Basahin po muna ang story na "ALMOST WASTED LOVE' bago ito. Ang series #1 po. Pero kayo po kung gusto unahin ito ay ayos lang naman po.
Salamat po.
***
Nagpasyang lumayo muna si Kirsten sa birthday party na nangyayari sa isang resort sa La Union kung saan siya naroroon. Um-attend siya kasi sa magarbong kaarawan ng isang kaklase niya. Subalit na-boring siya kaya nagdesisyon muna siyang maglakad-lakad.
Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan niya ang mga bituin sa langit. Buti pa roon sa labas ng resort, nakaka-enjoy para sa kaniya kaysa doon sa loob na puros payabangan ang usapan at pagandahan o paguwapuhan lamang ng mga bisita ang ginagawa. Sa kinaroroonan niya ay nakagagaan sa pakiramdam ang payapang dagat at ang katahimikan ng paligid.
"You're lone? Aren't you scared?" Nang bigla ay boses ng lalaking nakabulabog sa kaniyang pananahimik.
Napakislot siya sabay lingon sa likod. Kunot ang noo niyang napatitig siya sa madilim na parte ng paligid. Pinilit niyang inaninag kung sino ang nagmamay-ari ng tinig, subalit madilim talaga ang lugar na kinatatayuan ng lalaki. Wala siyang makita na kahit ano kundi kulay itim.
"Sino ka?" lakas-loob na tanong niya sa malakas na boses. Kinabahan siya. Baka masamang tao ito? Rapist? Killer? Naku po!
Nakapamulsa ang mga kamay sa harapang bulsa ng pantalon na lumabas naman ang lalaki sa pinagtataguan at lumapit ito sa kaniya.
"S-sino ka?" katanungan niya ulit nang makalapit ng husto ang lalaki sa kaniya. Kita na niya ng mukha nito at in fairness guwapo.
This is it pansit! Ang prince charming niya, nakita na niya! Nagpakita na sa wakas! Ayiee!
Hindi na siya bata pero malaking dalawang titik O, naniniwala pa rin siya na mayroong Prince Charming na nag-i-exist sa panahon ngayon, Prince Charming na kahit moderno na ay kahintulad pa rin ng mga Prince charming nina Cinderella at Sleeping beauty. Prince Charming na inaasam-asam niya na makikilala niya sa isang romantic place.
Ngumiti sa kaniya ang lalaki. "Why are you alone here? Baka mapa'no ka?"
She blushed profusely. Nagdaup sa kanyang bandang dibdib ang dalawang kamay niya at pumungay ang mga matang napatitig siya sa guwapong mukha ng prince charming niya. Jusko! Huwag naman sana siyang mahimatay! Sayang ang moment!
Lumapit pa ang lalaki sa mismong kinatatayuan niya hanggang sa magdikit na sila. Feeling niya ay hindi na stable ang mga vital signs niya. Hindi siya napakali, eh. Sobrang kabog na ang puso niya. Gosh!
Para mapigilan ang sobramg kilig niya ay napalunok siya ng laway niya't napapakagat labi. Naroong hawiin din niya ang tumatakas na buhok sa kaniyang mukha.
"Lord, tulungan niyo akong hindi mahimatay. Sayang po ang moment," pilyang naidasal niya. Aba'y mahirap na. Kay tagal niyang inasam ang moment na ito.
"You are the most beautiful woman I have ever seen in my entire life," mahinang sabi ng lalaki kasabay ng masuyong paghawak nito sa baba niya. Amoy na amoy niya ang hininga ng lalaki, ang fresh, amoy colgate. Char!
Pakiramdam niya ay parang matutunaw na rin siya sa pagtitig sa kanya ng lalaki. Kusang napikit siya ng mata at kusa ring humaba ang kanyang mga nguso.
Ngunit...
Subalit...
Datapwat...
"RWAAAARRRR!" ay angil na ng nakakatakot na lalaki.
BINABASA MO ANG
TAMING THE SYNDICATE LEADER
RomanceAng gusto lang naman ni Kirsten ay magka-boyfriend bago siya humantong sa pagkokolehiyo. Kaya todo effort siya sa paghahanap ng kanyang kauna-unahang prince charming kahit pa magmukha siyang luka-luka. Pero pa'no kung ang magugustohan niyang maging...