator's Point of View


Sa kabilang banda naman, napansin siguro ni Mari na nag-uusap sila Kotoko at ng kanyang asawa. "Sa tingin ko nagkakasundo na yung dalawa doon oh," sabi nya at kumapit sa braso ni Naoki. "Siguro tayong dalawa din, diba? Hihihi!" dagdag nya.


Hindi nila alam na nakikita na sila ng kanilang mga asawa. "Tignan mo oh!!! Kumakapit sya kay Irie-kun!! Ngghhhh!!" sambit ni Kotoko habang tinuturo-turo silang dalawa. Napahawak nalang sa ulo nya si Takumi.


Sa sobrang distracted ni Mari sa pagkapit kay Naoki, hindi nya nalaman na may isang malaking bola yung papunta sa kanya at boom! Saktong naibato sa kanya yung bola.


Sa sobrang lakas ng impact ay naitulak sya sa lalaking gumagawa ng juice. "A-ano ba 'to?! Nakakadiri! Ugh!" sigaw nya.


"O-okay lang ho ba kayo? A-ah, kukuha ho agad ako ng tuwalya!" sabi ng lalakeng nabangga nya.


"Ano ba!?" sabi nya habang tinatanggal yung maliliit na payong na pangdesign sa juice.


Lumakad naman papunta sa direksiyon nila yung babaeng....mukhang foreigner na nakabato sa kanya ng bola. "Oh, i'm so-rry!" mapang-asar na sabi nito.


"Hoy! Mag-ingat ka nga!" sigaw sa kanya ni Mari.


Nakita naman nila Kotoko at Takumi yung pangyayaring iyon. " YES! Ang galing mo, Ms. Blonde!" sabi naman ni Kotoko.


"Mari-chan, okay ka lang ba?!" sabi naman ni Takumi at tumakbo papunta sa kanila. Sinundan naman siya ni Kotoko.


"O-okay ka lang ba, Mari-chan?" Nag-aalalang sabi sa kanya ni Takumi.


"Bwisit naman!" ang natatangi lang na sabi ni Mari.


"So-rry very much! Kasalanan ko kasi eh!" pagpapaumanhin naman nung nakatama kay Mari. Sasagot pa sana sya pero-


"Hey mom, come on!" Napatingin yung babae pati si Kotoko. Nakita nito yung batang babae na kumakain ng lollipop kanina.


"Let's go to beach!" sigaw nya sabay turo.


"Sandy, wait!!"  sigaw naman sakanya nung babaeng nakatama kay Mari.


Tumingin yung babae sa kanila, "So-rry! Hihihi!" sabi nito at sinundan yung anak nya.


"Huh? Parang familiar sa akin silang dalawa ah?" sabi ni Kotoko. Napatingin naman si Naoki sa kanya.


"...Ah tama! Galing sila sa ibang bansa!" sabi nito at ngumiti. Napa-iling iling na lang si Naoki.



~~~~~~~~~

Chapter 5 - End

A/N: 2 updates in one day! Achievement ko yun ah. Hahaha.

Pero waaaaa, gusto ko pang mag-update! T.T

Tignan nyo guys, nakakalimang chapter na ako pero nasa Episode 1 pa rin tayo? hahaha!

Anyways, bukas ulit update! (Siguro ngayon ulit, pag hindi ako tinamad. Hahaha)

~D

Itazura na Kiss 2 - Love in TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon