Sabrina
I love his eyes, but I love my eyes more because without mine, I can't see his.
Nasa moving on stage pa lang ako kaya wag kayong ano. Nakilala ko siya dahil nabangga niya ako tapos tinulungan niya ako sa pag-limot sa mga gamit ko. Basketball player siya yun ang una Kong napansin kasi naka-jersey siya. Attracted ako sa magaling mag-basketball. Nakipag-kilala siya sakin. Ang gwapo niya. Gustong-gusto ko ang mata niya. Parang malulunod ka kapag tiningnan ka niya. Kinuha niya ang number ko. Lagi siyang nagte-text sakin tapos tumatawag sa gabi. Gusto ko sa lalaki yung nagpupuyat maka-usap ka lang. Niligawan niya ako. Sobrang sweet niya, gentleman tsaka possessive. Gusto ko yung ugali niyang ganun. Possessive siya in a way na hindi nakakasakal. Sinagot ko siya sobrang saya pa nga niya eh. Mas lalo siyang naging caring. Mas minahal ko siya.
Then one day bigla na lang siyang nagbago. Naging cold siya sakin. Madalas siyang uminom kasama ang Barkada niya. Hanggang umabot na sa puntong nakikipag-landian na siya sa ibang babae. Tapos eto na nga. Break na kami. Ay! Di pala totally na break. Cool off lang. Uso pa ba yun? Sakin Oo.
Good thing hindi ko pa siya nakikita Simula kaninang umaga. Boom! Kalat agad sa buong school. Langya! Nauso pa kasi ang tsis-mis eh.
Hay. Ano kayang gagawin ko kapag Nakasalubong siya? Maapektuhan kaya siya ng presence ko?
BINABASA MO ANG
I Wont Give Up (short Story) Completed
Cerita PendekHindi maganda ang pagiging tanga. Wala ng gamot para diyan. Sabi nga, sa baliw may Mental pa eh sa tanga wala na. Hindi porket libre eh aaraw-arawin mo na. Manhid ka ba o nagmamanhid-manhidan lang? Nasasaktan ka na, ay Mali! , sinasaktan ka na nand...