Bridge

74 1 2
                                    

Enjoy :)

_____________________________________

Bret's POV

"Dre, tapos mo na ung sayo?" biglang sabi ni Jemar na kablockmate ko.

" Kakatapos lang dre. Ge mauna na ako" lumabas na agad ako sa room.

Kung tinatanong nyo kung ano ung tinanong ni Jemar, ung bucketlist lang naman namin. Kahit lalaki kami gumagawa din kami ng mga ganung bagay. Actually, graduating na ako ng college at napagpasyahan namin ng gumawa nun. Ung mga bagay na gusto at first time na gagawin bago gumraduate kaya ayun kung ano-anong bagay ang pumasok sa kokote ko.

Ung number one sa listahan ko ay lakarin ung bridge ng Marcelo Fernan Bridge kasi palagi ko ung nadadaanan pauwi kaya gusto kong subukan kahit medyo malayo-layo ung lalakarin ko.

At ngayon, mga 5:38 na ng hapon napagpasyahan kong ngayon nlang kasi di na mainit tapos makikita ko pa ung magandang view at ung mga city lights.

"Ayyy, gago! Nakalimutan kong magdala ng tubig =_______=" medyo kalahati pa ung nalalakad ko pero pagod na ako tapos wala pang tubig, NAMAN!!!!

Habang naglalakad ako may napansin akong babae pero di ko nlang pinansin kaso habang papalapit ako sa kanya napansin kong umiiyak pala ito kaya medyo na bothered ako ng konti. Pero sa di inaasahang pagkakataon bigla nlang siyang humakbang para tumalon sa bridge kaya hinawakan ko kaagad ung t-shirt nya sa likod kasi nakatalikod lang ito sakin.

" Miss, kung ano man yang problema mo maayos din yan. Tiwala lang " sabi ko sa kanya pero di pa din siya tumitingin sakin.

" Wag mo akong paki-alaman. Leave me alone!!" iyak pa din siya ng iyak at bigla nlang lumingon sakin. Langya!!!! ang gandang nilalang tapos magpapakamatay lang? para akong natutulala nung nakita ko ung mukha nya na angelic face at talagang tinamaan yata ako ni cupido. Tangna! Na-love at first sight pa talaga ako taong magpapakamatay na. Nakatitig lang ako sa kanya ng ilang segundo pero nakapagsalita pa naman ako.

" Sige kung tatalon ka, tatalon na rin ako kasi responsibilidad na kita at di kaya ng konsensya ko kung hahayaan nlang kita pero may problema tayo kasi di ako marunong lumangoy kaya tsugi din ako at pag nangyari yun ikaw ang may kasalanan" sinadya ko talaga yun para makonsensya man lang siya at di na maisipang tumalon at para na rin di na makipagtalo pa sakin at buti nlang kumalma naman siya kaso bigla nlang umupo at nag-iiyak na pagkalakas kaya ung mga taong dumadaan ay napapatingin samin.

" Shhhh, wag ka ng umiyak miss maaayos din yan " niyakap ko nlang siya kasi yun lang ang naisip kong paraan para i-comfort siya.

" Huhuhuhuhu, wala ng nagmamahal sakin *sob* napaka-wala kong kwenta *sob* " napansin kong lasing pala siya kaya hinayaan ko nlang baka magpumilit pa itong tumalon na talaga sa bridge. Nung medyo tumahan na siya pinatayo ko kaagad kaso nahimatay naman. Nako po!!! anong gagawin ko dito!!!! di ko na talaga magagawa ung nasa bucketlist ko.

" Kuya tulungan niyo po ako, nahimatay ung girlfriend ko " no choice kelangan kong magsinungaling at buti nlang dumaan ung mga bikers at pumara agad ng taxi para maihatid ko na siya sa bahay nila.

Nung nasa loob na kami ng taxi dun ko lang naisip na di ko pla alam kung saan ito nakatira.

" Bahay? Eh, di ko pala alam ang address nito. Napakabobo ko talaga >___< " kaya no choice na naman kaya dinala ko nalang sa bahay namin.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon