Padaskol na umupo si Sean sa upuang nakalaan para sa kaniya. Sa grupo nilang tinawag nilang BLOODY GANG—isang grupo na kahintulad ng mga gangster o sindikato, ay siya ang pinakapinuno.
"Akala namin ay nahuli ka ng parak, bossing." May pag-alala sa boses ni Gani. Ito ang kaniyang kanang kamay at pinakamatagal nang kasama sa grupo.
Tahimik niyang inilapag ang kaniyang baril sa lamesang gawa sa plastik at pinasahadan ng tingin ang mga kasama. "Kumpleto ba kayo? Walang bumulilyaso?"
"Yes, bossing!" halos sabay-sabay na sagot ng kaniyang mga kasama na iba-iba ang edad. At halos lahat ay mga naglayas ng bahay tulad din niya. Ang iba naman ay talagang ulila na ng lubos na inalok niyang sumapi sa grupo kaysa maging pulubi sa mga kalye o maging masasamang loob.
Sean felt relief. Kahit paano kasi ay tinurin na niyang mga kapatid ang mga ito kaya hangga't maaari ay ayaw niyang kahit isa ay may masaktan.
"May makakain na ba?"
"Meron na, bossing," sagot agad ng tagaluto nilang si Teddy.
"Kumain na kayo?" tanong niya sa iba.
"Oo, bossing!" sagot naman ng lahat. Malaki ang mga respeto ng mga ito sa kaniya dahil ang turing na rin sa kaniya ay kuya.
"Pinakain ko na sila habang inaantay ka namin. Ikaw? Gusto mo na bang kumain, bossing?" tanong ni Gani sa kaniya.
"Mamaya na. Sige pagpahingain mo na sila," he said as he stood up. Dinampot niya ulit ang kaniyang baril. Subalit natigilan siya dahil may naalala siya.
"Bastos!" bulyaw ng babae sa kaniya.
"Aray!" nasapo niya ang pisngi.
"Ang dami-dami mong pwedeng tutukan puwet ko pa talaga! Paano kung naiputok mo 'yan?! Eh, di ang pangit kong mamamatay?! Walang pwet!" galit pang bulyaw sa kaniya ng babae.
Sean wanted to laugh. Kahit OA ang babae kanina ay may punto naman kasi.
Napangisi siya sa ala-alang iyon. Sino kaya ang babaeng 'yon? Ano kaya'ng pangalan niya? Ang kulit, eh. Ang lakas ng saltik.
"Bossing, okay ka lang?" untag sa kaniya ni Gani.
"Huh?!" Nagtaka si Sean sa itinanong na iyon ng tauhan.
"Kasi ang ganda ng pagkakangiti mo sa baril mo, bossing, eh?!"
Natauhan si Sean. He shook his head widely. "Ah, wala. Wala lang. May naalala lang ako." Pagkasabi niyon ay mabilis na niyang isinukbit ulit ang baril sa kaniyang tagiliran. "Sige magpapahinga na muna ako," pagakatapos ay paalam niya sa mga kasama.
***
"SEAN? Sean?" paulit-ulit na bigkas ni Kirsten sa pangalan ng lalaking mukhang gangster sa public CR sa park kanina. Napapalabi at kinikilig din siya. Pilit niyang ini-imagine ang mukha ng lalaki.
Well, ayon sa kaniyang pagkakatanda, may hitsura talaga ang lalaking 'yon. Guwapo.
"Sayang naman," saglit ay naisambit niya sabay balikwas ng bangon sa kaniyang kama.
"Baka siya na ang prince charming ko. Sinayang ko pa. Kainis naman, oh." Ginulo-gulo niya ang buhok sa sobrang inis. Kaharap na nga niya, pinakawalan pa niya.
Pero stop! Teka lang! Unfair naman yata na sa isang public CR niya makikilala ang kaniyang prince charming.
Ever since, ang pinangarap niya ay sa isang romantic place niya makikita o makikilala ang kaniyang prince charming. Wala na bang ibang lugar na puwede silang magtagpo? Sa CR talaga?
BINABASA MO ANG
TAMING THE SYNDICATE LEADER
RomanceAng gusto lang naman ni Kirsten ay magka-boyfriend bago siya humantong sa pagkokolehiyo. Kaya todo effort siya sa paghahanap ng kanyang kauna-unahang prince charming kahit pa magmukha siyang luka-luka. Pero pa'no kung ang magugustohan niyang maging...