School’s festival naming ngayon pero andito ako ngayon sa puntod ng puso kong namatay noong isang linggo. Kasalukuyan ako ngayong nagtitirik ng itim na kandila sa may bintana ng classroom habang ang lahat ay nagsasaya sa gymnasium kung saan andun ang mga activities.
“Ouch…it hurts…” sabay hawak sa sugatan kong puso.
Masakit. Mahapdi. Makirot.
Alam niyo na ba ang feeling ng ganoon? Yung kahit lagyan ko ng Hydrogen Peroxide ang lasog kong puso ay hindi mawala wala ang bacteria dito? Yung kahit lagyan ko ng betadine, wa epek sa laspag nitong kalagayan? At kahit ilang band aid ang itapal ko ay aagos lang ng aagos ang luha nitong sumisigaw ng…
“Draaaaakeeeeeeeeeeeeee!!!! WHY HER!!??”
Inumpog umpog ko na ang ulo ko dito sa blackboard and it hurts you know!? Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng hayop na pwedeng magustuhan ay yung uod na si Wendy pa???!! Bakit hindi nalang ang butterfly na si AKO!!?? HUHUHU … Nyeta! Di ko pa rin makalimutan yung sinabi niya!
xxxxxFlashbackxxxxx
“ Hey, I really am sorry. Makulit lang talaga siya, but there’s really nothing going on between us…” wow, hinabol ko talaga siya just to say that..? Well, worth naman, baka magselos eh.. haha
“Talaga?” he turns his back and say it with joy in his tone.
Bat parang natuwa siya? Sabi na eh! Gusto rin niya ak—
“So that means, I can court her?”
“Ha??” Ang tanging nasabi ko
“I’m well aware that you were both victims of arranged marriage as well as the fact that she likes you. Pero hindi mo naman siya gusto diba?” at parang may mga karayom na panggantsilyo ang tumusok sa aking ginintuang pusod.
“Y..yea??” I guess?
“Really? So, maybe I can confess this now to you…”
“Confess what?” I really have no idea
“I like her. I really do. Since junior high, gusto ko na siya. I was just taken aback nung malaman kong fiancée mo na siya. But today, I can’t stand in a corner and watch her anymore, lalo na nung m-makita ko kayo kanina. Noong una, I kept myself still dahil bestfriend kita at akala kong gusto mo rin siya, but as I’ve heard just now … maybe, I can have now that deferred chance.”
XxxxFlashback endsxxxX
Kaya heto ako ohhh.. basang basa sa luha … walang masisinghutan … walang malalapitan ohhhh… ♫♫
“Hoy baliw!” napatakip ako ng mukha ng marinig ko ang boses lamang lupa na nagpatigil sa pag mumusic video ko dito. Geezz…
“Anong ginagawa mo dito? Ba’t hindi ka sumali dun sa amin?” pagpapatuloy niya.
“Ahh …” hindi ko alam kung anong sasabihin ko o gagawin ko ngayong kaharap ko na ang babaeng umagaw sa puso ng bebe ko. Paano ko ba madidispatsa to ng ako nalang ang ligawan ni Papa D.K..? Kalbuhin ko kaya siya? Maging maganda pa kaya siya? Nako! Harsh! Wag naman. Eh kung… tusukin ko ng ballpen ang dalawa niyang mata? Hmm… di ko naman ata keri yun! Kalbong bulag? Ewwww… Eh kung ibalot ko nalang siya ng buo sa aluminum foil at pausukan sa grill tska kainin? Cannibal? Erase. Erase… Eh kung...
“You like me right?” walang anu anong kong tanong. Anu daw?
“H-huh.. Ahh.. O...O-o??” nagulat siya sa tanong ko. Ako din. Gaga ba ako? Alam ko naman yung sagot eh. Wala lang. Naga-assure lang mga te!
“Bakit mo naman natanong? Hmmm ….
uyyyy…… ikaw ha? crush mo na ako nooo! Gusto mo malaman para pwede mo na din sabihin na …
“Date me” Oh please! Gosh! Give me holy water! Magmumumog ako!
“HUH???!!” napahawak siya sa pinto sa sobrang gulat. DUH? Ako din no? Ano ba kasi tong pinagsasabi ko??
“Date me, as in be my girl… for real” Isa tong malaking joke! Author anong nangyayaree???!!!
“Pete … di ba .. K-kasi.. a-ano.. a-ayaw mo sa .. akin...”
“So ayaw mo?” just say yes! Kainis.
“Hindi ah! Gusto ko shunga!!…” at sa tuwa niya ay lumundag siya payakap sakin and kiss me.
And the adventure begins…
U I & ” pabalagbag na bumukas ang pinto ng kwarto ko at biglang umekstra na naman ang nunong si Wendy na nakatapi lang ng …. tuwalya??!!!! SHIT!
“Ohh.. sorry, I j-just..” halos magkandautal-utal si Drake sa sinasabi niya. Ewan ko kung sa hiya o sa nakikita niyang magandang katawan ni Wendy. SHET. Maaagawan pa ata ako.
“Well, if you have nothing important to say, maybe you can just play around next time…” sabi niya pagkataas niya ng kilay kay Papa DK?? What the heck?
“Well, I actually just drop by to give this… So, bye” he hand me the notes I’d let him borrow last Tuesday and just went off. My Gosh! He’s so sweet.
“W-wait…” akma ko siyang pipigilan ng…
“Bye!” at kinawayan na siya ng bongga ng impaktang si Wendy na may ngiting tagumpay. Love life wrecker!’
“So, itutuloy na ba natin Pete?” baling niya nang tuluyan ng nakagora si Drake. Haysstt! wala ako sa mood. Naiimbyerna na ako dahil hindi man lang nag last at least 2 minutes ang encounter ko kay Papa D.K sa mismong bahay ko! Wendyyyyyyy!! Sumpa ka talaga!
“Ituloy mo mukha mo!” bahala siya sa buhay niya! Susundan ko si Papa D.K nang maka-aura akis!
YOU ARE READING
"HAPPY EVER SINCE"
RomanceSi Petra Pan, Si Cinder Ella, Si Sleeping Ugly, Ang Showgirl and the Seven Hunks This is the story that might happen if Peter Pandidn’t grew up in neverland and cannot fly; if Cinderella wasn't a maid and didn't lose her shoe; if sleeping beauty has...