Chapter 13: Tabay Sa Office

602 12 0
                                    

Inside The Car:

Habang nag mamaneho ang binata pabalik ng MPD Company [Marquez Passion Designing Company(Ngayon lang naisipan yan pasesya na)]nag k-kwentuhan lang sila ng dalaga.

"Moe ano-ano mga kanta mo dito sa Phone mo??" Sabi ni Julie habang pinapakielaman ang Cellphone ng binata

"Lahat ng kanta ni Pop nandyan"

"Puro rap??"

"Hindi naman. May mga kanta naman nya na hindi rap like Kaleidoscope World , Girl Be Mine , Cold Summer Nights"

"Gusto mo lagyan kita ng kanta??"

"Ano ano bang nga kanta mo dyan??"

Kinuha ni Julie and phone nya sa bag nya "May mga songs ako na sinulat"

"Really?? nag susulat ka ng kanta??" Gulat na tanong ni Elmo "Pwede pa rinig??

"Yeah, pero later nalang sa office di kumpleto mga songs ko dito eh pero may mga kanta naman ako kaya lang hindi ako ang kumanta"

"Oh sige later nalang pag balik natin dun. Wala naman akong gagawin sa Office ngayon kaya free akong mag stay sa Office mo haha"

"Adik, Tumambay daw ba sa Office ko haha"

Tawanan,Kulitan,Asaran, Lokohan. Yan ang ginawa nila habang pabalik sa MPDC Building. Nang maka rating na sila doon ay agad silang bumaba ng sasakyan.

"Wala ba yung Kris mo dyan??" sabi ni Elmo habang nag lalakad ng naka akbay sa dalaga pa pasok ng building

"'Kris Mo' ka dyan. Wala sya, kasama ng Boss ko sa cebu"

"Ilang days sya dun?!" Excited na tanong ni Elmo

" 2 weeks"

nang maka rating sila sa floor kung nasaan ang office ni Julie ay kaagad kinuha ng dalaga ang susi nito sa bag nya at binuksan ang office.

"Bakit di nalang 2 months para mas masaya" gusto nya kasing masolo ang dalaga.

Ewan ba nya, mula nung nangyari ung sa Bar parang nag ka gusto sya bigla sa dalaga, para bang ang bilis nya naka move-on sa ginawa ni Lauren sa kanya.

"Sige dalawang buwan sya doon pero dalawang buwan ka din tutulong sakin dito sa office" umupo sya sa umupan nya at nasa harap nya si Elmo na nag papa-cute sa kanya

"Oh sure. atleast ma sosolo kita" sabay kindat sa dalaga.

na mula nmn si Julie sa sinabi ni Elmo sa kanya "ewan ko sayo, sige na. Ung box doon sa kabilang table kunin mo nandoon ung mga CD ko" halatang kinikilig na sabi ng dalaga

Tumayo si Elmo ng naka ngiti at kuniha ang Box na sinasabi sa kanya ni Julie. Kinuha naman ng dalaga ang DVD player nya. Pagka lagay ni Elmo ng Box sa table nya ay agad nyang hinanap ang CD na nag lalaman ng mga kanta ni Julie.

"Pakinggan mo muna ung mga song tapos ikaw na pumili ng mga kanta dyan kung ano gusto mo. may iba pang kanta dyan sa box pumili ka kung ano gusto mo" Sabi ng dalaga habang binuniksan ang Computer nya dahil may panibagong trabaho syang gagawin.

"Ok" Umupo si Elmo sa Harap ng lamesa ni Julie at doon nag hanap ng mga kanta.

Nakita nya ung CD na may picture ni Julie kaya ayun ang pinatugtog nya sa DVD.

"Julie may mga kanta ka sa USB?? Doon nalang ako mag hahanap ng kanta tapos i lalagay ko sa memory ko"

"Oh sige, Ligpitin mo yan tapos ung USB ko nasa likod ng pinyuan naka sabit kunin mo tapos dun ka nalang sa laptop ko mag lagay ng kanta" Sabi nya habang nag t-type

Give Me A Chance (JuliElmo FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon