"Nice Timing"

12 0 0
                                    

Kurt's POV

So here I am, nasa isang party na wala naman akong kakilala bukod sa girlfriend ko. Nakikita ko syang may kayakap na ibang lalaki. What should I do? Magalit at sigawan sya? No. Nago'overthink lang ako. Baka naman kakilala lang o kaibigan tapos may binulong lang. Kurt, don't be like this. Ikakasira nyo 'to. Erase, erase!

"Babe! Come here! Kanina kapa ba dyan?" my girlfriend called me.

"Nope. Kararating ko lang din." sabi ko kahit ilang oras na akong naghihintay dito.

"Tara. Pakikilala kita sa mga friends ko." hinila nya ako papunta sa friends nya.

"Hey hey hey! May ipapakilala lang ako sa inyo. He's my boyfriend, Kurt."

They smiled at me and offered their hands and I accepted it.

Nagkakatinginan lang and I realized na boring na kaya pinilit ko si Mika na lumabas muna.

"Babe, sino yung kayakap mo kanina?" tanong ko.

Guys.. I swear! Pinilit kong kalimutan yung nakita ko kanina at wag ng i'open up yun pero hindi talaga kinaya eh.

"H-ha? Ano bang sinasabi mo? Wala akong kayakap!" pagtatanggi nya.

"Ah ganun ba? Okay, okay. So what should we do now?" I smiled to her but napansin kong nabadtrip sya. So I asked her.

"Babe, what's wrong?" pagaalala ko.

"So iniisip mo na nagchi'cheat ako sayo, Kurt Mathew Samson?!" sigaw nya sakin at nagbabadyang lumabas ng kotse.

Lumabas din ako at hinabol ko sya bago pa sya makapasok dun sa party ng friend nya. Wala akong kakilala dun kaya baka hindi lang namin mapagusapan 'to o maayos to hanggang sa pagtulog kaya pinilit kong habulin sya.

"No babe! Thats not what I meant. Hindi ganun. Naniniwala ako sayo kasi mahal kita, okay? I'm sorry. It's my fault." pagmamakaawa ko habang hawak ang dalawang kamay nya.

Mahal ko lang talaga eh. Ganito din naman yata kayo kung mahal na mahal nyo yung isang tao right? Handa kang magpakatanga at iwasan ang mga bagay na posibleng magpahiwalay sa inyo.

Ihahatid ko na sya sa bahay nila dahil nag-aaya na sya. Then we're here na sa bahay nila. Sa pagbyahe namin, wala syang imik sa mga tanong ko at kwento ko.

"I'm sorry babe.." dagdag ko bago sya bumaba pero tumingin lang sya sakin at bumaba na.

After about 3 days, nandito kami sa house ko. Pumunta sya dito to surprise me. Wala namang celeberation or something. Gusto nya lang talaga. Then nagpaalam sya sakin na birthday ng friend nya.

"Alis muna ako ha? May birthday party yung friend ko. Baka hindi na ako umuwi kaya wag mo na akong sunduin mamaya." paalam nya sakin.

"Ah.. ganun ba? Sige magiingat ka. I love you." sagot ko habang kinukuha yung susi ng kotse ko para ihatid sya. Ang sabi nya wag lang syang sunduin so yeah.

"Anong ginagawa mo? Wag mo na akong ihatid. Susunduin ako ng kuya ng kaibigan ko. Oh, ayan na pala sya! Bye!" pagkaway nya habang naglalakad na papunta sa kotse.

"I love you. Magingat ka." sigaw ko.

Nagtaka ako dahil sa mga kuya ng kaibigan nya, ngayon ko lang nakita yung lalaki na yun. Pero binaliwala ko nalang at isinarado ang pinto ng bahay ko. Pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig ng makita ko yung wallet ni Mika.

"Teka. Wallet 'to ni Mika ah." tumingin ako sa daan at ang layo na nila kaya naman sinundan ko nalang.

Sa pagsunod ko sakanila.. Napunta kami dito sa isang 5 star hotel at nakita ko na dito sila dumiretso nung lalaking sumundo sakanya.

Unexpected Love (ChanLi) •ONGOING•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon