Namangha ako nang makitang tinatahak na ng bride ang kahabaan ng aisle ng simbahan. She looks so magical wearing her wedding gown. Hindi na bago sa akin ang nasasaksihan dahil sa trabaho ko ngunit namamangha pa rin talaga ako every time.
Nang tuluyang makalapit sa kaniyang groom ay napangiti ako. It's such a wonderful scenery habang ibinibigay ng ama ng bride ang kaniyang kamay sa groom nito.
"Miss Natalia..." mahinang tawag ng katabi ko.
Nawala ang tingin ko sa harapan at bumaling sa assistant kong si Yvette. May ibinibigay siyang panyo sa akin. Tipid akong ngumiti at tinanggap ito. "Thank you."
Nang mag-exchange of vows na kasi ang bride at groom ay hindi ko napigilang mapaluha. Their vows and promises touched my heart...
"Natalia! Where are you?!"
Napapikit ako sa boses ni Dad na naiinip at halatang galit, mula sa kabilang linya.
"Dad, sorry, papunta na po ako-"
"Hurry at kanina mo pa kaming pinaghihintay rito!"
"Yes, Dad-" Natigil ako sa pagsasalita. I looked at my phone's screen. Right. Binabaan ako ng tawag. I sighed.
"Yvette, mauna na ako." paalam ko sa aking assistant.
Tumango ito at ngumiti. Ang kanyang mga mata ay nagsasabing siya na ang bahala rito.
Bahagya ko siyang kinawayan habang papasok ng aking kotse. Kakatapos lang ng kasal ng isa sa mga malalaki kong kliyente.
I am one of those successful wedding organizers in the country. For the past years ay dito ko lamang itinuon ang sarili...
I parked my car just in front of my father's house. The guards opened its gate for me. Sinalubong din ako ng isang katulong sa malaking pintuan ng bahay. Iginiya ako nito diretso sa dining room.
Naabutan kong nagtatawanan na sila sa long table. Tumayo si Daddy upang salubungin ako. Kitang kita ko ang pag-ismid ni Tita Olga sa akin. Maging ng mga kamag-anak niyang naroon din sa mesa. Humingi ako ng paumanhin sa pagkakalate ng dating.
Lumapit muna ako kay Tita Olga para mabati siya.
"Happy birthday, Tita." I gave her a cheek to cheek kiss pagkatapos ay ibinigay ang regalo ko sa katulong.
Naupo ako sa upuang malapit kay Dad. Hindi nakatakas sa akin ang pag-irap ni Tania na nakaupo naman sa tapat ko. As usual, hindi ko nalang binigyang pansin ang trato ng mag-ina sa akin. I'm used to it anyway.
"So, you handled Mister Gomez's wedding?" nakataas ang kilay na tumingin sa akin ang isa sa mga kapatid ni Tita Olga.
Tumango lamang ako at tipid na ngumiti rito.
Ang tinutukoy nito ay isang kilalang businessman. Featured sa iba't ibang magazines ang kasalan nila ng kanyang bride na anak din ng isang politiko, at maituturing na isa sa wedding of the year.
Nagpatuloy ang mga tao sa hapag sa kanilang pagkain at kuwentuhan. Kahit papa'no ay napanatag ako. Mas mabuting hindi nila ako pinapansinin. Kaysa naman iyong pinapansin nga pero puro naman pang-iinsulto ang abutin ko.
"I put some digits on your account, anak..." ani Dad noong paalis na ako at hinatid niya hanggang sa aking kotse.
Anak. Ang sarap pakinggan. Hindi ito madalas mabanggit ni Daddy kaya naman ninanamnam ko talaga ang bawat pagkakataong nababanggit niya ito. Kagaya ngayon.
I smiled at him."Thank you, Dad."
Tumango siya at hinintay na akong makapasok sa kotse ko at tuluyang makaalis.
After lunch ay nagpaalam narin akong aalis. Iyon lang naman ang hiningi ni Dad. Ang sumabay akong mag-lunch sa pamilya niya at batiin si Tita. Isa pa, I don't see the need of staying there for long. Masyadong halatang ayaw naman nila ako doon.
Anak ako ni Dad sa naging babae niya noon. Anak sa labas.
It was my eighth birthday nang malaman ko. Sinugod kami ni Tita Olga, ng legal na asawa ni Dad ng araw na 'yon. Tinawag niyang pokpok, kabit at kung ano ano pa ang Mama ko. Minura niya ito, sa harap ng mga taong bisita namin para sa sana'y masaya kong birthday party...
Nakarating ako sa aking condo nang tumawag si Ninang Meridel sa isang video call. Matalik siyang kaibigan ni Mama.
"Ninang!" masaya kong bati sa kaniya.
Naalala ko noon. Siya iyong laging nagpupunta sa bahay namin ni Mama noong bata pa ako. Palagi siyang may dalang tsokolate at laruan para sa 'kin.
"Natalia, hija, I miss you!" pauna nito. "How are you?"
Napangiti ako. Iilang tao lang ba ang nakakaalala at naka-miss sa akin.
"Maayos naman po. Kayo po, how's LA?" pangungumusta ko rin.
Ang alam ko ay sa Los Angeles sila nakatira ng kaniyang pamilya.
"Siya nga pala, remember my niece—iyong palagi kong nababanggit sa 'yo?"
Saglit kong inalala bago napatango. "Yes po, what about her?"
I saw her nodded. "Uuwi kasi sila ng kaniyang fiancé sa bansa at dyan nila napiling magpakasal."
Napangiti ako kay Ninang at agad naintindihan. "Wala pong problema." ngiti ko rito.
Hindi ko pa nami-meet in person 'yong tinutukoy na pamangkin ni ninang. Pero ang sabi niya ay mabait raw ito at siguradong magkakasundo kami.
Nang matapos ang pag-uusap namin ni ninang ay binaba ko narin ang cellphone sa aking gilid. Isinandal ko ang likod sa sofa. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking unit.
My mother died when I was sixteen. Breast cancer. Iyon ang ikinamatay niya. Itong condo ay binili ni Dad para may matuluyan ako dahil hindi naman ako pwede doon sa bahay nila dahil sa kaniyang asawang si Tita Olga.
Kinuha ko't niyakap ang throw pillow sa aking tabi. I imagined it was him...
Nang mawala si Mama, pakiramdam ko ay nag-iisa nalang ako. Mag-isa sa tahimik at malungkot na unit na ito. Then I turned to college at nakilala ko siya... I wasn't alone anymore. He made me feel that.
First love. He's just my first love. When he left, may mga katanungang nabuo sa isipan ko. Bakit bigla na lamang siyang umalis? Bakit hindi niya man lang ako pinakinggan? He didn't give me the chance to explain.
Siguro may mga tao lang talagang dadaan sa buhay natin but weren't really meant to stay. Kung ganoon, bakit pa natin sila nakilala? Gayong dadaan lang naman pala sila sa buhay natin at hindi mananatili? Maybe for us to learn. Sabi nga nila, everything happens for a reason.
Maaring isa lamang siya sa mga taong dumaan sa buhay ko. And the reason why we met, kung bakit ko siya nakilala, is for me to learn how to love. How it is when you're in love. Dahil iyon ang ipinaramdam niya sa 'kin.
He made me fall so deep na halos hindi ko na magawang makaahon pa.
BINABASA MO ANG
Dahil Mahal Kita
Algemene fictieMartir. Mahal na mahal ni Natalia si Iñigo na kahit pa nagmahal na ito ng iba at sobra na siyang nasaktan ay naroon pa rin siya para sa lalaki at nanatili. Kahit pa ipagtabuyan siya nito. Kahit pa magmukha na siyang tanga. May tao ba talagang matali...