Once in a while (One Shot)

47 6 4
                                    

Ang pagkakahalintulad ng mga pangalan, tauhan o mga pangyayari ng nilalaman ng storyang ito ay hindi sinasadya ng may akda at ito'y pawang produkto lamang ng kanyang imahinasyon. Hindi ito tumutukoy o kumakatawan sa kahit na ano o sino.

Enjoy reading...

Dedicated to NoOneKnowsTheRealMe. Hello! Belated Happy Birthday sa'yo Dear! Thanks for supporting mwuahugs. Sorry late siya. Pero bumawi ako hindi lang isang chapter ang dedicated sayo, itong buong One Shot na ito para sayo.

<Brett's POV>

"7:30 na, kailangan nasa simbahan na ako...

Ayoko siyang mabigo."

**FLASHBACK**

"Andaya po ni Brett." Sabay pout at agaw ng cellphone sakin matapos kong mataasan yung iscore noon sa nilalaro namin na ako din naman ang nakagawa.

"Ako? Psh. Madali lang yan sakin."

Andito kami ngayon sa sofa ng bahay niya. Naglalaro kami ng Minion Rush. Psh akala naman niya nandadaya ako, magaling ata ako dyan no hahaha!

"Yes! Brett, tignan mo oh! Yehey! Nataasan ko yung iscore mo! Ahahahaha! "

Grabe nataasan lang niya ako tuwang-tuwa na siya. Ibang klase talaga 'tong babaeng to. Hay ang ganda talaga niya lalo na pag tumatawa siya ng ganyan.

"Brett ?"

"Brett ?"

"Bryce Ethan Mendoza !"

"A-Ha? May sinasabi ka ba?" Psh nubayan masyado ata akong natutula dun ah. Kainis.

"Ah wala naman." Tapos tinuon niya ulit yung mata niya doon sa cellphone at naglaro ulit.

"Teka nga, diba ako na dapat ang naglalaro? Akin na nga yan!" Inagaw ko talaga yong cellphone sa kanya eh kasi naman tapos na siya dapat ako na ulit. Sa tingin niyo sino mas madaya samin?

"Brett ! Tingin ka dun bilis! Anu yun oh!?" Sabay turo.

"Ha? Ano? Saan?" Ako naman tingin din dun sa tinuro niya. Saan ba? Wala naman e.

Swish

"Ahahahaha! Uto-uto ka talaga kahit kelan, Brett Ahahaha"

Inagaw niya kasi yung cellphone.

"Sige na nga, ikaw na maglaro..."

Wala naman ako magagawa diba? Nakuha na niya. Siya na muna maglaro.Psh nubayan ang bakla ko parang cellphone lang. Sige okay lang, siya na muna maglaro. Gentleman naman ako.

Nga pala, hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo, ako nga pala si Brett at siya ang matalik kong kaibigan na si Caitlin. Lahat ng gusto ko sa babae nasa kanya na matalino, mabait, maalalahanin at kung anu-ano pang magagandang katangian. Simula ba naman mga bata pa kami eh magkakilala na kami kaya malamang alam ko mga katangian niya. Ako higit sa kaibigan ang turing ko sa kanya hindi ko nga lang masabi ang nararamdaman kong ito dahil natatakot akong baka mawala ang magandang samahan namin at magkailangan kami sa isa't-isa. Para sakin mas mabuti nang hindi niya alam ang nararamdaman ko dahil kahit ganoon nakakasama ko siya at nakakagawa pa kami ng magandang ala-ala kesa naman sa aminin ko sa kanya at tuluyan pa siyang mawala sakin. Hindi naman ako papayag na mawala sakin ang kaisa-isang kaligayahan ko, ganun din naman kayo diba? Pero malay niyo balang araw biglang maiba ang ihip ng hangin at sumang-ayon sakin ang pagkakataon hindi ba?

"Brett ?"

"O-oh bakit?"

"Alam mo napapansin ko kanina ka pa tulala diyan" sabay pout niya.

Once in a while (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon