(LUIS)
Hinagis nanaman niya lahat ng gamit sa lamesa ko. Hindi ba niya alam na pinaghirapan ko idrawing yung mga plans dun at pinilit kong gawing malinis yung solutions at ipapasa ko yun sa fair next week bilang project ko.
"Freak!" sabay hablot niya sa bag niya at padabog na lumabas.
Alam ko naman na hindi siya sa akin galit. Galit siya kasi pinilit siyang magpakasal sa katulad kong weird, nerd, freak... at kung ano ano pang tinawag niya sa akin. Hindi rin ako nakikipagkaibigan dahil hindi ako mahilig sa tao. Pinagbubuntudan lang niya ako ng galit niya kasi hindi ako tumulong na tumutol sa kasal.
Pinulot ko yung mga gamit ko na maayos pa naman nang biglang bumukas ulit yung pinto at galit na galit siyang sumilip. "What's with that damn project ba?!"
Mabait naman si Drew. Kapag inaaway niya ako at hindi ako sumasagot, bumabalik siya kasi naguiguilty siya. Ilang gabi rin naman kasi niya akong nakitang naghihirap magtrabaho. Paminsan naiinggit ako sa kanya, wala siyang ginagawa kung hindi magpakasaya. Ni hindi niya nga naiintindihan yung mga tinuturo ko sa kanya. Gabi na siya umuuwi at minsan nakainom pa siya. Saka magaling siyang makipagkapwa tao kaya madaling mapalapit ang iba sa kanya.
Samantalang ako, eye contact palang sumusuko na.
"Ipapasa ko kasi ito bukas." bumuntod hininga ako. Imbos na matutulog na ako nadagdagan pa ang gagawin ko. Hindi ba niya naisip na madaling araw na at kailangan ko bukas umalis ng 5am?
Pero hindi ko naman kaya magalit kay Drew. Pumasok siya ng marahan at tinulungan akong ipatong ulit sa lamesa yung mga gamit.
"I'm sorry, okay?"
Tumango lang ako.
"Hey Freak, kumain ka na ba?"
Tumango ulit ako.
Tinulak tulak niya yung balikat ko at halos matumba ako. ambigat ng kamay niya. "Kumain ka nga muna! Look at you! Ampayat payat mo na." may nilabas siya sa bag niya. "Actually bibigyan sana kita nito kasi ayaw mo naman kumain sa labas ang kaso hindi mo naman ako pinapansin kanina... at hindi mo ako papansinin kung hindi ko pa ginulo yung gamit mo."
Nadidistract kasi ako kapag nagsasalita ako kaya hindi ako sumasagot. Pagkatapos namin mag-ayos nilagay ko sa paperbag yung binili niya tapos nagjacket ako at nagtanggal ng salamin. "Makalat dito. Dun tayo sa taas."
Sa rooftop namin ay may swing. Dun kami umupo at kumain. Nanibago ako kasi tahimik lang siya. Siguro inaantok narin siya. Ang hirap magkagusto sa babaeng maldita. Titiisin mo lahat ng tantrums kasi takot ka na mawala siya.
Hinubad ko yung jacket ko at sinuot sa kanya. "Th-thank you," sabi niya at sinandal ang ulo sa balikat ko.
Pagkapasa ko ng project ko sa fair, pinangako ko sarili ko na pagbibigyan ko si Drew na lumabas at gawin ang kahit na anong gusto niya kasi naaawa na ako sa kanya. Tama naman siya eh. Ilang beses na siya nagpunta at hindi ko siya halos napapansin pero mahalaga siya sa akin.
***
Hindi siya sumama sa fair kasi sabi niya baka malunod daw siya sa mga nerd at hindi naman niya hilig ang science. Kaya dinaanan ko nalang siya sa university nila na pang all girls. Pakiramdam ko pinagtitinginan ako kaya nakayuko lang ako.
Nakita ko naman si Drew agad.
May kasama siyang lalaki na nakikipagtawanan sa kanya. Hindi ko alam kung anong meron pero nagtago ako. Baka kasi ikahiya lang ako ni Drew. Bakit pa ba ako nagpunta dito? Hindi ako gusto ni Drew. Ngayon ko lang siya nakitang tumawa at ibang tao pa ang kasama niya.