Chapter 3: Bitch

22 0 0
                                    



[Alexandra's POV]


Pagkamulat na pagkamulat ko ng mata. "Ayy impakto!" sigaw ko ng may biglang impaktong sumulpot. "Gising. We need to talk." sabi ni Grey habang nakapamulsa. Tumango lang ako. "Uhm... About last night..." Agad naman nanlaki yung mata ko ng maalala ko kung anong nangyari kagabi. "Bat yun yung paguusapan natin?! Kadiri! Saakin ka pa talaga mag ke-kwento niyan? kay Drake o kay Vince ka nalang mag kwento. Di ako interesado." sabi ko sabay layo sakanya.



"Wag kang feeling, hindi yan ang sasabihin ko... Mag sosorry sana ako sayo kasi halos 2am na ako nakauwi. Anyways, ayun lang naman." sabi niya sabay labas ng kwarto.



Napabuntong hininga nalang ako. Umupo ako sa gilid ng kama ko at nagstretching.


*Last night I lay in bed so blue. Cause I realized the truth, they can't love me like you*


Agad kong kinuha yung phone ko at tinignan kung sino yung tumatawag.


(Incoming Call....BaklaSab<3)

"Hello?"

["Alexa! Shopping tayo!]

"Umagang umaga! Ang ganda ng pambungad mo! Eh bat di nalang kaya yung Baby Keith mo ang isama mo?!"

["Umagang umaga ang sungit mo! Nagtatampo ako don sa lalaking yon! Kaya ikaw nalang yinaya ko!"]

"Eh panong di mag susungit? Pagkagising na pagkagising ko, Impakto agad ang bumungad sa mukha ko!"

["Gaga ka bakla! Kailan naging impakto si Fafa Grey? Ang hot niya kayang tignan!"]

"Anong hot? Kabahan ka nga sa pinagsasabi mo!"

["Swerte mo nga nakapangasawa ka ng nag iisang Grey Montejano!"]

"Shh ka lang bakla! Baka may makadinig sayo dyan!"

["Ayy oo nga pala. Sorry. Buti wala namang masyadong tao dito... Pero bakla, bat niyo nga ba ulit tinatago sa mga tao?"]

"Kasi nga baka pag nalaman ng ibang tao, ano nanaman sasabihin nila? Mang huhusga sila ng hindi nila alam ang buong nangyari? Diba ganyan naman ang generation natin ngayon. Huhusgahan ka kahit di ka naman kilala."

["Ayy grabe si ateng ohhh! Nag da-drama?! Ay nako, mga inggitera lang sila!...... Oh ano? Sasamahan mo na ba ako sa mall?"]

"Ayoko talaga bakla, kay Zeke nalang."

["Suko na ko sayong babae ka. Bahala ka pagsisihan mo na hindi ka sumama saking bakla ka mwuhahaha!"]

"Ang harsh mo mag salitang gaga ka! At tsaka, bat ko naman pagsisihan na hindi ako sumama sayo?"

["Kasi bibili ako ng gamit para sa project namin ng KAPARTNER KO. Kasama ko pa naman siya ngayon."]

"Bakit? ikakamatay ba ng partner mo pag hindi ako sumama?..........Pero teka... sino ba partner mo?"

["Syempre, one of the most famous hearthrob in our university..... Fafa Chase Lucas Torres your one and only crush."]

"Mygosh!! On the way na ako! Hahaha charot!"

["Landi mo ring bruha ka! Sige. Hintayin ka namin sa bookstore. Bye."]

(Call Ended)



Agad akong nagbihis at naligo. Sheeemayy! Makikita ko nanaman si Chase!



Si Chase Lucas Torres ang nag iisa kong crush noon pang freshmen pa kami nila Sab at Zeke. Si Sabrina Marie Pascual naman at si Ezekiel Justin Ong known as Sab and Zeke, bestfriends na kami simula elementary days pa. Hanggang ngayon na college na kami.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unpredicted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon