Chapter 3: Time-Off

9 0 0
                                    

Nicole P.O.V


Hays... Thursday na :D wala namang nangyari nung monday hanggang wenesday kundi trabaho ng trabaho -_____- ganun na siguro pag tapos ka na sa gusto mong course kailangan mo ng kumayod para sa magulang mo tsaka pati na rin sa future mo :) di naman kasi habang buhay eh lagi ka na lang nag-aaral, kailangan mo na ding tahakin yung gusto mo maging balang araw. 


"Ma'am alis na po ako"


"Sige iha, ingat ka sa pag-uwi. may practice ka pa."-ma'am jess

"Sige po . Salamat"


Si Ma'am Jess nga pala. siya yung head namin sa company. mabait naman siya kaya lagi akong nagpapaalam pag may pupuntahan ako tsaka alam nila na kada Thursday sharp 6pm ako kung umalis. Sa umpisa akala nila Nagsasamba ako (Iglesia daw ahaha) pero nung pinaliwanag ko, yun okay na at alam nila na kumakanta ako sa simbahan kaya di mo maiiawasang kantchawan na kumanta ako kaya minsan pinangbibigyan pero madalas ako talaga may gustong kumanta (kapal eh noh haha)


Sumakay na ko sa bus at maaga pa lang nasa bahay na ko . 8pm pa naman yung practice so meron pa kong oras para magbihis at kumain.


"Ma dito na ko"


"Oh iha dito ka na pala, kumain ka na at may practice pa kayo. sinabi ni sister gel na susunduin ka nya maya maya"


"sige ma, magbibihis lang po ako"


" CUTE MAY NAGTEXT SAYOOOOO"


Gulat kayo noh? ahaha. ganyan yung ringtone ko sa phone ko pag may nagmessage. cute kaya ako kaya wag kayong aangal ( edi wow XD)


"Goodevening choir! di tayo magprapractice sa bahay nila Brother Dick, dun tayo magkikita kita sa simbahan 8pm. may announcement kami sainyo" 


Announcement??? ano kaya yun??? Anyway hayaan ko na lang at malalaman ko naman mamaya kung ano yun. dali dali akong nagbihis at kumain para di ako magutuman mamaya sa practice. Usually kasi nagsstart yung practice ng 9pm. diba sabi ko 8pm? ganyan talaga pag FILIPINO TIME XD may mga late talaga kung dumating, minsan hinihintay mo di naman pala darating. (Sorry humuhugot lang XD)


"Tao po"-Sister Gel


Ayan na si Sister Gel. Buti na lang tapos na kong gawin lahat.



"Ma alis na po ako"


"Sige nak, magingat ka"


Tumakbo na ko sa pintuan at nakita ko nga si Sister Gel. 


"Tara na po"


"Sige tara na" - Sister Gel


Habang naglalakad kami, nagtanong ako sakanya about dun sa message kanina.


A Love To ConfessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon