Pasensya na di na kita mahal.
yan ang mga katagang nagpaluha sa aking mata
nagpasakit ng aking damdamin
paano ba maiwasang masaktan?
paano ba mahilom ang mga sakit na aking nararamdaman?
paano ba ako makalimot sa mga sakit na iyong ipina dama?
papaano kita iiwasan kung ikaw naman ang nagpapasaya sa akin?
dyos ko tulungan niyo ko.
wag niyo po sana akong pabayaan.
ano ang gagawin mo kung isang araw wala na yung sakit na nadarama mo?
kung isang araw maghihilom na ang puso mo?
kung isang araw may magmamahal sayo ng buong buo na kaya kang ipagtanggol at ipagmalaki?
kung isang araw babalik ang nakaraan at di mo maiwasang mapaluha.
kung isang araw bigla nalang bumalik ang lahat ng sakit na iyong nadarama?
kung isang araw dodoble ang sakit?
kung isang araw na wala kanang mahihiling pa kundi ang mamatay?
may tutulong ba?
may magpaparaya ba?
may magmamahal ba?
may masasaktan?
may makakalimot?
may magbabagong buhay?
sana.
sana maganda ang mangyayari ng problemang madadaanan ko.
sana madali lang.
ako nga pala si Francheska Villiamore at ito ang storya ng buhay ko.