Ngiti lang ang isinagot ko
sa tanong ni kuya Fred.
Wala siyang kaalam alam na
wala na akong interest
sa sinumang babae dahil
sa nagawa ng nanay namin
at sa panloloko ng girlfriend niya.Isa na akong woman hater.
Lance.
Kinabahan ako sa boses ni tatay
na halatang nakainom.
Sa tuwing nalalasing siya,
doon siya nagkakaroon ng dahilan para saktan ako sa oras
na hindi ako sumunod sa utos niya." Alam mo na kung saan mo
dadalhin iyan. "" Tay, pwedeng iba nalang
ang ipagawa niyo sa akin ? "" Anong sabi mo ? "
Halos mabali ang braso ko
ng hatakin niya ako palabas
ng bahay.Alas onse ng gabi ng marating
ko ang bahay ni Mr. Alejandro.
Nakangiti siyang sinalubong ako." Ito ang payment. "
Medyo makapal ang sobreng
inabot sa akin nito. Maya maya,
kinuha niya ang palad ko
at may ibinigay sa akin." Porsiento mo. Magtaxi ka
para hindi delikado. "" Thank you Sir. "
Parang gusto kong matuwa
sa klase ng raket ng ama amahan ko lalo na, kapag na -aambunan
ako ng konti.
Kahit paano nagkakapera ako." Natagalan ka ata ?
Hindi naman traffic ah. "" Hindi po ako nakapagtaxi. "
" Akin na ! "
Gusto kong magalit sa kaniya
dahil kahit ako ang naasahan
niya sa raket niya,
hindi parin anak ang turing niya
sa akin. Matagal na naming
isini -sikreto kay kuya Fred
ang pagiging pusher namin
ng amain ko.Ang masamang raket na ito
ang nakapagpatapos kay kuya
sa pag aaral niya, kaya hindi rin ito magawang bitiwan ng tatay ko." May ipapagawa ako sa iyo.
Gumising ka ng maaga bukas. "" Tay, may lalakarin po ako.
Sa sunod nalang ho ako sasama. "" Naaambunan ka siguro no ? "
" Hindi -Hindi ho tay.
Mangangalakal ho ako ng - "" Kunwari ka pa.
Ako pa niloko mo ? Ilabas mo. "" Tay, wala ho talaga. "
Pinilit niya akong kapkapan.
" Tay, sa akin na po iyan !
Nakikiusap po ako sa inyo.
Ibigay niyo po sa akin ang pera. "" Sira ulo ka pala eh !
Kung hindi ka naglihim sa akin,
baka binigyan pa kita ng pera
na mas malaki rito !
Ayokong magsisinungaling ka !
Naintindihan mo Lance ! "Pagka hagis niya ng two hundred
pesos sa harap ko, pumasok na
si tatay sa loob ng bahay.Nang silipin ko siya,
nakita kong masaya siyang
nakikipag usap kay kuya Fred.Tahimik akong umiyak.
Hindi pala ako pwedeng
makatanggi sa kaniya.
At hindi ako makakaipon
kung tatanggi ako sa lahat
ng ipapagawa niya akin.
BINABASA MO ANG
The Woman hater Meets The Man hater
RomanceSinadya kong makita ni Kaye ang matalim na titig ko sa kaniya. Wala akong pakialam kung mahal na mahal siya ni Ed. Sa nakikita ko, lolokohin lang niya ang bestfriend ko. Pero hindi mangyayari iyon hangga't magkaibigan kami ng boyfriend niya. Nang ma...