Part 4

8.5K 281 13
                                    

Tuwang-tuwa si Kirsten dahil tumigil si Sean sa paglalakad. Napangiti siya. Hindi niya inakalang mangyayari ito; ang makita ulit ang binata na as in ngayon na. Pero agad na ipinaalala rin niya sa sarili na hindi pa niya sigurado kung ito na nga ang prince charming niya. Kaya dapat ay hinay-hinay lang siya.

"Ikaw 'yong guy sa CR ng park, hindi ba?" nananantiyang tanong niya nang makalapit siya nang husto sa likuran ni Sean.

Subalit walang tugon ang binata. Nanatili lang itong nakatayo na hindi pa rin nalingon sa kaniya.

"Hindi ba ikaw 'yon? Don't tell me hindi mo ako nakikilala?" kikibot-kibot ang labi niyang muling tanong.

Grabe! Likod palang ulam na! Yummy pala ng lalaking 'to! Naaakit si Kirsten na haplusin ng isang palad niya ang malapad na likod ni Sean. Ang sarap sigurong yumakap doon.

"I'm sorry, but I don't remember you," sa wakas ay sagot ng binata, pasupaldo nga lang. Humakbang na ulit ito paalis.

Ano ba 'to? May amnesia?! Himutok ni Kirsten sa loob-loob niya. "Pero ako nakikilala kita! Ikaw si Sean!" pahabol niyang sabi bago pa makalayo ang binata. "Tingnan mo 'tong puwet ko baka dito ay maalala mo ako! Tinutukan mo nga 'to ng baril, eh!" Para siyang tanga na tumalikod at kinimbot-kimbot ang puwetan.

Hindi makapaniwala ang mukhang bahagya siyang nilingon ng binata. Ngunit saglit lang 'yon dahil parang wala ulit itong humakbang paalis.

"Eh, di wow!" singhap ni Kirsten.

"Hoy!!" galit nang tawag niya rito pero parang bingi na si Sean na nagtuloy-tuloy na sa pag-alis. Lumiko ito sa kanang eskinita.

Gano'n? Dinedma ang puwet niya? Este ang beauty niya?! Nakaka-insulto, ah?!

"Sino ba 'yon?!" Medyo nagulat pa siya sa boses ni Joy. Nakalimutan niya kasi na may kasama pala siya. "Parang mamamatay tao, insan. Nakakatakot."

"Mamamatay tao agad? Agad-agad? 'Di ba pwedeng mukhang gangster lang?!" nanlalaki ang mga mata niyang reklamo sa pinsan.

"Sorry naman pero ganoon din 'yon, eh. Sino ba 'yon?"

"Siya ang aking prince charming!" Nais niyang isagot pero huwag muna, baka makontra, eh.

"Hoy, Kirsten, sino nga 'yon, huh? Bakit kung makaasta ka, eh, parang kilalang-kilala mo siya? Nagtatampo na ako sa 'yo. Naglilihim ka na sa 'kin? Akala ko ba best friend tayo? Walang lihiman, 'di ba?" parang batang maktol ni Joy.

"Ang arte mo!" napadilat na wika niya sa pinsan at natatawa. "Siya si Sean. Nakilala ko sa CR kahapon no'ng may rayot ang mga gangster doon."

"Talaga? So, hindi lang ikaw ang nagtago sa CR? OMG, sasama mo siya?!"

Kinilig na sunod-sunod ang ginawa niyang tango.

"Ayeii! So, ano'ng nagyari? May nangyari ba? Kiniss ka ba niya? Ano'ng feeling?" sunod-sunod ding mga katanungan ni Joy.

"Kiss agad?" singhal niya sa pinsan. "Utak mo talaga bastos, ano?"

Humagikgik si Joy at nag-peace sign sa kaniya. "Nahawa lang ako sa 'yo."

Ang hindi nila alam, nasa may pader lang si Sean. Nakikinig at hindi nito namalayan na nangingiti na rin. Mayamaya lang ay inayos ang sumbrero nito at lumakad na.

Sa isip nito ay saka na muna ang babae. May mga dapat pa siyang gagawin. Mas importante kaysa sa mga babae. At iyon ay ang hanapin ang mama niya.




•••

"Ang tahimik mo 'ata, insan?" puna ni Joy kay Kirsten makalipas ang ilang araw.

TAMING THE SYNDICATE LEADERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon