Chapter 2: LanceDi ko na siya nakita. Di ko man lang nalaman na bumaba na pala siya. Kainis naman kasi bakit di ako sa bahay nagsulat sa diary! Pero look at the bright side. Kyaaaa! I don't care kung muka akong blank na nakangiti habang lumalakad pauwi. Kasi naman ang gwapo niya! Ngayon siya na ang first crush ko! Never akong nagkainteres sa lalaki. Ngayon lang! Promise!
"Ma!" Sabi ko. Kahit nasa labas pa lang ako ng bahay. Ang baliw ko diba!
"Hi kuya guard!" Sabi ko sa guard na nasa labas ng gate namin. Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pumasok na ako. Nasan kaya si Ma?
"Ate Jody! Si ma, nasan?" Tanong ko sa kasambahay namin.
"Nasa taas po."
"Sige! Salamat!" Sabi ko at napiyakap siya. Wala lang masaya lang ako. Kyaa! Naalala ko na naman siya! Tss. Sayang talaga nawala na siya! Tatanungin ko pa sana kung anong pangalan niya.
"Maaaaa! Homey na meee!" Sabi ko habang kumakatok sa pinto ni ma.
"Ky naman wag ka masyadong maingay! Nakakahiya sa kapitbahay!"
"Ma, soundproof naman bahay natin diba!"
"Of course! Matalino ang maganda mong mama eh! Alam ko kasi, nung bata ka pa lang na pag antok ka, may ginagawa kang kabaliwan! Kaya ayan! Tss."
"Shh ka lang Ma deepest secret ko yun eh! By the way, Ma, nakita ko na siya!" Sabi ko pero namutla naman si ma sa sinabi ko.
"S-sino?"
"Sino pa ba? Yung the one ko ma! Nakita ko na siya!" Nakakita naman ako ng relief sa muka ni ma. Ano kayang iniisip ni ma?
"Weh?"
"Kasi ma, nagtry akong sumakay ng MRT. Eto nga oh bumili ako ng card!" Sabi ko at pinakita yung card. "Tapos nung naghihintay ako ng MRT, nakita ko siya. Ang astig nga niya eh! Tapos nung pumasok na kami, pareho kaming walang upuan! Destiny yun ma! DESTINY! Pero yun nga lang...nawala siya bigla. But on the bright side! Nakita ko na siya! At hahanapin ko siya!" Sabi ko with determination. Pero si ma, tumatang tango lang tapos biglang inagaw yung phone ko.
"Your response was pretty quick! But grounded ka pa! Don't you remember?" Sabi niya. Shoot! Grounded pa nga pala ako! Nagpretty eyes ako kay ma.
"Ma, pwedeng pag nahanap ko na lang siya saka mo ipagpatuloy yung pagkagrounded ko. Plus, three days dahil kailangan ko siyang kilalanin. Plus, one week para maging friend ko siya. Plus, one month para gawin niya akong girlfriend. Pretty please!" Tanong ko pero pitik lang sa noo ang natanggap ko.
"Awww."
"Your imagination is pretty big. Gagawin mo pa akong bloopers. Hindi! Grounded ka parin! No gadgets! No TV! No credit cards! Less allowance! Wala lahat! Except na lang pagpapasok ka pwede ang cellphone! Cellphone only! At... May gusto lang akong idagdag..." Sabi niya pero natatakot ako sa sunod niya sasabihin. "And 5:00 is your curfew."
What?!
Eh paano ko pa siya mahahanap?! Huhu help me! Anyone?
***
Lance's POV
Isinuot ko yung card ko sa gateway ng MRT. Di ko trip magdrive ngayon. Sumakay na ako ng elevator. Pagkasakay ko sinarado ko na agad ang pinto. Buti na lang at nasolo ko yung elevator.
Nakapila ako ngayon sa MRT. Asar! Ang haba ng napilahan ko! Tapos ang daming space sa harap, ayaw umipod! Tss. Mas mabuti pala kung nagpasundo ako! Pero ayoko ng may kasama ngayon! Nagpumilit lang tong lalaking kasama ko ngayon!
"Hoy! Ano na namang nakain mo?" Heto na naman siya! Ang kulit! Peste!
"Halimaw."
"Wow! Totoo pala yun!" Sabi niya at parang nagiisip kung anong itsura ng mga yun. Napakaisip bata naman nitong kasama ko! Pasalamat siya at best friend ko siya kung hindi baka kanina pa ako nakapagtimpi.
"Oo na!" Pagkatapos kong sabihin yun bigla akong nakaramdam ng malakas na hangin. Nandiyan na ang MRT. Inunahan ko na yung mga tao sa pagpasok. Pero wala! Wala akong nakuhang upuan! Peste! Kung di talaga ako dun pumila!
Nakakainis! Ang sikip pa! Ano to last ship?! O overpopulated lang talaga ang lugar na to?! Kinulbit naman ako nung kasama ko. Hindi ako tumingin kukulitin lang ako nito! Pero sunod sunod na kulbit ang nakuha ko kaya....
"Ano ba?!" Sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.
"Sorry naman!" Sabi niya at nagpeace sign at nagpacute. Naiirita lang ako! "May kanina pa kasing nakatingin sayo na chix! Check it out bro!" Sabi niya at tinuro yung babaeng nagsusulat. Pati ba naman sa MRT magsusulat siya! I mean I don't know her but pwede naman siyang magsulat pagkababa dito! Gumagewang gewang din siya! Napatawa ako pero napatigil nang marealize kong nandito pa yung alien kong kaibigan. Tumingin ulit ako sa babae.
Tch. Pwede na.
Pinipilit kong hindi matawa. Pero hindi ko talaga kaya. Kaya tumungo ako at mahinang tumawa. Hindi ko din mapigilan na hindi ngumiti. Halata namang hirap na hirap siyang magsulat but she still pursued.
"Woah!" Napatingin naman ako sa alien. "Ngayon lang kita nakitang tumawa sa babae! Magpapamisa na ba ako? Dream come true?!" Sabi niya at nagtatatalon pa. Pag may nagtanong sakin kung kilala ko yan, sasabihin kong takas mental yan. Pero nagulat akong hatakin niya ako sa kabilang side. Madaming tao dito pero nakaya ko parin siyang makita. Magkatapat na ngayon kami. Nakita kong tumingin siya sa side kung saan nandun ako, kami kanina.
Tama nga si Derrick. Nakatingin siya sakin. Kasi ngayon hinahanap niya ako. Hindi ko alam kung totoo, pero nakakita ako ng kalungkutan sa mata niya. Tumungo siya. All the way nakatungo lang siya minsan sumisilip siya sa pwesto ko kanina tapos iikutin ang paningin tapos tutungo ulit. Hanggang sa tumigil ang MRT.
Lumabas siya kaya sinundan ko.
"Huy! Hintayin mo ako!" Sigaw ni alien. Tss. Pag ako nahuli nito, humanda siya sakin. Hindi ko siya pinansin at sinundan yung babae. Ewan ko pero I have this urge na gawin to. Nasa gateway na siya. Pupunta sana ako dun nang may humarang. Putek! Bakit ngayon pa?!
Hinagilap ng mata ko ang babaeing yun pero hindi ko siya makita. Napahilamos ako ng mukha! Teka bakit ba frustrated na frustrated ako? Tss. Bahala na yung babaeng yun! Dumaan ako sa gateway na dinaanan nung babae pero may natapakan ako. Psh. Nilimot ko ito.
Hmm mukang hindi pa ito ang huling pagkikita namin....
Ms. Kylie Eunice Mercedes.
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Swag
Teen FictionPaano mo hahanapin ang taong isang beses mo lang nakita? ....... Hope you like this story!