Naalimpungatan ako ng may naramdaman akong humalik sa noo ko. "MyBabyLoves, gising na. Pinagluto kita ng pagkain. Sabi saakin ni Manang hindi ka pa daw kumakain, eto oh." sabi saakin ni Grey, sabay abot saakin ng tray. "Ako na magsusubo sayo." sabi niya sabay hinawakan yung kutsara at bowl na puno ng soup.
"Huh? Ayos ka lang ba? Teka, baka linalagnat ka lang?" pag-aalalang tanong ko habang kinakapa-kapa siya sa noo at leeg. "Hey, what are you doing?" takang sabi niya sabay alis ng kamay ko sa noo niya.
"Seriously, Grey.... Ako dapat mag tatanong niyan." sabi ko. "Ha? What do you mean?" inosenteng sabi niya. I know there's something happening. Ang weird! "What are you doing?" seryosong sabi ko. "Pinagluto kita, baby. You didn't even bother to thank me for what I did. Tampo ako sayo. Pero ayos lang. Diba you told me, Soon I'm gonna be a father? Kaya pinagsisilbihan kita." sabi niya. Tumango tango lang ako. Hanggang sa na realize ko kung ano yung sinabi niya. Buntis pala ak--
HA?! BUNTIS AKO?! ASDFGHJKL!! LORD 17 PALANG PO AKO!!! PANO KO AALAGAAN YUN? WALA NAMAN AKONG ALAM SA MOTHERHOOD!HUHUHU
"Bat ganyan mukha mo? Di ka ba natutuwa? Sabay natin papalakihin yung bata. Nandito ako para suportahan at gabayan ka. Ganyan kita kamahal, MyBabyLoves." sabi niya saka bigla akong yinakap. Nakaka speechless. May ganun palang side so Grey? Pero feel ko nahihibang talaga ako? Imposible namang kasing mangyari yon!
Pagkatapos niya akong yakapin, Kinuha niya na yung bowl at kutsara at tangkang susubuan ako. Pero hinawi ko yung kamay niya. "Hindi na ako baby na kailangan mo pang subuan. Ako na bahala." sabi ko. "Bat ba ang sungit mo? Ayy joke! Baka naglilihi ka na. Sino ba? Ano ba? Ako nalang please. Palago naman tayo ng magandang lahi."
Napangiti nalang ako. Pano kaya kung hindi ako nahihibang? Ibig sabihin ganto talaga si Grey? Hayy! Ewan ko ba ang gulo! Parang bulbol! "Grey, yung kutsara bigay mo na. Gutom na ako. Hindi na ako babyyy." pag-iinarte ko. "Anong hindi baby? Baby kaya kita." sabi niya sabay belat. Pshh. No choice. Edi nagpasubo ako sakanya. Alangan mag inarte pa ako? Ano pabebehan lang? At tsaka gutom na ako eh!
Hanggang sa naubos ko na yung pagkain. " *Burppp* Sarap!" sabi ko sakanya. But he just give me a genuine smile. A smile that made my heart beat rapidly in just a second. Hala kinikilig ba ako? "Wait lang, aalisin ko lang yung tirang pagkain sa mukha mo." sabi niya. Linagay niya yung thumb niya sa gilid ng labi ko sabay...
*eeeeeeeekkkkkkkkkkkkk* (A/N: Sorry epic yung sound effect)
"AAAHHHHHHHHH!!!!" sigaw niya ng kinagat ko ang kamay niya. Mas lalo kong linakasan ang pag kagat ko, hanggang sa nalaman ko nalang na dumudugo na to. *eeekkkk* kinagat ko to ng kinagat hanggang may nalunok ako. Masarap... Tuluyan ko ng kinain si Grey.
Patak ng dugo...
Talsik ng laman loob...
Ang Sarap...
"Ineng! Ineng! Gising! Binabangungot ka!" sabi ni Manang Edna habang yinuyugyog ako. Agad akong napaupo at tsaka hinabol ang aking hininga. "OMAYY!! Kala ko totoo na! Huhuhu Manang ayokong maging cannibal! Huhuhu TT_TT" hagulgol ko. "Haru! Juskong bata ka! Kala ko nga nasasaniban ka na eh!" paliwanag saakin ni Manang na parang anytime mahihimatay na sa sobrang takot. "K-Kasi po napanaginipan ko po si-- teka anong nangyari sa unan ko?" takang tanong ko kay Manang.
Halos tawanan niya ako ng tinanong ko siya. "Loka kang bata ka! Naabutan kitang kinakagat mo yan. Halos pang gigilan mo nga eh. Yayayain sana kitang kumain kasi mag aalas onse na ng gabi. Sa sobra atang gutom mo, pati unan kinakain mo na at tsaka binangungot ka pa. Kumain ka na doon sa baba. Ang payat mo nang bata ka. May pagkain akong linuto doon." sabi ni Manang. "Ah, ganon po ba? Sige kakain na po ako. At tsaka, Ano ka ba naman po Manang, 'di ako payat. Sexy ako! Charot!!! Hahahaha. Sige na Manang ayos lang po ako. Matulog na po kayo. Hahantayin ko na din po si Grey."
"Aynakong bata ka! Sige na at matutulog na ako. Salamat." sabi ni Manang at tsaka lumabas.
Maya-maya napagpasyahan ko ng bumaba dala narin sa sobrang gutom. Kumain ako ng baby back ribs, steammed lobster with mixed vegetables, tapos MANGGANG HILAW WITH BAGOONG!! Kahit kain naman ako ng kain, 'di parin naman ako tumataba. Realtalk! Hayss wala naman akong magagawa, So shut up nalang ako.
Pagkatapos kong kumain, nanuod muna ako sa sala. Syempre lights off kasi romance and drama ang genre ng papanuudin ko. Para pag umiyak ako, 'di makikita sa sobrang dilim. 'The Vow' yung title ng movie. Nagsimula na akong manuod. Jusko ang gwapo ni Channing Tatum!!! Pero hindi ko sila ship nung girl... Kasi mas gusto kong kami ni Channing Tatum ang partner! Hahaha landeee!
Maya-maya may nakita na akong ilaw galing sa labas. Yung headlights na yun ng kotse. Pinagpatuloy ko lang ang panunuod ko habang hinihintay siyang ipark ang kotse niya sa garage. Pero after 10 mins. na realize ko na 'di parin siya pumapasok. So I decided na patayin yung t.v. Bukas ko nalang ipagpapatuloy manuod. Pumunta na akong garage.
Nakapatay lahat ng ilaw at may naririnig akong strange sounds but I chose not to bother it. Instead, I searched for the light switch. Pagka bukas na pagkabukas ko ng ilaw... "1 am na! Bat ngayon ka la---" napatigil ako. My eyes widened when I saw him with a girl...make out session ni impakto. Nakasandal yung babae sa hood ng kotse tapos halos mahubadan na ng nakapatong sakanya. Pumikit muna ako...
Loading.....
3...
2...
1...
"WHAT THE FRICKIN' HELL! EEWWW! MY INNOCENT EYES! ANG BABOY NIYO! SA DINAMI DAMI NG LUGAR NA PWEDE GAWIN YAN...SERIOUSLY? SA GARAGE PA TALAGA? MAGSOGO KAYO WAG DITO! MAAWA KAYO SA MAGLILINIS NG KALAT NIYONG IIWAN DITO! MATANDA NA YON! BAKA MATULUYAN YON KAKA SCRUB SA SAHIG!" sigaw ko sabay walk out. Tumakbo agad ako papasok ng kwarto ko sabay lock ng pinto. Matutulog na ako. Kadiri pag natatandaan ko. Yung babae naman enjoy na enjoy pa! Mukhang sanay na! Landeee niya! May asawa na yung tao tas papatol pa siya! Tas si Grey naman nangati lang nagpakamot na sa iba! Nandito naman ak-- What the hell did I just say?! Eeww kadiri ka Alexa!!! Alexandra Sophia Montejano! Mandiri ka nga sa pinagsasabi mo! You have to stay fresh until 24! Hayy! Leche nahihibang na ako. Makatulog na nga lang.
[Sabrina's POV]
Yayain ko kayang mag shopping si Alexa? Bwiset kasi so Keith eh! Bat ko pa bang hinihintay yung text nun?! Bahala siya! Tampo ako sakanya! Matulog na nga lang ako.
=================================
Musta naman pagbabasa?
Ayos lang ba? Para kasing boring eh!
Thank you guys for reading!