Wang ! Wang ! Wang !

Hindi maintindihan ni kuya Fred kung bakit patakbong lumabas ng bahay si tatay.
At balak ko ring tumakbo pero
pinigilan niya ako.

" Saan kayo pupunta ?! "

" Sa tingin ko kuya.
Panahon na para malaman mo
ang totoo. "

" Totoo ? "

" Pusher si tatay.
At pwede kong madamay
kapag may naka huli sa kanila.
Kuya magtatago ako ! "

Iniwan ko si kuya Fred na halos
tulala. Kailangan kong iligtas
ang sarili ko. Ayokong makulong.

Nakita ko na nakapalibot
ang mga pulis sa alam ko na
hide out ng mga pusher sa lugar
namin.

Sumuko na kayo !

Isang sunod sunod na putok
ng baril ang narinig ko mula
sa bahay.

Nagtatakbo ako palayo na hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Kinuha ko ang nadampot kong
uling at pinahiran ko ang mukha
ko at sa ilang bahagi ng katawan

Diyos ko !
Baka idamay ako ni tatay.

Takot na takot ako habang
palayo sa tambakan ng basura.
Hindi ako pwedeng makita
ng mga pulis kung sakaling
mahuli si tatay at ituro niya ako.

Umiiyak akong naupo sa gilid
ng tambak na basura sa palengke
dahil pinagmukha kong pulubi
ang sarili ko.
Walang dapat makakilala sa akin.









































































































































Twenty five pesos ?
Sa dami ng basurang naipon ko
ito lang ang bayad ?

" Kuya, baka po pwede niyo
pong dagdagan ? "

" Tatlong kilo lang ang plastik.
At iyong iba, hindi talaga
binibili. "

" Sige na ho. Kulang pa ho ito
na pangkain ko. "

" Umalis ka na ! "

" Kuya parang awa niyo na ! "

Pinagsarhan niya ako ng pintuan. Awang awa ako sa sarili ko at hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Nilapitan ko ang basurero na
naghahakot ng basura.

" Kuya ? "




















































































































" Anong pangalan mo ? "

" Lance po. "

" Wala kang matutuluyan ? "

" Naglayas po ako sa amin. "

" Bakit naman pagbabasura
ang pinasok mong trabaho.
May itsura ka. Maganda naman
pangangatawan mo. "

The Woman hater Meets The Man haterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon