Chapter 2

1.9K 80 16
                                    

Chapter 2

LUKE'S POV

Nandito ako ngayon sa school at ang boring boring ng subject namin ngayon. Nagbabasa kami ng isang tula. Tula na halos dumugo na ang lahat ng pwedeng dumugo sa katawan ko. Kainis! Bakit kasi English pa? Pwede namang lunch break na lang agad. Hahahahaha.

"Mr. Makisig. You're not paying attention. I said what's the meaning of the curtains are blue base on the poem?"

Huh? Not paying attention daw? Eh kailan pa ba binabayaran ang attention? Aish 'tong matandang babaeng 'to. Dapat ako na lang nagtuturo eh. Tignan niyo nga mga classmates ko pati ako, wala kaming naiintindihan sa kanya o ako lang? Tsk.

Tumayo ako at taas noo akong nagsalita. Pakiramdam ko may hangin effect pa na dumadampi sa balat ko. Ang pogi ko talaga.

"Ma'am the author just want us to know that the color of the curtains are blue. As simple as that." Sus! Akala ko naman sobrang hirap ng itatanong nito ni Ma'am. Maning-mani lang pala. Tsk.

"WHAT?! Explain it deeper!" sigaw ni Ma'am. Ano bang problema nito? Na-explain ko na nga eh.

"The curtains are deeper blue Ma'am." pagkasabi ko nun nagsihalakhakan na yung mga classmates ko. Eh bakit nagsasabi lang naman ako ng totoo ah?

"Mr. Makisig, I'm not here to joke around understand?"

"Ma'am 'di rin naman po ako nagbibiro. Sinasabi ko lang na gusto lang sabihin ng author na blue yung kurtina. Ano po bang pagkakaalam niyo sa blue?" Tawanan na naman yung mga classmates ko.

"Pre ilang katol natira mo?"

"Lasing ka ba Luke? Hahaha."

"Lakas talaga ng tama mo Makisig."

Yan lang naman ang pinagsasabi ng mga classmates ko at iba pang katarantaduhan hanggang sa napikon si Ma'am.

"MR. MAKISIG! GET OUT OF THIS ROOM NOW!" Sigaw niya.

No choice ako kesa naman ma-boring ako do'n sa loob edi lumabas na lang ako pero sumilip ulit ako sa loob ng classroom sabay sigaw ng,

"CLASSMATES! TINEXT AKO NUNG AUTHOR BLUE DAW TALAGA YUNG KURTINA! 'WAG KAYO MANIWALA---"

"MR. MAKISIG!!!"

Tumakbo na ako bago pa ko ma-head shot nung hawak ni Ma'am na makapal na libro. Bawas pogi points pag nagkagataon.

'Di ko alam kung bakit trip ako palabasin ng teacher na yan. Siguro sobrang talino ko? Tsk. Hirap talaga pag genius. Hindi na kailangan pumasok sa school. Hahaha. At dahil genius na ko, dumiretso na lang ako sa gym.

"Luke! Nakangiti ka dyan? Baliw ka na?" Tanong ni Ivan.

"Tanga pre. Matagal na yang baliw. Hahaha." tiningnan ko na lang ng masama si Nathan kahit kelan bully talaga 'to. Palibhasa sobrang bait ko kaya nila ako ginaganto. Masakit sa heart. Inaapi nila ako lagi. Huhuhu! Mommy! Daddy! T__T

Nandito ngayon yung dalawang ulupong, si Ivan at Nathan pati si Patrick na kakalabas pa lang sa locker room.

"Napaaga recess mo brad?" tanong ni Pat habang nagdi-dribble ng bola.

"Napalabas ako ni Ma'am eh. Sobrang talino at gwapo ko raw, nakakadistract." sabi ko habang papunta sa mga upuan para humilata.

"Tangna. Kapal talaga ng apog mo 'no? Hahaha." sabat ni Nathan.

"Eh kayo? Bakit kayo andito?" tanong ko at dinedma ko na lang yung katarantuduhan ni Nathan. Hay... kailan kaya siya titino? Bakit 'di na lang niya gayahin katinuan ko sa buhay?

Love VenturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon