Unexpected meet up

8 0 0
                                    

Alex' POV

Nasa bar ako kagabi. Umiinom at lumilimot. Hindi sa boyfriend ha? Wala ako nun since birth. Lumilimot ako sa isang taong piniling iwanan ako, kami ng mga kapatid ko para lang sa babae nya. Yes, my dad. My dad left us. Sobrang inis na inis ako sa dad ko. Pero wala akong magawa kundi umiyak dahil kahit anong salita ko kay dad, parang wala syang naririnig.

"Dad! Please don't do this. Paano na kami? Paano na kami ng kapatid ko? Alang-alang lang sa kapatid ko, kay Sophia." pakiusap ko sa daddy ko dahil iiwanan na nya kami para lang sa kabit nya.

"Anak ayoko na. Sabi ng tita Jade mo, kapag hindi pa ako nakipaghiwalay sa mommy mo, iiwan nya ako. Anak mahal ko si Jade. Pupunta ako dito twice a week para dalawin at kamustahin kayo. Magsusustento ako para sa inyo. Mahal na mahal ko kayo mga anak ko." paalam nya. Hinawakan nya yung ulo ko tska umalis.

"Eh si mama? Kami ng kapatid ko? Hindi mo na kami mahal kaya iiwan mo nalang kami? Hindi ko din tita at tatawaging tita 'yang kabit mo na 'yan, dad!" sigaw ko sakanya.

"Anak hindi sa ganun. Mahal ko kayo ng kapatid mo. Sige na aalis na ako." umalis na sya at hindi na lumingon pa.

Ganun nalang ba kadali 'yun? Ganun nalang ba? Hayst! Wag mo na balikan yung nangyari kagabi, Alex! Pinalo-palo ko yung ulo ko gamit yung tshirt nitong lalaki na 'to.

"Pero wow ang katawan nito huh? Sobra sa yu-" nagulat ako ng bigla syang maalimpungatan.

"H-hoy! Sino ka?!" sigaw nitong lalaki na 'to.

"Ako yung pinatay mo kagabi. Nagmumulto ako sayo ngayon." pabiro ko pero seryosong mukha.

Nagulat sya. Oo, ang cute nyang magulat. Nanlaki yung mga mata nyang bilugan at nanlaki ang butas ng ilong.

"Ang O.A." sabi ko habang natatawa-tawa.

"Sino ka ba?! Bakit ka nandito sa bahay ko?! Teka! Bakit nakahubad ako?! Pinagsamantalahan mo ba ako?! Bat suot mo 'yang damit ko?! Akin na 'yan, hubarin mo 'yan!" galit na galit sya habang nakacross yung arms nya sa dibdib nya. Ang daldal din ha! Ang sakit sa tenga.

"Ang kapal mo naman po kung ganon. Una sa lahat, tinignan ko yung gamit mo para malaman kung saan ka nakatira. Ikaw na nga yung tinulungan, gaganyan-ganyan ka pa? Pangalawa, sinukahan mo kaya ako kagabi kaya sinuot ko 'yung damit mo. Pangapat, amoy suka ka din kagabi kaya papalitan dapat kita kaso nakatulog din ako sa lasing. Okay kana?" sabi ko ng pasigaw ng konti.

Nagisip naman sya at pilit inaalala yung nangyari kagabi.

"Ikaw yung babaeng umi-" biglang sagot nya.

"Wag mo nang ipaalala. Happy lang tayo ngayon okay?" pagputol ko sa sinasabi nya. Ayoko ng maalala pa yun.

Tumayo sya sa kama nya at tinutulak-tulak ako palabas ng bahay nya.

"Umalis kana dito. Baka mamaya dumating si Mika makita kapa. Kung ano pang isipin nun!" sabi nya habang tinutulak ako ng malakas palabas.

"Teka lang yung mga ga-" nagulat ako ng napatingin ako sa katawan nya.

"Anong teka?! Sige sayo na 'yang damit ko. Umalis kana ngayon na!" sagot nya.

Huminto ako at sinamaan sya ng tingin.

"Ano ba?! Yung mga gamit ko sa loob! Yung bag ko!" pumasok sya sa kwarto nya at kinuha yung mga gamit ko.

"Ayan na! Umalis kana dito! Bilisan mo!" hinagis nya sa tapat ng bahay nila yung bag ko. Naiinis na ako ha!

"Hindi mo naman kailangan itapon yung mga gamit ko! Ang sama-sama ng ugali mo! Hinding-hindi na ako babalik dito!" sigaw ko sakanya at pumasok nalang sya ng bahay nila.

Unexpected Love (ChanLi) •ONGOING•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon