Kabanata 4

80.4K 1.8K 59
                                    

Ramdam ko ang luhang bumasa sa aking pisngi habang nakatingin kami sa isa't isa.

Ang kanyang mapupungay na mga mata ay unti unting pumikit—and the next thing I knew was his weight already on me.

He passed out.

"He's heavy." umiiling na namaywang si Achi sa gilid ko matapos naming mabagsak si Iñigo sa kanyang kama.

Pinagtulungan namin siyang maiuwi dito sa kaniyang condo. I was not even sure kung dito ba siya tumutuloy o kung kanya pa rin ba 'to at nagbaka-sakali lang ako. Ito kasi ang alam kong pinakamalapit na puwede kong pag-uwian sa kanya.

I still have the duplicate key of this unit kaya kami nakapasok.

"Thanks, Achi." sabi ko nang hindi nakatingin sa aking kaibigan—nanatili ang mga mata ko kay Iñigo.

I gently sat on the edge of his bed. Halos wala pa sa sariling inangat ko ang isang kamay. Then I started stroking his soft hair with my fingers. Kung hindi lang tumikhim si Achi ay makakalimutan ko nang may kasama kami.

"So, balikan ko pa kotse ko." aniya.

I stood up. Kailangan ko ng basang bimpo para kay Iñigo. Bumaling ako kay Achi. "Okay, thanks. Ingat ka." bilin ko.

Tumango siya at dumiretso na sa pinto ngunit napahinto at muling bumaling sa akin para sa isang ngisi. Pinangunutan ko siya ng noo. "What?"

Ngunit nagpatuloy lang siya sa kanyang ngisi. Nilapitan ko na nga at tinulak para tuluyang makalabas sa pinto. "Umalis ka nga, Achilles!"

Agad lang niya akong sinimangutan na bahagya kong kinatawa. Ayaw talaga niyang tinatawag sa buo niyang pangalan.

Bumalik ako sa kuwarto ni Iñigo dala ang isang palangganang may tubig at towel. Muli ko siyang nilapitan sa kanyang kama.

I started taking off his shirt. Pagkatapos ay pinunasan ko na siya. Binihisan ko rin siya ng kinuhang pajamas sa kanyang closet.

Nanatili ang titig ko sa kanyang mukha habang nakaupo parin doon sa kanyang tabi. I lightly caressed his cheek.

Walang gaanong nabago sa kanya. Kung mayroon man ay lalo lang siyang kumisig at gumuwapo. His breathing is normal while he sleeps. He looks peaceful. Bakit kaya siya naroon kanina sa bar... and he's dunk...

Maingat akong bumaba sa kanyang dibdib. I started listening to his heartbeats... I slowly closed my eyes. I miss this—'yong malaya akong nakakaunan sa kanyang dibdib.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa gano'ng ayos.

Nagising nalang ako kinabukasan na tulog pa si Iñigo. I automatically smiled seeing his handsome face first thing in that morning.

Bumangon ako at nagtungo sa kanyang kitchen. Mabuti at mukhang nakapag-grocery naman siya. Pinagluto ko siya ng almusal. I fried some bacon and sunny side ups. I'm still wearing my black tight dress from last night. My hair is into a messy bun. Palagi talaga akong may dalang maliit na itim na pantali sa buhok saan man ako magpunta. Nakasanayan ko na.

Saktong naghahain na ako sa mesa nang siyang pagpasok ni Iñigo sa dining area.

"G-Good morning..." I promptly greeted him—stuttering.

Kita ko ang gulat niya nang maabutan ako doon. At nang makabawi ay umigting ang kanyang panga. Bumilis ang pintig sa aking dibdib. "What are you doing here." he said icily.

Napalunok ako sa nagbabara sa aking lalamunan. Binuka ko ang bibig at ramdam ko ang panginginig nito. "I-Iñigo... Last night..." I tried explaing what happened.

Dahil Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon