Chapter 2: Meet him

10 0 0
                                    

Linggo na!!! Yes!! :D (excited much eh noh xD) dahil dyan 7am pa lang okay na ko. ready na lahat lahat si sister Gel na lang yung kulang para makapunta na kaming church.

"Oy ang aga mo ah"-ate

Ate Sam ko nga pala. Sya lang yung ate ko dito sa manila. yung isa kasi is nasa province kaya yan ako nanaman binubully nyan lagi ahaha. pero love ko yan :)

"Maka oy naman dyan. bakit? wala namang masama diba? excited lang akong kumanta"- ako

"Sus. Ma! Pa! si nicole oh lumalandi naaaaaa!"

Tsk. etong ate ko oh. Lumalandi kaagad? di ba pedeng maaga lang tsaka excited nang kumanta

-______-

"Kagabi pa yan ganyan Sam. Di mapakali. gusto na nyang kumanta. pagbigyan mo na. maghahanap yan ng poreber nya sa simbahan"-mama

"Maaaaa! anong poreber? walang ganun ahaha. tsaka pramis di dahil dun kaya ako maagang gumising. gusto ko lang kumanta tsaka makita mga kachoir member kooooo"

"Hay nako Sofia. okay lang yan matanda ka na."-papa

"Tsk. bahala nga kayo dyan. basta ako gumising ako ng maaga para dun."

Pagkatapos ng mahabang pagbubully saken, ayan na kumaen na kami ng breakfast. gutom na ko tsaka kailangan ko ng lakas para sa kakantahin ko. Ewan ko ba pag kumakanta ako feeling ko ang saya saya ko :) tsaka yung yung binigay ni God na talent saken eh kaya ginagamit ko lang sa tama. :)


"Soffffiiiiiiiiaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"-sis Gel

Si siter Gel na yan. ganyan pag tumawag sa bahay ang lakas ng boses tsaka ang haba :D

"Commmmiiiinnnngggg"

Bago ako umalis nagpaalam muna ako kila mama at papa at syempre sa kapatid ko,

"Ma, Pa, Te alis na ko"

"Ingat ka sofia. wag kang magmadali mahahanap mo din yan ahaha"-ate

"Ingat nak. Kaya mo yan. maganda ka naman kaya maiinlove din yung mga nagsisimba mamaya sayo"-papa

"Tsaka para magkaboyfirend ka naman. tanda mo na" -mama

"Tsk. Ewan ko sainyo. Dahil lang dun nagkakaganyan kayo -_______-"

Hays kailangan talaga pagsabi nila saken na tumatanda na ko T_T oo na 21 na ko pero bata pa yun ehhhhhh.... T____T

Naglakad na kami ni Sis Gel. walking distance lang naman yung simbahan tsaka maaga pa naman para maglakad. Vitamins din yung araw kasi maaga pa naman. Habnag naglalakad kami ni sister Gel nagtanong ako.

"sis Gel sino po magmimisa ngayon?"

"Ah si Father James ngayon neng. "-sis Gel

"Ah okay."

Si Father James yung kura paroko namin sa simbahan. madaldal, Masayahin tsaka bibo yun pag nagmimisa di ka maantok dahil andami nyang sinasabi tungkol sa bible at may matututunan ka talaga sakanya every mass nya.

Dumating na kami sa simbahan. nakita na namin yung iba naming ka choir member. ngumiti ako at nakipagbeso beso sakanila. Nung babatiin ko na si Prof. napatiggil ako.....


.

.

.

.

.

.

.

.

A Love To ConfessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon