Narrator's Point of View
"Wow, magiging future doctor ka pala, Naoki?" tanong ni Mari. Nagpareserve sila ng seats para magbonding kasama sila Naoki at Kotoko.
"Ah hindi, pinapangarap ko palang maging doktor." sagot naman ni Naoki.
"Pero kahit na, magaling ka pa din!" sabi naman ni Takumi.
"*hik* Pero sure na sure ako na makakapag-aral agad si Irie-kun sa isang medical school!! Kasi kahit na anong mangyari 200 parin ang IQ test nya!! Diba!!??!" lasing na sabi ni Kotoko habang marahas na pinalo si Naoki sa likuran nya.
"Narinig ko na pinuwersa lang ni Kotoko si Naoki ng marahas kaya kayo nagpakasal. Haha!" sabi ni Mari.
Napatingin naman si Naoki kay Kotoko. "Marahas..?" tanong nya sabay natawa.
"Ah hehehe, o-oo naman! Pero kasi si ano eh.. hehehehe!" sabi nya saka uminom ng orange juice.
"Kasal na kayong dalawa pero tinatawag mo parin syang Irie-kun? Hahaha! So hindi pa din pala kayo close...!" nakaka-insultong sambit ni Mari.
"Mari-chan!" pagsisita naman ni Takumi.
Tinulak-tulak nanaman ni Kotoko si Naoki. "H-hahaha, nasanay na kasi *hik* kasi ko syang tawagin ng ganun eh! Hhehehe..." sabi nito at pagkatapos ay bigla nalang napahiga sa sofa. Napatingin si Naoki sa kanya.
"Huh? Konti lang naman ang ininom nya ah.. Hahaha." sabi ni Mari.
"Pasensya na, pero aalis na kami. Ihahatid ko na si Kotoko sa kwarto namin." sabi ni Naoki at tumayo para buhatin si Kotoko.
"Ah, sige! Pero pagkatapos nyan balik ka agad, ha? Hindi pa kita gaano nakakausap eh! Hihihi!" malanding sabi ni Mari. (sorry i had to) Sinita nanaman sya ulit ni Takumi.
"A-ah sige po, kayo na ang bahala kay Kotoko." sabi naman ni Takumi. Tinanguan nito ni Naoki at binuhat si Kotoko.
Kinuha ni Naoki yung bag nila at nagpaalam.
Pagkarating nila sa kwarto nila ay dahan-dahang ibinaba ni Naoki si Kotoko sa kama nila.
"Kotoko, nandito na tayo." Napahiga naman si Kotoko sa kama.
"Kotoko.." sabi nito at inayos yung kanyang paghiga.
Umupo naman si Naoki sa dulo ng kama habang tinitignan si Kotoko.
"Honey, nandito na tayo." pag-uulit nya. Pero hindi pa din ito nagising. Inayos ni Naoki yung natitirang buhok sa mukha nito at hinagod ng dahan-dahan.
"Irie-kun....mahal kita." sabi ni Kotoko habang natutulog sya. Napangiti naman si Naoki.
~~~~~~
Chapter 7 - End
A/N: Sorry, i had to end it there, wala ako sa mood mag-update ngayon eh. Pinilit ko lang yung sarili ko. Pasensya na T^T
May dinagdag akong scene jan na galing sa imagination ko. Hehehe
Pero pagkatapos talaga nito hahabaan ko na yung update. Hindi na scene-by-scene, mapapahaba ko lang itong book pag nangyari yun eh.
Yun lang! Salamat sa pagbabasa ^_^
~D
BINABASA MO ANG
Itazura na Kiss 2 - Love in Tokyo
FanfictionKotoko loved Naoki for 6 years and finally married him. Now, Kotoko transfers to the department of nursing in her studies and struggles.