Chapter 10

19 0 1
                                    

Of smiles and crushes

For Sangsang 💖

---
Kinabukasan || Friday

"My God, Cassy! You're so dense!!!" biglang sigaw ni Frances pagkalabas ng mga kaklase ko sa classroom para pumunta ng canteen dahil lunch break na.

"Anong problema mo? Anong dense ka diyan?" takang taka na tanong ko sa kanya. Wala akong maalala na may ginawa akong kung ano para tawagin niya akong dense.

Cold ako, oo. Pero dense? Nah.

"Naka-glue na yata ang mata ni Gene sa'yo. He's been stealing glances at you the whole morning. Ikaw naman 'tong si bato, hindi makaramdam."

Biglang naalala ko na naman 'yung nangyari sa mga mornig classes namin. Bwisit na GF 'yon! Ang hirap kayang hindi lumingon sa kanya lalo na't alam kong nakatitig siya sa akin. Nagka-stiff neck pa nga yata ako e. Ugggh.

"Hindi 'yun sa akin nakatingin no. Tantanan niyo ako ni Kier sa pagma-match niyo sa amin nung mabahong pangit na 'yon ha? Kahit pa maganda siyang ngumi---"

OH FVCK.

Frances' grin grew wide. Shit. Ayoko pag ganito ang ngiti niya. Iuntog ko kaya siya para makalimutan niya 'yung sinabi ko? Hehe. Joke.

"Ano ulit 'yon, Cassy? Maganda siyang ngumiti?" she asked, scrutinizing.

"May sinabi ba akong ganon? Hahaha. Anong sinisinghot mo ha?! Tigilan mo na 'yan, Franz. Si Duterte na presidente natin. Baka ipapatay ka non."

"Don't me, Cassandra ha!!! Dinig na dinig ko ang sinabi mo at malinaw na sinabi mong maganda ang ngiti ni---"

"Uy, sino? Sino? May crush na ba ang muse natin?" biglang singit ni Kier na kakapasok lang ng classroom, kasunod nito ang mabahong pangit na si GF.

Shit naman e!!!!! Jinojoke ba ko ni Tadhana?! Bwisit!

"Wala! Tsismoso mo ha!" mabilis na sagot ko bago pa makasagot si Frances. "Di ba, Cess?" pinanlakihan ko siya ng mata, asking her to support me.

Nalito pa ang lola niyo kung kanino siya kakampi: sa manliligaw nito o sa akin. Kainis!!! Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin bago siya sumagot ng, "Ah, oo. Wala."

"E sino yung may magandang ngiti?" tanong ulit ni Kier. Kulit nito! Sarap lagyan ng aspalto ng bibig.

"Wala. Si ano lang... si Steph Curry."

Fortunately, Kier bought the story at umakyat ang hype niya nung basketball na pinag-usapan.

Si GF naman tahimik lang na umupo sa desk at nakikinig sa endless kwento ni Kier about sa greatness ni Curry.

Whew! Akala ko mabubuko na ako e. Juskolord. Baka ano pa isipin nitong si GF kapag nalaman niya na naggwapuhan ako sa ngiti niya. Sa ngiti lang ha! Di sa mukha. No more, no less.

E bakit defensive masyado?

Kainis!!!!

"Nga pala, early dismissal later," announced by Frances. "May emergency meeting ang faculty and staff kaya 2pm dismissal natin today."

"Yes!!! Early dismassal means more tulog for me," tuwang tuwa na sabi ko. Sa wakas makakabawi na rin ng tulog. Thank God it's Friday, Friday!!!! Sarap kantahin ng kanta ni Rebecca Black. Woohoo!!!

Frances: No, no, no. Walang uuwi agad.

Me: But why?!!!

Frances: Nuod tayo sine, please, Cassy? Di ko pa napapanuod 'yung Just the 3 of Us. Alam mo namang si John Lloyd lang ang lalaking iniirog ko.

BAD BOY MEETS BAD GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon