Brige 3

30 2 1
                                    

Sa sobrang galit ng papa niya ay nasapak niya ako. Ganyan naman talaga ang mga tatay di ba? Kaya ayos lang yun kahit di ko kasalanan pero inako ko yun eh kaya kasalanan ko na rin.

"Bret, bakit mo ginawa yun?" tanong ni Annabeth habang nilalagyan ng gamot ung mukha ko. Ang lakas pala manapak nung papa niya. Andito nga pala kami sa kwarto niya.

"Wala lang, ang galing ko no? Pwede na bang maging artista? hahaha" pagbibiro ko sa kanya para naman ngumiti siya kasi kanina pa siya iyak ng iyak.

"Bret, seryoso ako. Ayokong madamay ka sa problema ko at mamaya sasabihin ko sa parents ko ung totoo na di ikaw ang ama ng dinadala ko" di damay? eh nasapak na nga ako eh edi panagutan ko na 'to at di ko hahayang masaktan ulit siya at lalo na ang pakawalan pa siya. Oppurtunity ko na to at kahit sabihin niyong selfish ako, bahala kayo basta mahal ko ang babaeng ito.

"Gusto mong malaman ang totoo?" napatigil siya sa paggamot sakin at tumingin sakin.

"Oo" yun lang ang nasabi niya kaya tinignan ko siya mata habang sinasabi ko sa kanya yung nararamdaman ko.

" Annabeth, alam ko ang hirap paniwalaan ng sasabihin ko pero totoo lahat ito. Nung nakita kita sa bridge aaminin ko nagkacrush ako sayo. Nakakatawa ngang isipin eh kasi nagkagusto ako sa taong magpapakamatay na nga pero anong magagawa ko? Biglang tumibok itong puso ko nung pagkakita ko sayo. Di naman kasi namimili ung puso kasi bigla nalang itong titibok ng malakas pag nakita ung gusto nila. Nung una parang di ko nlang pinapansin pero habang nakakasama kita sobrang nahuhulog na yung loob ko sayo at pinangako ko sa sarili ko na di na kita hahayaang umiyak pa. Pasensya na ah kung ang selfish ko kahit may problema ka dumagdag pa ako. Gusto ko lang kasing sabihin itong nararamdaman ko bago maging huli ang lahat. Aaminin ko mahal kita at kaya kong panagutan ang batang nasa sinapupunan mo at ituturing na anak ko. Ang problema lang ngayon ay kung papayagan mo ba ako?" whoah! nasabi ko na lahat at bahala na siya kung anong maging desisyon niya. Ang sarap sa pakiramdam dre.

"Bret, salamat. Di ko inakala na may lalaki pa plang katulad mo at ang swerte ko kasi nakilala kita at nagpapasalamat din ako sa pagkakataon na kung di ko naisipang tumalon sa bridge ay di pa kita nakilala. Bret, salamat sa pagmamahal mo at handa akong gawin ang lahat para matumbasan iyon. Di pa siguro ngayon pero malay natin sa paglipas ng panahon ay magagawa ko at baka nga bukas mangyari na yun. Di ka mahirap mahalin Bret kaya bigyan mo muna ako ng panahon para matumbasan iyon. Salamat talaga" pagkatapos nun ay niyakap niya agad ako habang ako ay naguguluhan sa mga sinabi niya. Does that mean ay bibigyan niya ako chance?

"So payag ka?" tinanong ko talaga siya.

Pero imbes na sagot ang makukuha ko ay isang kiss ang natanggap ko. ISANG KISS!!! langya!! ang sarap!! hahaha, minsan lang 'to kaya tumugon agad ako sa halik niya. Syempre, a kiss with love yun ah!! Ayos to ah.

Lumipas ang ilang months at natanggap ako ng parents niya at naipaliwanag na din namin sa parents ko ang nangyari. Nung una medyo galit pa sila kasi kakagraduate ko nga lang nung isang buwan pero natanggap naman nila yung desisyon ko. Nagtatanong kayo kung alam ba ng parents ni Annabeth yung totoo? Oo, naki-usap kasi ung parents ko na sabihin namin ung totoo para wala ng problema pa sa future. Nung sinabi namin yun mas lalong naging proud ung parents niya at sinabi ko kung gaano ko kamahal ang anak nila kaya sobrang saya nila na ako ang napili ng anak nila.

Ngayon, may trabaho na ako at busy sa pag-aalaga sa mag-ina ko. Kami ni Annabeth? Ayun inamin niya na mahal niya din ako, nung una di ako naniwala pero nung sinigaw niya talaga sa buong mall kung gaano niya ako kamahal. Pakshit!!! kinilig ako dre. Mahal din pala ako ng mahal ko. Sarap ng feeling mameenn! 

Naisipan naming magpakasal pagkatapos nlang niyang manganak kasi gusto daw niyang maging maganda sa araw ng kasal namin. Ayun oh! nagpapaganda daw siya para sakin para di na ako humanap pa ng iba. Humanap? eh sobra-sobra na nga siya para sa kin eh. Ang saya ko talaga.

"Die, tara na? Magdala ka ng tubig huh?" aalis kasi kami ngayon. Saan? secret na muna. Hahaha. Papagurin ko muna itong si Mie ko. Sino si Mie? Edi si Annabeth.

"Opo Mie. Tara na?" 

Aaminin ko na, pupunta kami sa Marcelo Fernan Bridge kung saan nasa bucket list ko na tatapusin ko yun. Nalaman niya kasi kaya gusto niyang magawa ko yun pero di sana ako papayag pero umiyak ba naman. Anong magagawa ko eh mahal ko eh. Hapon naman ngayon kaya okay lang.

"Ready?" tanong ko sa kanya.

"Ready!!" sobrang saya niya nung pagkasabi niya.

Lord, salamat sa lahat ah. Sobra-sobra na nga ito at sobrang nagpapasalamat din ako sayo at binigay mo siya ay mali pala salamat dahil binigay mo SILA sa akin ang aking mag-iina. Salamat at natupad ko na din ung isa sa pangarap ko at may kasama pa ko. Jackpot na nga to eh.

Hawak kamay kaming naglakad  at nagkukwentohan sa mga nangyari sa amin at gaano ka memorable ng bridge na ito sa amin. Nung nadaanan nga namin kanina yung lugar kung saan siya balak tumalon ay tawa nga kami ng tawa eh.

Konti nlang at nasa paanan na kami ng bridge nang bigla nlang siyang tumigil.

"Aray! Die! Ang sakit!!!" hawak-hawak pa niya yung tiyan niya. Don't tell me manganganak na siya?

"Die!!! Lalabas na si Bridgette!!! huhuhu, ang sakit!!" sigaw niya sakin. Oo babae yung anak namin at Bridgette ang pangalan mula sa bridge yun. Ganyan kahalaga yung bridge sa amin pati pangalan nga anak namin ay dun namin kinuha.

"Yes!!!! Manganganak na ang misis ko!!! Ayyy!! taxi sa hospital bilis!!" ang saya-saya ko tlaga. 9months na po ung tiyan niya. Osya sa susunod nlang tayo magkukwentohan kasi ang sakin na nung buhok ko sa kakasabunot niya kasi sobrang sakit daw eh.

Ay teka nga lang pala..... Ninong at Ninang kayo ah!!!

Sige Bye.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon