Nakasama ng Matagal
Isinulat ni Mel Vincent B. Gumboc
Kaibigang palaging nakakasama
Nandiyan ka kapag ako’y nagdradrama
At ikaw ang tagapagtatag ng pwersa
Upang itakwil ko ang pagdurusa
Tayo ay palaging nagkwekwentuhan
Mga bagay na iba-iba ang pinagkunan,
Maging mga pabaligho at kabalintunaan
At higit sa lahat ang ating hinahangaan
Kami ng kaibigan ko ay mahilig sa musika,
Mga Kanta ng sikat na artista
At alam ko inis na inis tayo sa mga rakista,
Na masakit pakinggan ng ating tenga.
Kaibigan kong matapat,
Sanay wag mong isisiwalat,
Ang mga sekretong nailapat,
Sa kahit kanino na sa atin maipamulat.