Chapter 4: Escape"Ma, naman!" Sabi ko at lumapit sa kanya. "Joke lang naman yun! Diba ate?" Sabi ko at tumingin kay ate ng masama.
"Nope! Nakuha ko na nga yung cheque eh!" Sabi niya at pinakita yung cheque. "Kaso nagpaalam ako kay tita. Sorry ka!" Sinimangutan ko siya.
"Madaya ka!" Sabi ko at umirap pero nagbelat siya sakin.
"Hay nako kang bata ka! Napaka tigas ng ulo mo!" Sermon sakin ni ma.
"Ma, may gusto lang kasi akong hanapin!"
"Yung lalaking nakilala mo sa MRT?" Tumango ako. "Itigil mo na yan! Kundi lalong hahaba ang pagkagrounded mo!" Lumakad si ma palagpas sakin.
"Ma!" Padabog kong sabi. Humarap siya sa kin.
"Don't try me, kylie." Sabi niya at umakyat sa hagdan. Nagulat naman ako nang pumalakpak ang ate ko!
"Yun oh! Rhyming!" Sabi niya. "Don't try me, kylie!" She said mocking my Mother's voice. Inirapan ko siya at nagflip ng buhok at umakyat na sa taas. Galit ako sa kanya! Galit!
***
Nakakabadtrip yung nangyari kahapon. Kaya eto ako ngayon, tinutorture yung pagkain ko. Ngayon lang ako kakain ng lunch, ngayong hapon! Kabad trip kasi!
"Why the long face? Kanina pa yan ah!" Sabi ni kie na kakasakay lang ng kotse ko. Yeah right! My car! Pero hindi ako ang nagdadrive! Naghire si ma ng driver ko. Tss. Bantay sarado ako ngayon. Di nga ako makalayo kahit limang footsteps man lang. Sa cr lang ang exception. Kahit sa classroom, nakabantay!
Nagring yung phone ko.
"Anong kailangan mo?!" Sigaw ko sa kabilang linya. Bad trip nga ako eh!
[Chill. Tama nga si Nikki! Badtrip ka!] Napahinga ako ng maluwag nang marinig ang boses niya. Mas ok pa to kesa kay kie eh!
"Grounded na grounded kasi ako! Like I have my car but at the same time, I have a driver! You know how hard it is?! Sobra!"
[Nalaman ko din kay tita na grounded ka. So...] Naexcite naman ako sa susunod na sasabihin niya.
"Ipinaalam mo ako kay ma?" Excited na sabi ko.
[Nope.]
"Itatakas mo ako sa driver ko?" Bulong ko dahil baka marinig ng driver ko.
[Nah!]
"Eh ano?!" Nakakainis! Paasa naman eh!
[Magiging kasama mo na ako sa pagkagrounded mo! Grounded din kasi ako! Yehey!] Masaya pa siya ah! Tss. Paano ako ngayon makakapunta dun?
Wait..
Aha!
Light bulb!
"Ry! Grounded ka naman di ba?"
[Kasasabi ko lang. Tch! Pero hindi kasing higpit nung sayo! Walaa kong driver at the same time, wala akong kotse.]
"Pero pwede ka namang pumunta kahit saan diba?"
[Yeah! Curfew lang ang meron ako!]
"Sige punta ka sa Mall na malapit sa D's Academy. Kita tayo dun. Text na lang kita kung nasan kami! Bye!" Sabi ko at pinutol na ang linya. Magtatanong pa yun!
"Kie, punta tayo sa mall ha!" Sabi ko.
"Ano namang gagawin natin dun?" Sabi niya at sasagot na sana ako nang putulin niya. "Itithird wheel mo ako! Kasi magdadate kayo ni Ryder!"
Binatukan ko siya. "May plano ako."
"Ano?" Hindi ko siya sinagot sa halip ay....
"Kuya daan tayo sa mall bago umuwi ah! May bibilhin lang ako sa department store." Sabi ko at sinara ang lunch box ko. Kyaa excited na ako!
Nang makarating kami sa mall ay tinext ko si Ryder. Nandito na din daw siya. Hinula ko si kie papuntang department store. Iniwan namin yung driver na nagpapark. Tumakbo na agad ako habang hila hila tong babaeng to! Alam kong makikita din kami ng driver ko pero at least maka punta lang ako dun!
"Kie, ikaw muna ang magbayad ah! Babayadan kita kapag nakuha ko na ang allowance ko! At kapag hindi na ako grounded." Sabi ko.
"Anong babayadan?"
"Lahat ng bibilhin natin!"
"Ano?"
"Damit, sapatos, relo, bracelets at wig! Basta kahit anong pang disguise!"
"What?!"
"Tatakas tayo!" Bulong ko sa kanya. "Kaya kumuha ka na ng kahit ano na hindi tayo mahahalatang tayo. Hihintayin din natin si------" Naputol ang bulong ko sa kanya nang....
"Kylie!" Napatingin kami sa umimik. Si Ryder pala! Hinila ko siya papunta samin ni kie
"Buti dumating ka! So ganito ang plano....." Sabi ko at ibinulong sa kanila yung plano. Napalaki ang mata ni Ry.
"No! No! No!" Sabi niya. "Ayoko! Ayoko!" Napatakip naman ako ng tenga ko. Nakacatch na nga din kami ng atensiyon ng iba eh! Napakaingay talaga ng lalaking to!
"Wala kang choice!"
"May choice ako! Uuwi na ako!" Sabi niya.
"Ako din kie! Bahala ka sa buhay mo! Naiwan na yata yung utak mo sa kotse ko kahapon sa bilis ng pagpapatakbo ng driver ko!" Sabi niya. "Ah basta! Baliw na lang papatol sa kalokohan mo!" At sabay silang tumalikod. Aba! Pareho kong hinagip ang collar nila. They can't get away from me. Never!
"You have no choice!" Sabi ko at tinulak sila sa pinakamalapit na dressing room which has 5 rooms pero kami lang ang nandito. Pinapasok ko sila diyan.
"Maghintay lang kayo diyan!" Sabi ko at bumalik sa mga damit na nandito. Ako na lang ang pipili para sa kanila. I pick as fast as I can. 10 minutes lang yata ako kumuha! Pumunta na ako sa cashier at binayadan ito. But...
"Miss, pwede na po bang suotin ito pagkabayad. May nangyari po kasi sa mga kaibigan ko. Can it be? Baka habulin kami ng guards mamaya?" Sunod sunod na sabi ko matapos kong bayadan. Gamit ang card ni kie. Good thing I know her passcode! Pero dapat pala nagtagal pa ako! Libre kaya to!
"Opo naman po!" Sabi niya then I mouthed her thank you. Bumalik ako sa dressing room at ibinigay yung mga pinamili ko. Hindi maalis ang amazement at inis sa mga mata nila. And now their eyes grew larger.
"You're really kidding me!" Hindi makapaniwalang sabi ni Ry. "Akala ko ba magkaibigan tayo?"
"Oo nga kie! How can you do this to me?!" I rolled my eyes at them and stick my tongue. Napatingin muli ako sa kanila at mukang may binabalak silang masama kaya agad akong pumasok sa isang vacant room. Tss. It's not my fault kung mapagkamalan silang baliw. I'll just tell, I had an amnesia.
"KYLIE!!"
BINABASA MO ANG
Finding Mr. Swag
Teen FictionPaano mo hahanapin ang taong isang beses mo lang nakita? ....... Hope you like this story!