Chapter 3

1.6K 70 14
                                    

Chapter 3

LUKE'S POV

Naalimpungatan ako nung nagring yung cellphone ko. Unti unti kong iminulat yung mga mata ko at tumingin sa palagid ko.

Maayos na kwarto? Mukhang hotel yata 'to ah? Wala akong matandaan noong mawalan ako ng malay. Ano nga bang nangyari?

Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari...

Loading...

WAAAAAAAAAAAAAAH!

Si Roxy!

Shit! Ang puri ko! Waaaaaah! Hindi na ako virgin! Ohmaygulay! Mommy! Daddy!

Dali-dali akong tumayo para lumayas na sa kwartong 'to pero may napansin akong box sa may kama na pinaghihigaan ko kanina. Dahil sa sobrang pakialamero kong tao kahit nasa panganib pa buhay ko, binuksan ko yun. May nakita akong letter at formal wear? Huh? Ang sosyal naman ng mga sindikatong 'to kelangan nakaayos bago pumatay. Tsk!

Napansin ko yung nakatabi na papel.

Ah... yung letter nga pala. Binuksan ko rin yun kasi nga pakialamero ako. Pero gwapo naman. Bleh.

Wear this and follow the arrows that you will see when you leave this room.

Eh? Anong kalokohan 'to? Tinignan ko ulit yung damit. Mukhang mamahalin. Siguro ang pogi ko kapag sinuot ko 'to. Hindi naman siguro ako mamamatay diba?

Lumabas na ako ng kwarto suot yung damit na nasa loob ng box. Shit! Ang pogi ko nga. Dapat model na 'ko eh. Tsk. Nasaan na ba yung mga arrow na yun?

Tumingin-tingin ako at may nakita akong arrow. Pinuntahan ko yun pero paglapit ko.

Fire exit?

Aba peste. Pinagloloko yata ako eh. Ano gagawin ko rito?

Babalik na sana ako sa pinanggalingan ko kaso nakita ko na yung mga arrow na nakaprint sa isang bond paper at nakadikit ang mga ito sa dingding.

Tae eto lang pala yun. Sinundan ko yung mga yun at napadpad ako sa rooftop.

Huh? May event ba rito? Bakit mukhang may candlelight date?

Lumapit ako do'n sa table na yun. At nakita ko yung lalaking pinakilala sa 'kin ni Roxy. Ano na nga ulit pangalan nyan? Apog? Apog ba yun? Ah. Basta nakalimutan ko pangalan niya. Bakit kaya ako pinapunta rito? Gagawin akong waiter? Abaputs. Sayang kapogi-an ko.

"Good evening Luke!" Bati ni Apog. Ngiting-ngiti pa sa 'kin. Problema nito?

"Uhm... Good evening. Anong meron?"

"Please take a seat first." Napataas naman kilay ko. So hindi ako waiter?

Umupo na lang din ako. Tapos biglang pumalakpak si Apog at dumating si Roxy dala yung mga pagkain.

Huh? Litong-lito na yung katawang lupa ko kung anong nangyayari rito.

Tumingin ako kay Roxy na parang nagtatanong kung anong meron pero nginitian niya lang ako.

Tumingin ulit ako kay Apog na nakangiti sa 'kin.

"Hi! As Roxy said I'm Aaron. And the reason why you're here is because I asked Roxy to bring you here." Sabi niya. Aaron pala pangalan niya akala ko Apog. Pasensiya.

"Bakit?" Tanong ko naman. Aba mababaliw na yata ako sa kakaisip kung anong kaekekan 'to.

Huminga muna siya ng malalim at hinawakan yung kamay ko pero bigla ko naman itong hinatak. Ang sagwa sa pakiramdam.

Love VenturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon