Cool off

12 0 0
                                    

Sabrina

Move on? If only it was that easy.

Nagdecide na ako. Mahal ko siya pero kailangan ko lang ng pahinga. Kung sakaling pwede pa kami hindi ako magda-dalawang isip na balikan siya.

Nandito ako sa harap ng unit niya. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Karl na may hinahalikang babae. Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko kaya.

"Bye babe. I really enjoyed your body last night" sabi nung babae. Masakit pa din. Ilang beses ko na siyang nahuhuli na may kasamang iba pero hindi na ako nasanay. Sa tuwing maiisip ko na may nangyayari sa kanila ng babae niya hindi ako maka-hinga.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin pagka-alis ng babae. Parang walang nangyari. Bakit ngayon ko lang na-realize na ang samang tao netong kaharap ko?
"Ahm. Gusto kitang maka-usap" sabi ko. Pinapasok niya ako sa loob ng unit niya. Ang kalat pa din. Nililinis ko 'to tuwing weekend pero baka hindi na ulit.
"Gusto mo ng juice?" Tanong niya. Ngumiti ako.
"Huwag na"
"Ano ba yung Sasabihin mo?"
"Karl.... Mahal kita... let's end this relationship" sa tingin ko Ito ang tama sa ngayon. Isa pa, kailangan Kong mag-focus sa pag-aaral. Naapektuhan na kasi ang grades ko.
"What?! You love me but you're breaking up with me?!" Sigaw niya sakin
"Yeah. Cool off muna tayo"
"What the hell Sab?!" Naiiyak ako. Bakit ba umaasta siyang ayaw niya? Eto na nga yung gusto niya eh, pinapalaya ko na siya.
"Don't make this harder for me" pagmamaka-awa ko.
"Bakit ka ba nakikipag-break?!" I need to be strong. Kailangan ko na 'tong gawin. Hoo! Besty Kara magdiwang ka na! Ginagawa ko na ang gusto mo. Tumayo ako at tumalikod sa kanya.

"Gusto mong nalaman ang dahilan?! Sige! Sasabihin ko! Boyfriend pa ba kita? Hindi ko maramdaman eh. Sobra mo na 'kong sinasaktan. Sa tingin mo okay lang sakin na lumandi ka sa iba? Ang Gago mo lang! Minsan harap-harapan pa! Ang Sakit eh. Girlfriend mo 'ko pero kahit isang I Love You hindi ko narinig sayo! Laruan mo ba ako? Inuutus-utusan mo lang ako! Hindi mo 'ko yaya. Tao ako! Mahal kita eh pero bakit mo ko ginaganito? Isa lang din ba ako sa mga babae mo? Sabihin mo nga, bakit parang wala lang ako sayo?! Ako lagi ang umiintindi! Ako lagi ang nagpa-pasensya! Ibang-iba ka na! Bakit?! ha?! I'm so tired! I'm so fvcking tired of crying and feeling so much pain!" Iyak lang ako ng iyak dun. Ito ang sinasabe ng utak ko pero hindi ng puso ko.

Tahimik lang siya. Nagulat ba siya kasi nakaya Kong sigawan at murahin siya? Hindi ako ganito. Nagtatakbo ako palabas.

Tapos na. Malaya na siya.

I Wont Give Up (short Story) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon