Chapter 21

434 24 2
                                    

Chapter 21

ROXANNE'S POV

Mahal? Mahal mo ako Luke?

I don't think so. Kung mahal mo ako, dapat hindi mo naisip ang makipag-landian sa babaeng yun. Kahit ano pang pang-aakit ang gawin sa'yo, kung totoo mo akong mahal, hindi ka mag-papaapekto.

Lumipas na ang dalawang taon. Hindi na kami nagkikita ni Luke. Hindi ko mapigilang 'wag maalala yun. Nakakainis kasi.

Matapos ang gabing yun, kinaumagahan agad ko siyang kinausap.

"Luke." Sabi ko nang makarating ako sa place na napag-usapan namin. Agad siyang tumayo mula sa pagkaka-upo niya sa isang bench dito.

"Roxy, I'm so sorry. Hindi ko alam ang nangyari no'n. I was so drunk that I didn't know---"

"Stop." Tumingin siya sa'kin na parang gusto niyang mag-makaawa na kailangan niya pang ipaliwanag sa'kin ang lahat. Pero hindi na kailangan. Dahil maliwanag pa sa araw ang mga nakita ko kagabi sa bar. "Stop. Let us stop, too. I want to stop this shit between us Luke. Ayoko na. Stop courting me. Stop everything that we had. Stop every connections that we had. I want us to stop. To stop hurting each other."

"Roxy please, this is not the answer to our problem---"

"Then what Luke? Paulit-ulit na lang eh. Kahit hindi pa tayo, marami na tayong nagagawang mali. Nagkakasakitan na agad tayo kahit wala pang tayo. Naisip mo ba yun?" Huminga ako ng malalim. "I think you're not ready for this. I think you're too immature to be in a relationship. We must be mature first before going into this. We need to grow, Luke. Ayoko ng ganito. Para tayong mga bata."

"Roxy, we can improve ourselves even if we're together. Sa tingin ko mas mabuti 'yun---"

"Hindi 'yun makakabuti Luke. Kahit kailan hindi 'yun makakabuti." Tumingala ako bago pa tumulo ang luha ko. "Let us stop this thing between us. If someday, marealize mong hindi ako para sa'yo, I wouldn't mind at all. Just tell me kung ako pa ba o hindi na. O kahit wag mo na sabihin. Because I know for sure na makakahanap ka rin ng iba and that I'll definitely find another man, too."

Tinalikuran ko na siya, dahil hindi ko kayang makita siyang nagkakagano'n. He looks so damaged. Walang humpay ang luha niya na umagos habang sinasabi ko 'yun sa kanya.

"Poooot!" Nabalik ako sa sarili ko dahil sa sigaw na yun. Tumatakbo si Yowie papunta rito sa kinauupuan ko.

"Bakit?" tanong ko. Agad niyang nilabas ang camera niya at pinikturan ako nang walang paalam. "Potek. Yowie, burahin mo yun!"

"Ayoko nga. Ang cute mo kaya dito." Natatawa niyang sabi sabay pinakita niya yung iphone niya na may picture ko doon. Mukha akong gusgusing bata na nakasandal sa upuan.

"I'll edit this." Tuwang-tuwa niyang sabi. "Summer na pot, you must enjoy. Tara puntahan natin sina Kuya Rocky doon oh." Turo niya kina Kuya na nasa beach at nagkakatuwaan kasama ang iba pa niyang mga kaibigan.

"Ayoko. Nakakahiya. Mga college classmates niya yang mga yan. Di ka ba nahihiya Yowie?" tanong ko sa babaitang ito na ngayon ay pumapapak na ng manggang hilaw.

"Hindi. Bakit naman ako mahihiya sa kanila, friendly naman silang lahat." Tumawa siya. Bigla siyang lumapit sa'kin. "Saka may pogi do'n pot! Emergesh." Bumungisngis siya.

"Psh! Pati mga kaibigan ng kuya ko pinagpapantasyahan mo."

"Sus, pakipot pa 'to. Feeling ko nga bet ka nung isa eh. Ayun oh, wagas makatitig dito. Ayeeee. Dalaga na si Roxanne." Sabay kiliti ni Yowie sa tagiliran ko.

Love VenturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon