Introduction

1.2K 16 6
                                    

Kahit nakaka-apat na entry palang ako sa aking I'll Stay in Love, meron na naman akong ginagawa. Hahaha. Actually, di naman siya talaga story. Lagi kasi akong nababagabag tuwing nag-a-update ako. Sabi kasi ng kasamahan ko sa simbahan, meron daw nag-testify na nakaranas na ng isang near-death experience na habang nagpapakalulong ka sa computer, pinapalaki mo lang daw ang lagusan mo sa impyerno. 

Hindi ko na pinagdudahan yun. Dahil bukod sa elder na namin yung nagsabi nun, maka-mundo nga naman talaga kasi. (Wag na kayong magtaka kung bakit umiiwas ang mga anak ng Diyos sa mga makamundong bagay dahil ayon sa Bible, si Satan ang Prince of the World.) 

Since ang gusto ko naman talaga ay ma-glorify ang Lord sa bawat gagawin ko,gagamitin ko na ang pagkakataon na i-share ang lahat ng mga aral na naituro sa isang hamak na batang tulad ko. 

Hindi ako nag-aasam ng maraming reads, fans o whatever. Ang gusto ko lang, makapag-share. Pwede rin kasi itong maging day-to-day guide. Isa rin itong paalala na sana, sa lahat ng ginagawa natin, wag na wag natin Siyang kakalimutan.

Mga teh, hinay hinay lang. Ang anumang umaalipin sa tao ay kasalanan. So kung ano man yung palagay niyo na pinakamalakas kumain ng oras niyo, o masyado niyong kinahuhumalingan na nakapaglalayo sa inyo kay Lord, aba, mag-isip isip na kayo.

"Seek first the kingdom of God and His righteousness, and all these things shall be added unto you."

To God be the glory!

Answering God's CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon