Bridge 2

28 1 1
                                    

Pagdating ko sa bahay, andun ung parents ko pati ung little sister ko na si Dara.

"Wow Kuya! Ano yan? Kinidnap mo?" tanong agad ni Dara habang karga ko pa si- ano nga pangalan nito? Si Miss Bridge na nga lang.

Dinala ko agad siya sa kwarto ko kahit alam ko na naguguluhan ung mukha ng parents ko. Hahay, problema na naman 'to.

Bumaba agad ako para kausapin ung parents ko.

"Kuya alam mo? Imbes na bring home the bacon, bring home a girl ung sayo eh!" langyang kapatid talaga oh kung di ko lang mahal to baka kanina ko pa to nabangasan.

"Manahimik ka nga" sabi ko nlang sa epal na si Dara.

" Ma, Pa, magpapaliwanag po ako " pakshit! kinakabahan ako nito ah kahit wala naman akong ginawang masama. Yung reaksyon nila parang galit yata.

"Lagot ka kuya!!" sabay alis ni Dara sa sala. Mas lalo yata akong kinabahan sa ginawa niya. Pusang gala nga naman oh!!

"Kasi ganito yun....Ahmmm, di ko po sinasadya.....pero---" napatigil ako sa sa pagsasalita ng may biglang sumigaw sa itaas.

Dali-dali akong pumunta sa kwarto ko para tignan kung anong nangyari sa babaeng dinala ko.

"Si-sino ka?" tanong niya sakin habang ako nakatayo sa may pintuan.

"Ako yung tumulong sayo nung tatalon ka na sana sa bridge buti nlang at napigilan pa kita kundi deado kana ngayon" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Kahit umiiyak ang babaeng ito ang ganda nya pa rin. Yung namamaga na ung mata tapos ung ilong namumula na at yung buhok medyo messy pero ang ganda pa din.

" Salamat " pagkasabi niya nun ay bigla nlang tumulo ulit yung mga luha nya. Medyo naiinis na nga ako eh hanggang ngayon ba naman umiiyak pa din. Sino bang nagpa-iyak nito? nang siya ang itulak ko siya brigde.

"Tama na yan-- ano nga pangalan mo?" tanong ko sa kanya dahil hanggang ngayon di ko pa din alam.

"Annabeth, ikaw? Salamat nga pla ah" pagkasabi niya nun ay may kahalo ng smile kahit konti.

Kung ganitong nginingitian niya ako baka di ko na papauwiin ito kasi naman haggard na nga ung mukha, maganda na ano pa kaya kung naka-smile na. Maka-laglag panga dre. Letche naman 'tong si kupido, pinana ba naman ako kaya ayun sapul na sapul.

"A-ahmm, Bret  nga pala. Halika sa baba na muna tayo nang maka-inom ka ng tubig at para mapag-usapan natin yang problema mo" tumango lang siya sa sinabi tapos may kasama pang smile.

Annabeth, kung di ka titigil sa kaka-smile mo sakin baka di na talaga kita papauwiin. Hahaha, napakagago ko talaga. May problema na nga ung tao tapos ganito pa ang iniisip ko. Sa tinamaan ako sa babaeng ito eh.

Dinala ko muna siya sa sala kung asan nandun yung parents ko.

"Eto tubig mo" pagkabigay ko umupo agad ako sa tabi niya.

"Bret, ipaliwanag mo nga 'to" sabi ni mama sakin.

Kinwento ko sa kanila kung paano ko nakita si Annabeth at kung paaano ako napunta sa bridge. Yung planong pagtalon niya sana at yung pagsabi kong girlfriend ko si Annabeth. Hahaha, yung mukha niya di ma-explain. Magsasalita pa sana ako nang batukan ako ni Dara.

"Leche! Problema mo ah?" tanong ko sa bwisit na si Dara.

"Kapalmuks mo kuya, sa tingin mo may naniwala na girlfriend mo itong si Miss Beautiful?" bwisit na bwisit na talaga ako sa babaeng 'to eh.

"Pake mo? Wala akong ibang choice eh tapos gwapo naman ako ah" sagot ko nlang kahit medyo naiilang na ako kay Annabeth buti nlang at tumatawa lang siya.

"Tama na nga yan may bisita tayo oh, di ba kayo nahihiya?" sabi ni papa sa amin.

"Iha ano bang problema mo at naisipan mong tumalon sa bridge?" tanong ni Mama sa kanya. Tama nga naman noh? Bakit di ko naisip na itanong sa kanya 'yon.

" Kasi po nabuntis po ako kaso iniwan ako nung boyfriend ko. Di ko alam ang gagawin kung bubuhayin ko ba ung bata o hindi pero di ko kayang pumatay lala na't sa sarili ko pang anak kaya naisipan ko nlang na ako nlang yung magpapakamatay. Mawala man ako kasama ko naman ang anak ko. Pero ang kinatatakutan ko ay yung parents ko na nasa Dumaguete, alam ko ang taas ng pangarap nila sakin kasi only child lang ako kaya natatakot akong madisappoint yung parents ko. Di ko na po alam ang gagawin ko" habang nagsasalita si Annabeth panay ang tulo ng luha niya kaya niyakap ko nlang siya kahit alam kong wala akong karapatan ay iyon lang ang tanging naisip ko na makakagaan ng loob niya at maisip man lang niya na may kasama siya.

Kung kilala ko lang ung lalaking gumawa nito sa kanya baka sinugod ko na 'yun nasapak at baka nga mapatay ko pa. Langya! gagawa ng kung ano-ano pero di pla kayang panindigan. Kabwisit, kaya nagiging masama na ung tingin nga mga babae sa mga lalaki eh dahil sa mga gagong yun pero di naman lahat ng lalaki gago.

Pagkatapos naming mag-usap nun ay napagpasyahan namin na samahan ko siyang ihatid sa kanila at pumayag naman ang parents ko kasi naaawa dun sila sa kanya.

"Bret, natatakot ako baka itakwil ako ng parents ko dahil sa nangyari sakin"

"Wag kang mag-alala, andito ako oh tutulungan kita kaya relax ka lang" nginitian ko na lang siya kasi kitang-kita ung takot sa mata niya.

Pagdating namin sa harap ng bahay nila. NGANGA. Ang laki ba naman, mayaman pala itong si Annabeth kakahiya naman nung dinala ko siya sa kanila. 

"Bret, dito ka muna maupo at kaka-usapin ko na ung parents ko. Andyan lang ang mga maids kung may kaylangan ka" Umalis agad siya ay nagtungo sa isang pinto sa left side at pumasok.

Habang busy ako sa kakatingin sa paligid at kaka-smile sa mga maids ay bigla ko nlang narinig ang pagsigaw ng isang lalaki baka papa niya yun.

"Sino ba yang lalaking nagbuntis sayo?!!! Dalhin mo siya dito para panagutan iyang ginawa sayo!!! Annabeth!!! ano bang pumasok sa kokote mo at nagpabuntis ka?!  Akala ko matino kang babae pero hindi pla!! Ano? Iiyak ka nlang dyan? May magagawa pa ba yung pag-iyak mo na maibalik pa ang lahat? Kung di ka naman tanga at nagpabuntis pa sa isang lalaking iresponsable pa!!" sa mga narinig ko, sobra-sobra naman yata yung ginawa ng papa niya kaya tumayo agad ako at pumunta sa kwarto kung nasaan sila. Bahala na , basta ang mahalaga matulongan ko man lang siya. Aaminin ko tinamaan talaga ako sa babaeng ito. Ganyan naman talaga kung mahal mo ang isang tao di ba? Lahat gagawin mo para sa kanya.

"Sir, I am the father of that child in her womb" with that sentence, isang sapak ang pumunta sa mukha ko at nagkagulo na ang lahat pero di ako lumalaban.

BridgeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon