Sick

16 1 0
                                    

Sabrina

Demi Lovato says give your heart a break.
Pwede bang give my eyes and brain a break too?

Gabi na ng natapos akong mag-tanga tangahan. Nakatulog ako sa kakaiyak.
Biglang nag-ring ang cellphone ko. Di ko pa pala nade-delete ang number niya. Bigla akong kinabahan. Bakit naman ako tatawagan ni Karl?

Kusang gumalaw ang kamay ko. I answered the call. Hindi ako umimik hinintay ko lang na mag-salita siya.

"H-help...."

Napatakbo ako ng di oras. Bakit ganun ang boses niya? Anong nangyari sa kanya? Dasal ako ng dasal habang nagba-byahe papunta sa unit niya. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan. Dali-dali Kong in-enter ang password, oo alam ko! Sinabe niya sakin dati.

Ang kalat sobra. May mga bote ng alak. Tapos basag na mga vase at Plato. Kalat-kalat ang damit at gamit niya. Dumiretso ako sa kwarto niya. Nakita ko siyang nakahawak sa ulo niya. Lumapit ako sa kanya. Shit! Ang taas ng lagnat niya.
Gaya ng ginagawa ng iba pinunasan ko siya at binihisan. Nilinis ko ang kwarto niya at kusina. Habang nagluluto ako ng soup nilinis ko naman ang sala. Natutulog siya nung pumasok ako sa loob. Ginising ko siya. Kailangan niyang kumain at uminom ng gamot. Pinaupo ko siya. Nakatingin lang siya sakin habang hinihipan ko ang soup na ginawa ko.
"Kain ka" Pawis na Pawis ako dahil sa paglilinis. Para akong luka-luka dahil gulong-gulo ang buhok ko.

After ng ilang subo bigla niyang itinulak ang bowl na hawak ko. Natapon yung soup. Naiiyak na naman ako.
"Alam Kong di na tayo babalik sa dati pero hayaan mong aalagaan kita ngayon. Promise pagkatapos nito aalis na talaga ako sa buhay mo" umiiyak ako ng sinasabi ko yan sa kanya.

Nagulat ako sobra. Hinila niya ako para yakapin.
"I'm sorry! I'm sorry! I'm sorry! Tangna! Napaka-gago ko. Ano bang ginawa ko sayo? Ang tanga-tanga ko" nabasa ang balikat ko. Umiiyak si Karl. Totoo ba 'to?!
"I'm sorry! Bumalik ka na please. Sorry, sorry, sorry"
"Sshh. Magpahinga ka na" pinainom ko siya ng gamot at tinulungang humiga. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.
"Matulog ka na. Hindi ako aalis. Promise" sabi ko. Para naman siyang batang sumunod sakin. Sana totoo na 'to at hindi dahil sa may lagnat lang siya kaya niya sinasabi to.

This is my dream. Bumalik na si karl. Bumalik na yung lalaking mahal ko at mahal ako.

Totoo nga....

Reality is better than your dreams.

I Wont Give Up (short Story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon