Chapter 3:

22 2 0
                                    




Chapter 3:

Waaaaaaaaaaaa!

Halwat dito! Tapon doon! Tingin dito! Hanap doon! Kyaaa!

Paano ako makakapasok ngayon? Kung wala akong...

"Waaaa! Yung ID ko nawawala!" Sigaw ko. Gusto kong magwala! Waa bakit ngayon pa?! Pwede namang yung wallet ko ang mawala! Ay hindi pala pwede! Grounded nga pala ako kaya kailangan kong magtipid! Waaaa yung id kooo!

"Hoy! Ang ingay ingay mo na nga kagabi, magiingay ka pa ngayon!" Sabi ng nakasilip kong pinsan sa pinto, si Maybelle. Kararating lang niya kagabi. Yun yung dahilan kung bakit ako pinapauwi ng maaga ni ma.

Tss. Papagawa na nga lang ulit ako mamaya. Pero kailangan ko ng pera.

"Ate...." Sabi ko at nagpuppy eyes.

"Hindi mo ko madadaan sa paganyan ganyan mo kylie! Spill na!" Sabi niya at kinalikot yung phone niya. Ang aga aga yun yung kaharap niya! Bat di kaya siya maghanap ng Boyfriend katulad ko!

"Ate.....please..."

"Ano nga?!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Tss. Nagulo ko lang yan sa pagtetext niyan!

"Highblood masyado! Wag na nga!" Sabi ko at ibinalik yung nagkalat na notebooks at books sa sahig. Naghalwat nga ako diba? Kaya ayan, makalat.

"Just tell it." Sabi niya ng mahinahon.

"Eh kasi ate, kailangan ko ng pera." Sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Hahaha! Naalala ko nga pala! Grounded ka sabi ni Tita! Hahhaha!"

"Sige tawa pa!" Sabi ko. "Kailangan ko nga kasi ng pera ate eh!"

"Tapos?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ate naman!" Sabi ko. "Wag na nga lang!" Bumalik na lang ako sa paglalagay ng gamit ko sa bag.

"Saan mo nga kasi gagamitin?" Pagpipilit niya. Tapos biglang napalaki ang mata niya. "Oy! Baka naman nagbabar ka ha! Isusumbong kita kay tita! Tingnan mo!"

Pinalo ko naman siya ng unan. "Hindi noh!"

"Eh ano nga!"

"May hinahanap kasi akong tao!"

"Tss! May mata ka naman di ba!" Sarcastic na sabi niya.

"Di ganun kadali yun ate!" Sabi ko at umupo ulit sa tabi niya. "Ang tao kasing hinahanap ko hindi ko kilala."

"Ano?! Eh paano mo hahanapin?" Tanong niya.

"Yun na nga! Kailangan ko ng investigators! Kailangan ko ng pera!" Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga naman siya.

"Now that I know your intention, bibigyan kita ng 100, 000" napatakap naman ako sa saya kay ate.

"Thank you! Thank you ate!" Sabi ko at pinisil pisil yung pisngi niya.

"One last question na lang talaga." Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. "Bibigyan kita ng additional 400, 000 kung masasagot mo to!"

"Anong nangyari sayo at gusto mong mahanap ang taong to!"




"Nalove at first sight ako ate!"

"Weh?"

"Akala ko ba yun na ang one-last-question mo?" Sinamaan niya lang ako ng tingin. At tumayo.

Finding Mr. SwagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon