Part 5

7.4K 264 14
                                    

"Kirsten Mae Bajala?! Nasa'n kang bruha ka?!" tanong agad sa kaniya ni Joy nang sinagot niya ang tawag. Galit na ang kaniyang pinsan dahil kinumpleto na nito ang kaniyang pangalan.

"Dito sa prince charming ko, insan," gayunman ay kilig niyang sagot. Binalewala niya ang galit nito. Kasalukuyang nakaupo at titig na titig kasi siya sa may tapat ni Sean. Nasa gitna nila ang round table na pinagto-Tong-Its-an ng tatlong binata. "Sige na maya ka na lang tumawag. Busy ako. Bye."

Makikitang pigil ang ngiti at tawa nina Gani, Romeo at Teddy. Iniiripan kasi ang mga ito ni Sean.

"Oh, Tong Its na ako," mayamaya ay wika ni Sean sabay baba sa lahat ng baraha na hawak nito.

"Ay, ang galing! Ang galing-galing mo naman!" Nagpapapalakpak si Kirsten. Tuwang-tuwa siya na akala mo'y nanalo sa olympics ang binata kung maka-proud.

Gusto ulit magtatawa ang tatlong tauhan ni Sean. Sa tingin kasi nila ay may sayad ang dalaga, nabuang sa bosing nila.

"Mukhang malakas ang tama sa 'yo, bossing," natatawang bulong ni Romeo kay Sean.

Napabuntong-hininga si Sean at napangiwi. "Malakas ang tama sa ulo siguro. Nababaliw na yata o baka takas sa mental. Luka-luka, eh," bulong na wika rin nito at tumayo na. "Maliligo lang ako," at anito upang makaiwas sa bababeng galing nga yata sa mental.

"Ingat ka, baka madulas ka!" pahabol na kaway ni Kirsten dito.

Sa puntong iyon ay inilabas na nina Romeo, Teddy at Gani ang malulutong nilang tawa. Pinagtawanan nila si Kirsten.

"Ano'ng nakakatawa?!" subalit pagtataray ni Kirsten sa kanila. "Madulas naman talaga ang banyo, ah? Concern lang ako kay Sean."

Napahiya ang tatlong binata kaya kunwa'y nagsiubuan ang mga ito. Natahimik sila at itinuloy ang pagto-Tong Its habang wala si Sean.

Kikibot-kibot ang mga labi ni Kirsten na inabala muna ang sarili sa pagtingin-tingin sa buong kabahayan. Well, halatang bahay talaga ito ng mga kalalakihan dahil parang sinabugan ng granada ang mga gamit na nagkalat kung saan-saan.

"Ano'ng trabaho niyo?" tanong niya dahil na-amaze siya sa mga nakita niyang larawan na nakadikit sa mga dingding. Mga larawan ng grupo na may mga hawak na baril. Pero 'yong iba naman ay mga larawan na nagkakasiyahan sa inuman.

Nagkatinginan ang tatlo. Walang gustong sumagot.

"Mga sindikato kami. Nagbebenta ng laman loob ng tao. Bakit mo natanong?" Si Sean ang sumagot. Galing sa isang silid ang binata at may nakasampay nang tuwalya sa may kanang balikat.

"Weh? 'Di nga?!" Bigla natakot si Kirsten. Napaurong ng isang hakbang.

Gusto ulit magtatawa sina Gani, Teddy at Romeo.

Ngumisi si Sean pagkuwa'y lumapit sa dalaga, as in malapit na malapit.

Napaurong pa si Kirsten hanggang sa nasandal na siya sa pader.

"Oo nga. Kaya kung ayaw mong maibenta ang mga laman loob mo. You'd better go before it's too late," may pagbabanta pang wika ni Sean.

Napalunok si Kirsten at napangiwi. Nakaramdam na talaga siya ng matinding takot. Woah! Parang monster na si Sean!

"Maligo na ako," mayamaya ay seryosong talikod ulit ni Sean.

Naiwang tuliro si Kirsten. Sa isip-isip niya ay totoo kaya 'yon?

Pinasadahan niya ng tingin ang tatlong nagto-Tong Its. Parang walang mga pakialam sa mundo lang. Sabagay mukha nga silang mga sindikato talaga.

"Totoo ba 'yon? Nagbebenta kayo ng mga laman-loob ng tao?" Bagaman alanganin nang naroon siya sa lugar na iyon ay kinalabit niya si Teddy nang umupo ulit siya sa kinauupuan kanina.

TAMING THE SYNDICATE LEADERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon