Chapter 30

114K 2.3K 264
                                    

                                                         *******

 “Sir, our daily sale is drastically going down .”

Napapamasahe sa kanyang noo si Warren habang seryosong nakatunghay sa reports na ibinigay sa kanya ng accounting staff. Simula nang lumabas ang balita tungkol sa pagkakalabuan ng relasyon nila ni Avina, nangyayari na ang isang bagay na kanyang inaasahan.

Nirebisa niyang mabuti ang reports.  Pagkatapos, saka niya kalmadong tiningnan ang kabadong kausap na empleyado.

“The sale is not drastically going down. We’re just going back to our old daily sale status. Since Avina Montenegro declared to the public that we were in a relationship, our sale dramatically went up.” ngumisi siya sa nababahalang kausap. “Stop looking worried Mr. Santos, hindi tayo nalulugi. Bumabalik lang sa normal ang sales natin. Our big bonus simply came to an end. Isipin na lang natin na nawawalan na ng bisa ang isa nating advertising strategy so all we need to do now is to think for a new one.”

“Pero sir we’re not talking about small money here. Halos araw-araw, milyon-milyon ang nababawas na income sa kumpanya.”

Kinagat ni Warren ang hawak na ballpen at tinitigan ng matapang ang kausap. “So?”

Napalunok muna ang empleyado. Humugot ito ng isang malalim na buntong-hininga upang kumuha ng lakas ng loob para prangkahin ang amo. “Sir, bakit hindi niyo na lang ho ayusin ang sitwasyon niyo? Are you going to let this big amount of money slip from your hand? Kayo lang naman ho ang hinihintay para makipag-ayos kay Ms. Montenegro.”

Napangisi ang binata sa kausap. “I’m not a manwhore Mr. Santos. Hindi ko inilalako ang pagkalalaki at dignidad ko ng dahil sa pera. I control the money and it’s not the other way around.”

“N-Naiisip ko lang ho na baka sakaling maging praktikal kayo… na baka mas mangibabaw ang pagiging businessman niyo.”

“That’s not going to happen. Personal matter is personal matter, business is business. If I want to last longer in this field, I should learn how to separate both matters. Don’t worry guys, matatapos din lahat ng issues ng Luxuria. I’m sure this will not even last for a month. Alam niyo naman dito sa atin pinag-uusapan ngayon, bukas tapos na.”

“But sir, neither you nor Ms. Avina hasn’t confirmed yet the real status of your relationship. Mas maganda kung walang magsasalita, it will be more beneficial to Luxuria…pero paano kung magsalita si Ms. Avina?” muling napalunok si Mr. Santos dahil sa naiisip na susunod na sasabihin. Hindi na lingid sa kaalaman ng buong Luxuria na nagkakaganito ang kanilang amo dahil may iba na itong karelasyon.

“…Paano kung may iba pang bagay na sabihin si Ms. Avina tungkol sa paghihiwalay ninyong dalawa. Hindi ba baka mas lalong tumagal ang balitang ito. Our competitors are taking advantage of your situation now. Don’t you think this might drag Luxuria into a deeper hole? I’m afraid na mas lalong magtuluy-tuloy pa ang pagbagsak ng sales natin.”  

“Don’t overreact. Avina is an educated woman; she won’t talk garbage in the public.” kumpiyansang sagot ni Warren.

“Sir hindi niyo na ho ba talaga maisasalba ang sitwasyon niyo ni Ms. Avina? Tama kayo na pansamantala lang ang pinagdadaanang ito ng kumpanya pero kung iisipin niyo ang nawalang pera at ang maaring kitain niyo pa, nakakapanghinayang ho talaga. Kaya kung ako sainyo pabulaanan niyo na lang lahat ng mga negatibong balita. Ipakita niyo sa taong masaya pa rin kayong dalawa ni Ms. Avina.”

Binigyan ni Warren ng nakakahiwang mga titig ang kausap at nginisian ito. “Mr. Santos, do you love your job?”

“Oho naman sir…”

You Gave Me A ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon