Chapter 7: Julie Talked to Elmo

783 11 0
                                    

*Nang umalis na si frank*

Ganon parin si elmo, iyak parin ng iyak, hindi na nag dalawang isip pa si Julie na lapitan ang binata.

"Moe" Hinimas nya ang likod ng binata para pagaanin ang loob nito.

nilingon sya ng binata "what are you doing here?? Diba kasama mo si Kris sa loob??"

iling lang ang sinagot nya sa binata "umuwi na sya kaagad may pasok pa kasi sya bukas ng maaga eh" sabi ni julie ng naka ngiti

"bakit ikaw hindi ka pa umuuwi??"Sabi ng binata sa dalaga

"gusto muna kitang kausapin Moe"

"i don't have a time to talk to you Julie, please lang layuan mo na ko" iritadong sambit nya sa dalaga

"Mahal mo ba si Lauren??" pagiiba nya ng usapan, natahimik naman kaagad ang binata sa tanong nya at napa yuko "Moe, gusto kong makusap ka hindi dahil gusto kong magpapansin sayo,hindi dahil gusto kong makuha ulit ang loob at maibalik ang tiwala mo sakin" she paused "I'm here to comfort you, ayokong makita kang ganyan, na halos hindi maka hinga sa sobrang sakit ng nararamdama mo,hindi ko gusto ang nararamdaman mong sakit dyan sa puso mo" sabay turo nito sa dib-dib ng binata "Sa tuwing nakikita kitang nasasaktan mas doble ang sakit ng nararamdaman ko" she paused "alam mo kung bakit??"

"bakit?" Elmo

she hold his hands "Kasi mahal na mahal kita at ayaw kong maranasan mo ang naranansan ko noon"

sabi ni julie sa binata na naka tingin lang sa kanya at nakikinig "Now, go tell me what you feel, I'm here to listen for you, I'm your friend"

tumingin si Elmo sa dalaga na halatang nasaaaktan rin sa situasyon nya, nang tignan nya ang dalaga ay para bang bigla nalang gumaan ang loob nya dito,nginitian nya si Julie bago magsalita "thank you Julie"

"Anything for you Elmo" napangiti ng maramdaman nyang ok na si Elmo na kausap sya, nginitian sya nito at hindi nya maiwasang kiligin dahil ito ang unang pag kakataon na ngitian sya ng banata "Ok, Tell me, ok ka lang ba??" umupo sya sa tabi ng binata sabay tingin dito

Halata sa mata ni Elmo na malungkot ito, kahit naka ngiti ito, ramdam ni Julie na may mabigat na dinadala ang binata.

Nag simula nang magsalita si Elmo "May pinanood sakin si Frank na Video. She looks like Lauren, Julie alam ko hindi sakin magagawa ni Lauren yun, sa dalawang taon na panliligaw ko sa kanya alam kong di nya magagawa sakin yun" nag simula nang mamuo ang mga luha ni Elmo sa mata nya

"Pero nakita mo na nga diba??"

"Yun nga Japs eh, ansakit tanggapin ng katotohanan, sinasabi kong hindi totoo kahit alam kong totoo, Nag bubulag bulagan ako kahit nakikita ko naman...Julie di ko akalain na sa 2 years na panliligaw ko sa kanya niloloko nalang pala nya ko" Hindi na napigilan pa ni Elmo at pumatak na ang mga luha nya na kanina pa namumuo sa nga mata nya

"Moe, you don't deserve this. Kung hindi ka nya mahal edi hindi" She Paused "Elmo, If you love someone let Her/Him go, kung yun ang makakapag pasaya sa kanya ibigay mo, kahit mahirap" huminga sya ng malalim at muling nagsalita "Sabi nila pag mahal mo ipaglaban mo, pero hindi naman pwedeng lagi nalang ganon, papaasahin mo ang sarili mo sa tanong alam mo naman na hindi ka kayang mahalin tulad ng pag mamahal mo sa kanya"

"Pero Julie mahal na mahal ko sya, gagawin ko ang lahat makuha lang sya" sambit ng binata habang lumuluha

"Elmo, hindi lang sya ang babae sa mundo, hindi lang sya ang tao sa buhay mo. marami pang nag mamahal sayo Hindi lang sya"

She hold his hands "I know you love her more than anything, pero Elmo isipin mo ang sarili mo, sa tingin mo ba may pakelam sya sayo habang nasasaktan ka?? sa tingin mo ba iniisip ka nya sa lahat ng oras, habang kasama nya ung lalaking kahalikan nya sa video na yun??" himunto sya saglit "Hindi Elmo. alam ko nasasaktan ka sa mga sinasabi ko sayo pero this is the only way para magising ka sa katotoohanan...mahal kita Moe, hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ako. Ang tanging hinihiling ko lang ay ang pakinggan mo ako. ayoko nakikita kang nasasaktan ng ganyan. Please lang Elmo isip mo ang sarili mo" hinigpitan nya ang pag hawak ng kamay ni Elmo "kung kailangan mo ng karamay nandito lang ako para pakinggan ka" pinunasan nya ang mga luha na nasa pisngi ni Elmo "Always remember that I'm always here for you to catch you" sabay smile nya dito. Smile na mag papagaan ng loob ng binata

"Thank you Julie. Thank you so much, napaka swerte ko na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo.... I remember the time na nalaman kong mahal mo ako ng higit pa sa isang kaibigan. Oo aaminin ko nawalan ako ng tiwala sayo that time... hanggang kanina" He paused and look at Her "pero ngayon bumalik yung tiwala at loob ko sayo dahil natauhan na ko" hinawakan nya ng maayos ang kamay ng dalaga "ngayon ko lang na isip kung gano nga pala kina nasaktan noon..." he paused "Pero bakit kahit ilang beses na kitang nasasaktan, hindi mo parin ako magawang I let go tulad ng sinasabi nila, you're always still there for me"

"Kasi mahal kita, Your my first love Elmo" Ngumiti sya sa binata "sabi ko nga Diba?? I'm always here for you no matter what happen" hinawakan nya ang dalawang pisngi ng binata at tumungin dito ng mata sa mata "Mahal kita higit pa sa buhay ko, kahit may iba kang mahal sinasabi ko sa sarili na handanda akong mag sakripisyo para iparamdam sayo na mahal na mahal kita" She paused "Elmo mula ng nakilala kita natutu na ko kung pano mag mahal. Binago mo ang sarili ko Elmo.Binago mo ako" Sabay patak ng luha na kanina pa namumuo sa kanyang nga mata

Hindi na napigilan pa ni Elmo ang sarili at niyakap na nya ang dalaga ng sobrang higpit at bumulong "Thank you for the love Julie at gagawin ko ang lahat matutunan ka lang mahalin"

"Thank you for giving me a chance to feel my love to you Moses" sambit nya ng lumuluha habang yakap sya ng banita" I'm so happy" Mas hinigpitan pa nya ang pag yakap sa binata "I Love you more than anything else Elmo

....

"What is the meaning of this?!"

napahiwalay sila sa pag kakayakap ng marinig nila ang boses naiyon. Sabay nilang nilongon ito at pareho silang nagulat sa taong naka tingin sa kanila

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Thank you for reading my story guys...

Love you a lots

Vote°Comment°Share

Give Me A Chance (JuliElmo FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon