I didn't confess

18 2 0
                                    

Minsan saatin hindi na nag-coconfess para masabi mo yung pakiramdam mo sakaniya kasi mahirap mareject , kumbaga mahirap malaman ang totoo. Yung iba naman nag-coconfess para lang magpapansin na may gusto siya sa isang tao.

At ako naman yung taong hindi nag-confess ng feelings ko kasi ayokong malaman niya , kontento na ako na nakikita ko siya araw-araw , nakakausap , nakakasalamuha. Kahit na alam kong walang hangganan yun.

Pwede na rin sigurong tawagin akong TORPE pero anong magagawa ko? Wala akong confidence para sabihin.

"Claris diba yun yung crush mo?" The F kailangan pang sabihin e
"Mortal enemy ko yun wag ka ngang maingay! Shh" buti naman at nanahimik din letse e

Huling araw na ni Mark dito sa lugar namin , uuwi na siya sa bahay nila sa Maynila , sobrang layo nun saamin , ewan ko ba kung sasabihin ko sakaniya yung totoo kong nararamdaman sakaniya ngayon.

"Hi Claris buti nakapunta kayo ni Regine sa despidida namin" halata sa mga mata niya ang lungkot pero hindi ko maramdaman sa puso niya. Parang may tinatago siya.
"Oo nga eh , hmm mang-iiwan ka din pala kelan ka ba ulit babalik?" Napasimangot naman siya at umupo sa tabi ko.
"Oh sorry na daw , 2 years bago ulit ako makabalik dito" napakalungkot ng muka niya parang ayaw niyang umalis sa lugar na 'to.
"Antagal naman nun Dibale mag-hihintay kami ni Regine" gumanti naman siya ng ngiti pero peke lamang ang mga iyon.
"Sige maiwan ko muna kayo , kain lang kayo wag kayong mahihiya" eto talang lalaking 'to aalis na nga lang bukas iiwan pa kami dito.
"Wait lang gusto mo akyat ulit tayo sa bundok? Mabilis lang 'to" palagi kasi kaming nasa bundok netong mga 'to eh.

So ayun nga umakyat na kami ng bundok , pumunta kami kung saan tanaw ang mga bahay sa baba , kasama naman namin yung pinsan niya yung crush ni Regine. Hahaha. So yung dalawa nagmuni-muni muna alam na kasi nilang dalawa si Mark nalang ang hindi nakakaalam ng feelings ko sakaniya.

"So ano na?" Napasinghap ako ng malalim. Hindi pa ito ang tamang panahon magkikita pa naman kami. Yinakap ko nalang siya , pabaon na rin sa pag-alis niya.

"Claris mahal kita , sana ganun rin sa'yo" ayokong sabihin ngayon , alam kong panandalain lang 'yon.
"Sorry Mark" maling-mali.

Habang pababa kami walang imikan , binasag lamang ito ni Baste , nagtawanan kasi sila ni Regine at nag-kilitian.

"Hoy! Ano na? Wala bang nangyari kanina?" Hays.
"Wala" mahinang sabi ni Mark.

Kinabukasan. Alam kong paalis na si Mark ngayon minulat ko na yung mata ko pasimple akong sumulyap sa bintana at nahuli niya ang aking mata pero sinarado ko naman ng mabilis ang kurtina at pumunta na sa CR. Iiiyak ko nalang 'to. Mawawala din 'tong feelings ko para sakaniya.

2 years later.

1st year college na ako ngayon , parehas kami ni Regine ng course na kinuha. May improvement naman kila Regine at Baste , well sila na 2 weeks pagkatapos umalis ni Baste , sweet sweet na nga nila e. Umuuwi si Baste tuwing monthsary nila. Wala naman siyang balita kay Mark.

Knock . Knock

Aga-aga istorbo naman 'tong si Regine , hays puyat ako at itong araw lang na 'to ang araw ng pahinga ko.

"Bakit ba ang ingay mo? Aga-aga e" hinawakan naman niya yung muka ko at minulat ko ang mata ko. Hays sakit nun.
"Pauwi na sila" 2 years na pala since nawala siya , walang paramdam.
"Owws" umupo na ako sa sofa at talagang sinundan pa ako neto.
"Girl umayos ka diyang kinuwento saakin ni Mark" ay buti ka pa at naisipan niyang kausapin , ako ng message niyang tuldok wala.
"Ano namang magagawa ko?" Napakunot naman nung ulo niya. Tsk
"Ano ka ba! Diba sabi mo may gusto ka sakaniya? Yun na sana pagkakataon mo Claris pero sinayang mo , gusto ka naman pala e" he manahimik ka diyan. Past is past

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Regrets ( one shots ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon