Nene 1

25.5K 57 0
                                    

Ako nga pala si Nenita "Nene" Pedroso,Dalawamput-isa taong gulang,Kilala ako sa tawag na  Nene dahil sa murang edad ko noon ay sumabak nako sa maruming trabaho yun ay ang pagtatrabaho sa BAR.

Sumabak na akong bilang katulong,labandera,taga alaga ng bata at matanda pero iisa lang ang binagsakan ko.
.
.
.
AKO AY NAGING ISANG DAKILANG PUTA
.
.
.
Kahit ayaw ko ay wala kong magagawa ito nalang ang trabahong tumanggap para sa mga katulad kong elementarya lamang ang pinasok kung tutuusin ay grade 4 lang ang natapos ko. Dahil sa kakulangan ng pera.

Mas mabilis ang pera sa pag puputa kumapara sa paglalaba at panganga tulong

Sa bar?Kaunting giling,labas ng katawan pera na,swerteng ma imbitahan ka sa lamesa ng kostomer at ang iba ay ikinakama pa Mas magaling mas malaking tip.

Pero kahit ganoon ay maliit padin ang kita dahil mas malaking parte ang napupunta sa may ari ng bar.

Hindi ko na alintana ang mga mapang husgang mata ng lipunan para pasukin ang gantong uri ng pagkakakitaan ang importante ay mapunan ang kumakalam na sikmura ng aking pamilya.

Hindi kona iniinda ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa estado at uri ng aking trabaho,lalo na ang kanilang sinasabi.Kahit masakit sa pakiramdam na masabihan ka ng pok-pok,puta,GRO,malandi at kung ano ano pa.

Dahil sa panahon ngayon kumakalam na sikmura ang mahalaga na ultimong Katawan na ang pagpapasapasahan,titikman at pagkakakitaan ng kung sino para lang makatikim ng pag kain ang pamilya,swerteng makakain pa ng isa o dalawang beses sa isang araw.

Kaya kahit hindi marangal na trabaho ay papasukin makakain at makapag pa-aral manlang.

Sabi nga diba "Ang taong nagigipit sa Patalim kumakapit" ganoon ang nangyayari sa aking buhay ngayon sa tindi ng kagipitan at kahirapan kahit ang masamang bagay ay gagawin.

Ang iba'y pumapatay at nanakit ng kapwa magka pera lamang kahit labag ito sa kanilang kalooban,ito ay kanila paring gagawin.

Alaskwatro na ng hapon oras na ito para ako'y gumayak patungo sa aking trabaho.

Dali-daling isinuot ang maikling pang ibaba at ang halos labas na ang kaluluwa sa suot na sando na hapit na hapit sa katawan upang makita ang hubog ng aking katawan upang mas kaakit kait at mas kabigay bigay libog sa mga suki kong manginginom at mga lustay pera para sa isang gabing sarap at ligaya.

Nag suot rin ako ng mataas na takong,inilapat sa mukha ang pamahid na pampaputi upang maitago ang mga bakas ng pagod at pagka puyat at naglagay ng makapal na pampapula ng pisngi at huling naglagay ng pulang pulang lipstick sa mga mapuputlang labi

Nag suot rin ako ng mga kolorete lalo na ang mahahabang hikaw sa tenga.

Panandaliang humarap sa salamin upang tignan ang sarili kong hindi gustong makita ng aking pamilya ngunit wala naman silang magagawa kung hindi ko ito gagawin ay wala kaming kakainin.

Sa huling pag silay sa aking itsura ay sabay sabi nalamang sa sarili na...

Ito ay para sa aking pamilya.

Ako ay nagtungo sa pintuang gawa sa pinag tagpi tagping kahoy at dahan dahan itong binubuksan dahil sa pag labas ko ng aming tahanan ay makakarinig at makakakita nanaman ako ng mga bibig na nagbubulungan matang mapanuri at mapang husga mga taong walang kasawaang hinuhusgahan ako sa araw araw na akala mo'y mayroon akong nakakahawang sakit para layuan nila.

Pinilit kong wag indahin ang aking naririnig at nakikita ngunit nang madako ako sa grupo ng mga manginginom at mga tambay na walang magawang tino para sa kanilang sarili at pamilya kung hindi ang tumambay nalamang,maglasing at bigyan nalamang ng sakit sa ulo ang kanilang pamilya

Ikinagulat ko ang ginawa ng isa sa kanila...

Hinawakan nya ang aking pagka babae at ibang pribadong parte ng aking katawan na halos ikamatay na niya ang pagtawa habang ang aking mga palad ay agad na dumapo sa kanyang mukha ng pagka lakas lakas na agad ay kanyang ikinagulat at ikinalaki ng mga mata ngunit ang inaasahan ko'y maghahangos siya sa galit ngunit gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi at sabay pakawala ng mga katagang nag paguho sa aking mundo.

Siya: Ano pang inaarte arte mo ehh ano naman kung dinakot ko ang pagkababae mo at pagkapa sa ibang parte ng katawan mo?Alam kong gusto mo rin naman!Atsaka halos lahat na ata ay natikman at na haplos na bawat parte ng katawan mo?!
Wag mong ipa mukha sa amin na porke babae ka ganito ganiyan ang tamang pag trato sa babaeng patapong puta tulad mo!Nagkakamali ka dahil kahit anong mangyari isa kang PUTA na pinag papasahan ng kung sino sinong kalalakihan gabi gabi para lang mapakain ang pamilya!At kahit balibaliktarin mo man ang mundo maligo kaman ng alkohol wala ng mangyayare sayo dahil isang kang maruming babae!

Ako: Wala kang karapatang sumbatan ako dahil hindi moko pinapalamon!
Oo ngat isa kong puta,Galing sa masama ang pinapakain ko sa aking pamilya pero eto ang tatandaan mo/niyo na mas gugustuhin kopang matapakan nalamang ang pagka-tao ko at masabihan ng kung ano ano kesa naman magutom ang pamilya ko!
Palibhasa kayo TAMBAY,PAMBABABAE at INOM lang ang alam nyong gawin!Mga walang kwenta!Mga pabigat sa pamilya!

Pagtapos kong isiwalat sa mga kapit bahay ko at ipamukha sa mga hayop na tambay nayon ang mga gusto kong sabihin ay ang agad na pag alis ko roon.Nabawasan angbigat sa akijg loob dahil sa aking mga nasabi at nagawa.

Dali dali na akong naglakad patungo sa sakayan ng dyip ngunit ng tignan ko ang aking pitaka ay nagdalawang isip ako kung sasakay paba ako.
Mas minabuti kopang lumakad nalamang upang mas makatipid ipang dadagdag ko nalamang ito sa pambili ng pagkain kinabukasan.

Sa aking pag suyod sa kalsada ay maraming mga matang naka tutok saakin,mga lalaking nagsisipulan at nag hihiyawan ng kung ano-anong mga salitang nakaka pambastos at nakakapang husga.

Oo nga't masakit ngunit kailangan kong tiisin para ito sa pamilya ko,kaya kakayanin kong gawin ang lahat para sa kanila hanggang sa huli.

NeNeWhere stories live. Discover now