Chapter 11: Refused to see you..

198 3 0
                                    

Kotoko's Point of View


Nandito na ako sa school. Sa tennis court. Hindi ko pa din naiintindihan kung bakit ganun yung sinagot ni Irie-kun.


Hayy. Napaka-unpredictable nya talaga. Ni hindi ko manlang alam kung ano yung nasa isip nya. Minsan napapatanong na din ako sa sarili ko eh. Kung minahal nya ba talaga ako.


Ako lang naman yung naghabol sa kanya diba? Siguro pinilit nya lang yung sarili nya para pakasalan ako. Pero hindi nya naman kailangang gawin 'yun! Hayyy!!


"Yo!" Nagulat nalang ako nang may biglang pumalo ng malakas sa likod ko! Aray! Masakit ha!


Pagtingin ko nakita ko si Sudo-senpai na malakas na tumatawa. Sya lang pala!


"Hahaha! Ikaw pala 'yan, Kotoko IRIE! HAHAHAHA!" inemphasize nya pa yung word na "Irie". Mas lalo tuloy akong nanlumo.


"Kamusta married life mo? HAHAHAHA!" bulong nya sakin. "Wag ka nang magsinungaling, alam ko naman na....alam mo na! HAHAHAHAHA!" napatingin tuloy ako sa kanya. Sinamaan ko sya ng tingin.


Naglakad sya papunta sa likod ko at sumigaw. "HAHAHAHA! Hindi ko talaga aakalain na mapapakasalan mo si Naoki!" "Nagulat talaga ako. Pero, may chance pa din na maging kami ni Matsumoto! HA HA HA HA HA!" malakas na sigaw nya. Pinagtinginan tuloy sya ng mga tao sa court. Ang lakas talaga ng boses ni Sudo-senpai.


"Ah, oo nga pala. Hindi ka na si Kotoko Aihara. Ikaw na nga pala si MRS. IRIE. HAHAHA!" mas lalo naman akong nanlumo sa sinabi nya. Kung alam nya lang!!!


"Hindi pa din naman...ako official na asawa ni Irie-kun eh.." bulong ko. Lumapit sya sakin at nilapit yung mukha nya sa tenga ko. "Ano 'yun?"


"Kotoko..Aihara pa din yung pangalan ko..."pag-uulit ko.


Tumawa sya ng malakas pagkatapos at biglang sumigaw, "ANO?! AIHARA PA DIN APELIDO MO?!?!?!" sa sobrang lakas ng sigaw nya eh napatingin yung ibang mga tao sa court. WAAAAAAA Ang ingay nya!!!


"SHHHHH! Ang ingay mo talaga, Sudo-san!!!!" sita ko sa kanya. Kainis kasi!


"P-pero diba kinasal na kayo? Pumunta ako sa kasal nyo ah-pumunta ako sa kasal nyo ah.." takang-taka na sabi nya.


"Hindi pa nga naregister yung marriage namin!" sabi ko sabay pout.


"Sinasabi mo ba na ayaw ni Naoki na gawin pang official yung kasal nyo?"


"Hindi ko nga sya naiintindihan eh.." nanlulumong sabi ko. Natahimik na lang si Sudo-senpai. Tinignan ko sya saglit at niyugyog sa balikat ng marahas.


"ANO BA 'YUNG MGA INIISIP NYO MGA LALAKE KAYO?!!?" sigaw ko habang patuloy pa din na niyuyugyog yung balikat nya.


"Kumalma ka nga, Aihara! Ah hindi, Irie pala..Aihara? Hindi, Irie..?" narinig kong sabi ni Sudo-san habang niyuyugyog ko sya. Pati din sya nalilito na din kung ano yung itatawag nya sakin!

Itazura na Kiss 2 - Love in TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon