1: I'm Eve

10 0 0
                                    

“Ako si Eva Petrarchan Pandejo a.k.a Petra Pan ng Kensington!

35-24-36!

May nakakalulang ganda at makalaglag panty na alindog!

Maganda.

Mayaman, at

Malisyosa.

Isang diyosa na bumaba sa langit na walang balak bumalik pa!

Pero …

meron akong sikreto ….

Isang sikreto na…

Hindi dapat malaman ni Papa Drake Kiffer Fuentanilla….

oooooooooooooooo -------------------------------------- ooooooooooooooo

“Pandejo! HOY~! May balak ka pa bang gumising ha??!!” isang umaalingawngaw na boses ambulansya ang sumira sa maganda kong panaginip!

“Wait… five more minutes …” antok na antok kong sabi sa balugang si Ella.

“Sus! I-style mo! Gumising ka na diyan at malelate na tayoooo!!! Oyyyyy!!” sabi niya habang inaalog alog ako sa higaan. Bakit di nalang kasi siya mauna diba?

“Yeah Yeah... Whatever...” unti-unti kong hinango ang maganda kong katawan sa kama at umupo paharap sa letseng balugang to habang hawak ko pa ang inaantok kong ulo.

“D-dress…up jerk!” pagkasabi niya’y patakbo niyang inabot ang door knob at nagmamadaling lumabas sa kwarto ko nang nakapikit.

Problema nun?

Ngayon lang ba siya nakakita ng topless guy na natutulog?

"HAPPY EVER SINCE"Where stories live. Discover now