24

1K 34 0
                                        

Habang lumilipad sila Raja nagising na si rew.

"Raja? Bakit tayo lumilipad? San si aleah?" Tanong nito

'P-patay na si aleah master' sabi nito habang may tumulo ng luha sa mata nito. Umiyak na din si rew.

"Raja! Balikan natin si aleah!" Sigaw nito habang humihikbi

'Pasensya na rew pero di na pwede'

"Raja master mo si aleah! Bakit ayaw mong balikan?!"

'Ikaw na ang master ko rew' sabi nito sa kanya

Habang umiiyak si rew bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan. Nag hanap si raja ng masisilungan sila. Lumapag sila sa malaking puno at nagpahinga dun. Hindi parin tumitigil si rew sa kaka-iyak

"Raja please balikan natin siya please" humihikbing sabi niya

'Rew hindi na pwede mapapahamak ka lang' saway nito sa kanya

Umupo nalang si rew sa gilid ng puno at dun nakatulog. Niyakap naman siya ni raja para mainitan ito.

Pagka umaga gumising ng una si rew. Para makahanap siya ng makakain nila. Ilang araw din lumilipad si raja at alam nitong pagod na pagod ito.

Gumising si raja ng wala na si rew sa tabi nito. Nataranta ito at hinanap ang dalaga habang lumilipad sa himpapawid nakita nito ang dalaga na tumatakbo habang hinahabol ng dalawang Malalaking lobo. Mabilis siyang lumipad para puntahan ito. Hinarang agad ni Raja ang dalawang lobo at nakipag away dito. Hindi alam ni rew ang kanyang gagawin. Nakita niya kung pano saktan si Raja ng dalawang Lobo. Bigla siyang nagalit hanggang sa naramdaman niyang umiinit ang kanyang katawan. Mga mata niya ay naging kulay dugo at may lumabas ng pangil sa kanya.

Tumakbo si rew. Mabilis niya itong pinuntahan at nakipag away si rew sa mga lobo. Bigla niyang sinunggaban ang kulay itim na lobo tinapon niya pa ito sa malayo. Pumunta agad siya dun sa kulay abong lobo ng biglang may nagpakita sa kanilang kulay puting lobo na may dilaw na mata.

-------------------------

TBC...

Hi readers! Sorry kung natagalan akong mag UD sorry talaga. Busy kasi ako. Sana suportahan niyo ang isa ko pang story. 3 bitches in 1 house. Yun lang po maraming salamat sa pag babasa ng Half werewolf half vampire

Ms. JD ♡

Half Werewolf Half VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon