Chapter 15: Permission of Her Parents

653 18 4
                                    

*Pag pasok nila ng bahay ng San Jose*

"Moe Upo ka muna, Tatawagin ko lang si mama at papa" - Sabi ni Julie Kay Elmo

"Sige"

Pumasok sa kusina si Julie upang tignan kung naroon ang kanyang ina, nang makita nyang naroon nga ang mama nya ay nilapitan nya ito. "Ma, I'm Here" Sabay beso.

"Oh anak, Kumain ka na, may sinigang dyan sa mesa, tinira ko talaga yan kaninang Tanghalian para sayo."

"Talaga ma??" Masayang sambit ng dalaga.

"Oo, Alam ko naman paborito mo yan eh."

"Masarap naman ba??"

"Kelan ba ko ng luto ng hindi masarap??" naka taas Kilay na sambit ng kanyang ina

"Haha… Ah mama may kasama po pala ako, si Elmo po kasi nasa Sala"

"Elmo?? As in Elmo magalona??"

"Opo"

"Oh eh, Buti naman at pinansin ka na nyang supladong yan??"

"Ma naman. Ang bait na kaya ni Elmo sakin, ang sweet pa nya. Ang totoo nga po eh may sasabihin po kami sainyo ni papa. Eh kaya lang mukang wala pa si papa eh."

"Ung papa mo kaka text lang bago ka dumating, malapit na daw sya. Ano ba sasabihin nyo?"

"Mamaya nalang ma pag nandyan na si papa"

"Oh sige, mukang importante ang sasabihin nyo eh"

"Sige ma, habang wala pa si papa dun po muna ko sa labas, sasamahan ko muna si Elmo, mamaya ko nalang po kakainin yung Sinigang para sabay na po tayo nila papa"

"Oh sige"

Lumabas muna si Julie at punta Kay Elmo. Maya Maya ay dumating na ang kanyang ama. Naka tingin ito sa binata, kaya hindi maiwasang kabahan ni Elmo, hinawakan nalang ni Julie ang kamay ng binata para hindi pa mas lalong kabahan. Kakain na sila, nung una tahimik silang kumakain ng basagin ng papa nya ang Katahimikan

"May sasabihin raw kayo saamin."

Nagkatinginan muna si Elmo at Julie bago mag salita"Opo"

"Ano iyon?" seryosong sambit ng kanyang ama

"A-aahh s-sir, A-ano po k-kasi aahmm" pinagpapawisan na si Elmo sa sobrang kaba, seryosong naka tingin sa kanya ang ama ng minamahal nya kaya hindi nya maiwasang kabahan. Iniisip nya na baka hindi sya payagan ng papa ni Julie na manligaw sa dalaga.

"ano un iho? sige lang wag ka kabahan" Sabi ng mama ni julie.

"a-ano po k-kasi" Huminga muna sya ng malalim bago muling magsalita "Gusto ko po Sana magpaalam sa inyo na-"

"Na ano??" Seryosong sambit ng pala ni Julie.

Medyo kinabahan si Elmo, pero hindi sya nagpa dala sa kanyang kaba. Tumingin muna sya Kay Julie bago ituloy ang kanyang sasabihin.

"L-ligawan a-anak nyong si Julie" nang Bitawan nya ang mga salitang iyon ay nakita nyang nag bago ang expression ng muka ng papa ni Julie. Muli syang pimagpawisan, at nanlamig. Naramdaman ni Julie iyon kaya Mas hinigpitan pa nya ang hawak sa kamay ni Elmo para mawala ang kaba nito.

"Liligawan mo ang anak ko?" Tanong ng papa ni Julie

"Opo. Wag po kayo mag aala sir hinding hindi ko po sasaktan ang anak nyo. Hindi ko po kayang saktan ang taong mahal ko"

"Pero Iho kelan lang kayo nag ka ayos ni Julie, parang masyado pang maaga"

"Hindi ko naman po minamadali ang anak nyo. Mr. and Mrs. San Jose handa po akong mag hintay kahit kailan. Gagawin ko po ang lahat mapatunayan ko lang po sa inyo na mahal ko ang anak nyo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Give Me A Chance (JuliElmo FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon