HATID
ALYANNA
I was left standing there with GF nang maglakad na papuntang gate sina Frances at Kier.
"Hindi mo na ako kailangan ihatid, Ghost fighter. Kaya ko sarili ko."
I don't want to be alone with him after ng Hindi-ako-naaattract-sa-lalaki-So-babae-ka drama niya. It's not that I'm affected. But... Grr. Ibang klase kasi mag-joke 'tong alien na 'to e.
"Kapag sinabi kong ihahatid kita, ihahatid kita."
"Hindi na nga kailangan." Ang kulit. Tsk!
"Kailangan. Baka ano pang mangyari sa'yo." Pag-i-insist niya.
"Sanay naman ako umuwing mag-isa. Araw-araw ganon. Kaya hindi mo na ko kaila---" Hindi pa ko tapos magsalita ay sumabat na siya.
"Simula ngayon hindi ka na uuwing mag-isa."
HUH?!
Pagkasabi niya non ay tinalikuran na niya ako at naglakad papuntang parking lot.
"Hintayin mo ako diyan. Kukunin ko lang yung motor ko." Liningon niya ako at tinignan nang may halong banta sa kanyang mga mata. "Wag kang tatakas, Cassandra." Saka siya naglakad ulit.
Paano pa ako tatakas e eto at sobrang stunned ako. Di ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng lalaking 'yon. At parang di ko na rin maintindihan ang tibok ng puso ko. Para akong nag-jogging ng 10 kilometers sa sobrang bilis ng kabog nito. Kaba ba 'to o... Piniling ko ang ulo ko. Wala. Wala 'to.
Huminga na lang ako ng malalim at pinaypayan ang mukha ko. Ang init bigla. Ugh!
Sa ganoong state ako inabutan ni Ghost fighter pagkarating niya.
Here he is, looking mighty and badass while riding his motorcycle.
Tangina. Lalong uminit. Shit naman o!
"You looked flushed."
Shit. Napansin niya!!!
"Malamang ang tagal mo. Naarawan na ko dito. Tsk! Sayang ang kojic!" Pagdedepensa ko.
"E bat di ka sumilong? Tange." Inirapan ko siya pagkasabi niya non. "O heto." Sabay abot ng helmet niya sa akin. "Isuot mo."
"Huh? E paano ka?" Inabot ko ang helmet at sinuot agad para di na niya mapansin ang mukha ko. Nakakahiya!
"Isa lang helmet ko, Berto. Di ko kasi naisip na darating 'yung araw na may isasakay ako dito e."
WHAT? So ibig sabihin...
"Ako pa lang ang maisasakay mo diyan..." I muttered unconsciously.
"Right."
Buti na lang talaga at sinuot ko kaagad ang helmet kung hindi mapapansin pa lalo ni GF ang pagkukulay mansanas ng mukha ko.
Shit. Ano bang problema ko? Ugh.
"Sakay na." Aniya saka niya tinapik ang espasyo sa likod niya.
"Marunong ka ba talagang mag-drive? Baka mamatay ako ng di oras ah!"
"Tiwala lang, Berto."
"Pag nagalusan ako kahit one centimeter lang, ililibing kita ng buhay!" Pagbabanta ko sa kanya.
"Trust me. You'll be fine."
Tss. Fine. Sumakay na ako sa likod niya at inayos ang upo ko.
"Wag mong masyadong bilisan ah!" Paalala ko sa kanya. "Gusto ko pang mabuhay ng matagal."
"Wag kang matakot. Di kita pababayaan."
Tangina namaaan. Ano bang pinagsasasabi ng kurimaw na 'to. Ugggh!
"Kapit, Cass."
Wala na akong oras pa para pag-isipan kung kakapit ba ako o hindi dahil agad niyang pinaharurot ang kanyang motorsiklo. I was left with no choice but to cling to him dahil ayoko pang mamatay.
Ang normal na twenty minutes na byahe ko mula eskwelahan hanggang bahay ay biglang naging parang ten minutes na lang dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Eugene.
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa bahay kundi lang siya tumuwid ng upo. Sa buong oras kasi na nasa byahe kami ay nakakapit lang ako ng mahigpit sa katawan niya at nakapikit dahil sa kaba at takot.
Ito ang unang pagkakataon ko na makasakay ng motorsiklo kaya parang sasabog ang puso ko sa kaba. Parang pakiramdam ko ay ikakamatay ko iyon. Tingin ko ito ang pinakadelikadong type of vehicle kahit na sabihin pa nating may helmet ang mga riders.
"We're here." Anunsiyo ni Eugene. "This is your house, right?"
Kumalas ako sa pagkakakapit sa kanya at bumaba. "Yes. How did you know? 'Di ko naman tinuro sa'yo ha? Stalker ba kita?"
Pinagmamasdan niya lang ang bahay namin at hindi sumagot agad.
"How's my driving?" tanong niya bigla. "Natakot ka ba?"
"Ako unang nagtanong e! Tss."
"Are you still going to ride with me?" Pang-iisnob niya pa rin sa tanong ko.
Gago 'to ah. Imbes na sagutin ang mga tanong ko ay nagtatanong din siya sa akin. Sarap bugbugin!!! Lord, patience pa po please.
"No. This is the last time that I am going to ride with you. I almost died of heart attack because you were driving too fast."
Napasimangot siya. "Mabilis ba masyado? Nabagalan pa ako doon, Berto."
What the fuck?! Napatunganga ako sa kanya. Mabagal pa 'yon sa kanya? E pano pa pala kung yung intindi na niya ng "mabilis" ang pagpapatakbo niya? Liliparin na lang siguro ako ng hangin.
"Tsk. Mabagal pa ba 'yun e muntik ng humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko." Naglakad ako palapit sa gate namin. "Salamat sa paghatid, Eugene. Ingat!"
"Di mo ako iimbitahing pumasok?"
"Di."
"Walang thank you kiss?"
Ano daw?!!! Sinikap kong di lumingon dahil baka mapansin na naman niya ang mukha ko.
"Wala!"
"E goodbye kiss?"
"Wala nga!"
"Ingat kiss?"
"WALA! WALA!"
"E yung helmet ko ayaw mong ibalik?"
"AYO--- Huh?" Hinawakan ko ang ulo ko. True enough, I'm still wearing his helmet. Shit! Di ko man lang napansin. Nakakahiya. Shit!
Inalis ko ito agad at ibinalik sa kanya. Nakita ko ang nakakaloko niyang ngiti.
"Akala ko di mo na ibabalik e. Kung gusto mo ng souvenir para may inaamoy-amoy ka tuwing gabi, sabihin mo lang. Willing ko maman ibigay sa'yo." Aniya saka siya tumawa.
Aish! KAIRITA!
Sa sobra inis ko ay nasuntok ko siya sa mukha. Napaawang ang labi ko nang makita kong mukha siyang nasaktan sa ginawa ko. At nawalan ako ng kulay sa mukha nang makita kong nag-spit siya ng dugo.
"Aray ko naman, Cassandra. Di ko alam na nagiging bayolente ka kapag napipikon." Walang halong galit ang pagsasalita niya. In fact, mukhang amazed na amazed pa siya. And that made me feel guilty.
"Sorry."
"Okay lang. Kasalanan ko rin naman e. Sige na, una na ko. Bukas na lang." At sinimulan na niyang paandarin ang motorsiklo niya.
"Eugene..."
Nanlaki ang mata niya nang marinig niyang tinawag ko siya sa pangalan niya. "Hm?"
Bahala na kung tama o mali ang desisyon ko pero ayokong ikamatay ang sobrang pag-iisip dahil sa guilt ko.
"Pasok ka muna. Gamutin natin yan..."
Napangiti siya ngunit agad ding nguniwi nang siguro'y maramdaman ang sakit na naidulot ng suntok ko.
BINABASA MO ANG
BAD BOY MEETS BAD GIRL
RomantizmLove? No comment. Wala pa akong paki sa love love na 'yan. Lahat ng alam kong in love, they ended up crying because they were hurt by the one they love. Kaya bakit pa ako magmamahal kung sa bandang huli e masasaktan lang din ako? Wag na 'no. Wala ak...