"Kuya!!" for the nth time tumakbo ako sa loob nang kwarto nang kambal ko.Tinanggal niya yung earphones niya, "28 mins lang ang tanda ko sayo, wag kang ano." Napabuntong hininga nalang ako.
"Kuya naman kase eh!!" alam kong iritang irita na siya sa pangungulit ko.
"What? Alam mong wala nang magagawa yang pagpapabebe mo, Jian." tsaka niya binalik ang tingin niya sa cellphone niya.
"Anong pabebe?! Sira! Eh kuya ayoko talagang mag-aral sa school na yun, feeling ko masyadong tahimik dun, puro banal yung mga tao, di katulad sa Queensland." napaupo ako sa gilid nang kama niya, siya naman napahawak sa ulo niya.
"Parang ginusto ko naman to no? Alam mo namang mamamatay ako pag hindi ko nakita mga tropa ko sa Queens eh, pero kailangan. Desisyon ni Daddy to eh." napairap naman ako, nag-iinit na naman ang dugo ko! Jusmiyo. Ayoko talagang lumipat dun!
"Baka nung evil step mommy naten? Tch." bulong ko, totoo naman kase eh, dun daw kasi nag-aaral yung kapatid namin kaya napilit niyang magdecide si Dad na dun narin kami mag-aral.
"Ji, We have to accept the fact that Tita Laurice is our new mother, wala na tayong karapatang sumuway sa kanya." Kung may magagawa lang talaga ako kuya. Hayys.
"Sige na nga, Kuya Carter. Tatanggapin ko na. Kahit labag na labag sa kalooban ko."Napabuntong hininga na naman ako. Lumapit naman si kuya sakin at ginulo ang buhok ko, "Hayaan mo Ji, pag natapos na naten ang pag-aaral naten? Tayo mismo ang lalayo dito, susundan naten si Mommy sa California." Nagpaalam na ako kay kuya, at dumiretso sa kwarto ko.
Tinignan ko saglit yung buong kwarto ko. Hayys matatagalan din bago ako makatulog ulit dito dun na kami kasi magdodorm sa School na lilipatan namin.
Lumapit naman ako sa maliit na lamesa sa gilid nang kama ko, "I miss you so much, Mommy." nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. "I wish you were here Mommy. Sana talaga ikaw padin ang mommy ko." iyak lang ako nang iyak habang inaalala ko yung mga panahong nandito pa si mommy.
Maya-maya din ay ipinasok ko na sa maleta ko yung picture naming lima. Si Dad, si Kuya Reede, Ako, si Kuya Carter, at si Mommy.
Ang saya saya namin noon, bigla nalang naiba ngayon.
Humiga na ako sa kama ko. Maaga pa daw kami bukas.
---
Nagising ako sa ingay nang alarm clock ko. Eto na to. Ngayon na magsisimula ang pags-stay namin ni kuya carter dun.Matapos kong magready, nagbihis na ako. Gray longsleeves, black skirt at ang favorite kong boots. Inayos ko na lahat nang dadalhin ko. "Hays, Jian, eto na talaga to." lumabas na ako nang kwarto ko.
Mukhang nasa sala na si kuya.
Di nga ako nagkakamali nasa sala na nga siya.
"Ji, bilisan mo naman! Para kang pagong!" sambit sakin ni Kuya Carter.
"Edi ikaw na excited. Tch." pababa na ako nang hagdan nang iluwa nang kusina yung stepmom namin.
"Oh, Jian. Gising ka na pala?" ay hindi tulog pa ako obvious ba? Tch. Tumango nalang ako sa kanya. "Kumain ka muna, at masama ang walang laman ang tiyan mahaba-haba pa naman ang biyahe niyo." Wag nalang.
"Ah babaunin ko nalang po, baka malate pa po kami ni kuya eh." agad agad naman niyang pinrepare ang baon ko. Hayys.
"Eto na Jian, meron din akong nilagay na strawberries diyan. Alam kong favorite mo yun." ngumiti nalang ako sa kanya. "Thanks, Tita Laurice." inabot ko ang pabaon niya sakin. At lumabas na kami ni kuya.

BINABASA MO ANG
SHI NO GAKKŌ: SCHOOL OF DEATH
Misteri / ThrillerNo one knows about the legend of Mary Madelaine Academy. What was it before? What happened before? What will happen now? Mary Madelaine Academy, welcomes new vict-- enrollees.